[7] HIDE AND SEEK

Magsimula sa umpisa
                                    

Pumasok siya sa glass door na may nakaukit na Marketing. Mayroong mahigit dalawampung cubicles sa departamento at limang nakahiwalay na mga silid na siyang personal na mga opisina ng mga nakatataas. Pagkapasok na pagkapasok niya sa pinto, halos sabay-sabay na napalingon sa kanya ang lahat ng mga empleyado. Naghubad siya ng sunglasses. Inilabas niya ang tsapa at malakas na nagpakilala.

"Captain Alexandra Valdemor from MPD . Andito ako dahil kay Divine Hillary Francisco."

"Di ba suicide lang ang nangyari? Bakit kailangan pang imbestigahan?" taka ng ilan sa mga empleyado.

Mabilis na lumapit sa kanya ang manager.

"Pasok po kayo officer. Nakatanggap nga ho ako ng formal notice mula sa pulisya na may pupunta dito."

Inalalayan siya papasok ng manager.

"Hay kaya pala ang cool mo tingnan, pulis ka pala. Ang ganda-ganda mo namang pulis." narinig niyang nakapangalumbabang sambit ng babaeng nakasabay niya sa elevator nang mapadaan sa mesa nito.

Nilingon niya ang babae. Ginantihan niya ito ng ngiti at sabay kininditan. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa cubicle ni Grace.

----

"You loved our lunch, didn't you? I told you I found a nice restaurant nearby," nakangiting wika ni Debbie.

Hindi sumagot si Blake. Nakakunot noo lamang habang naglalakad. "Debbie I think I just saw someone who looks like Alex."

"Really? Baka naman si Alex nga yun."

"I'm not sure kasi kung pupunta siya dito, I'm sure sasabihin niya sa akin."

"Hindi kaya sinusurpresa ka. Mahilig manurpresa yang girlfriend mo di ba? Just like what she did in America."

Napapailing na dinukot ni Blake ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Alex. Ilang ring ang bumilang bago ito sagutin.

"Hello," sagot ni Alex.

"Where are you?"

"Sa headquarters."

"Are you sure?"

"Oo naman. Bakit ka nagtatanong?"

"Nothing. I thought I saw you somewhere else."

"Saan naman ako pupunta? Andito ako sa office may tinatapos akong mga blatter reports," tatawa-tawang sagot ng dalaga.

"I'm just checking. Bye. I love you."

"I love you too. Bye."

"Nasan daw siya?" usisa agad ni Debbie.

"Nasa headquarters."

"Baka naman kamukha lang yung nakita mo or baka naman namamalikmata ka lang dahil sa sobrang pagkahead over heels mo dyan sa girlfriend mo."

"Maybe,"kibit-balikat na sagot ni Blake. "By the way, aren't you going back to your office?" tanong niya nang mapansing nakabuntot pa rin patungo sa opisina niya ang babae.

"Let's discuss first your project proposal."

Sumigla agad si Blake. "Really? Are you done reading the files? Wow you're fast!"

"Opo. Basta para sayo boss!" nakaingos na sabi ni Debbie.

Walang gaanong bumati kay Blake nang mapadaan sa mga empleyado. Abala ang mga ito sa pagkukuwentuhan. "It seems that everyone is busy gossiping," saad niya pagkaupong-pagkaupo sa sariling mesa.

"Ah I think it's because of that employee who died," sagot ni Debbie.

"Died? Who?"

"There's a young employee from Marketing who committed suicide."

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon