Blank memories

8 0 0
                                        

"Alex?" Nagulat ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito at nakitang si Cassie pala, pinsan ko.
"Hmm?" Tanong ko sa kanya. Muli kong binalik ang tingin ko sa mga pinsan naming bata na naglalaro sa may puno ng mangga. Nandito kasi kami ngayon sa veranda sa 2nd floor ng bahay.
"Tara na, kakain na raw. Baba na tayo" napatingin ako sa orasan. 6:00 na pala. Bumaba na kami ni Cassie para kumain. Nandito kasi ang iba naming mga kamag-anak dahil birthday ni Kuya Sandro, kapatid ko.
Nagtatakbuhan ang mga bata kaya maingay at ang mga matatanda naman ay busy sa paghahanda sa mesa. Lumapit ako kay Kuya Sandro na nakaupo sa kanyang wheelchair.
"Happy Birthday, Kuya! Look at our family. They look so happy. I wish you are too, kuya." Tsaka ko sya hinalikan sa noo nya. Bahagyang gumalaw ang mga labi nya para bigyan ako ng ngiti bilang sagot.
"Halina kayong lahat at kakain na tayo!" Tawag ni Mommy.
Itinulak ko na ang wheelchair ni kuya papunta sa may dining area. Iniayos ko ang pwesto nya bago ako umupo sa upuang katabi nya.
Kinantahan naming lahat si kuya ng Happy Birthday. Nakangiti sya habang kinakantahan namin sya. Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumaing lahat. Sinusubuan ko si Kuya ng bigla akong kinausap ng tita maricel.
"Alex hija, kinakamusta ka nga pala ni kumareng Cecille."
Bahagyang kumunot ang noo ko. "Sino po si Cecille tita?" Tanong ko dahil hindi ko matandaan.
"Ano ka ba hija, si Cecille yung nanay ng kaibigan mong si Cheska!" Sagot ni tita. Napangiti na lang ako at umiling bilang sagot na hindi ko matandaan kung sino ang mga iyon.
"Ano ka ba Ate Cell, hindi pa sila matandaan ni Alex at simula naman noon hindi na nya nakita ang mga iyon" sagot ni Mommy
"Hindi ba? Its been what? 5 or 6 months? I figured she'd remember them by now." At nagtuloy ng kumain si tita maricel.
"She remembers everything one at a time, ate. Hindi naman sya nadalaw ng mga iyon kaya hindi sya nakilala ni Alex. I'm not forcing her to remember everyone and everything." paliwanag naman ni Mommy. Ngumiti na lang ako at tinuloy ko ang pagpapakain kay Kuya. Napansin kong nakatingin sya sakin. Ngumiti ako sa kanya at napabuntong-hininga na lang.
Its been 6 months. 6 months nung naaksidente kami ni Kuya. 6 months nung nacoma si kuya. 6 months nung nagka-amnesia ako. I forgot everything that happened before 6 months ago. I only remembered waking up in a white room with people surrounding me. People I don't know, people that I completely forgot.
It was hard. It was so hard. Para akong baby na bagong silang. Pinakilala nila sakin ang bawat sarili nila. Pati sina Mommy at Daddy hindi ko kilala. Takot na takot ako nun because kahit ano, wala akong maalala. Nakakatakot. Blangko ang isipan ko.
But my family helped me. Nung unang beses naming magkita ni kuya after the accident, I cried. I did not remember him, instead I felt something weird. I just know deep down na we're connected.
Habang ako nagkaamnesia, si kuya nacomatose for almost 2 months. Malala ang nangyari sa kanya. He lost the ability to walk and to talk. Yung ulo at spinal cord nya raw kasi ang napuruhan kaya sya nagkaganto. They only way we communicate is binigyan namin sya ng white board para dun isulat kung ano mang gusto nyang sabihin. Sometimes cellphone lalo na pag gabi. He also has a bell para incase he needs our help.
I couldn't imagine the pain that our parents went through. Dalawa lang kami ni kuya na anak nila tapos nagkaganto pa kami. That's why I am trying my best to be normal, kahit na sa bawat araw na paggising ko, natatakot ako kasi halos wala pa rin akong maalala bago mangyari yung aksidente. I can only remember everything that happened after I opened my eyes in that white room.
"Alex!" muntik na akong mapatalon sa nakakagulat na pagtawag sa akin ng pangalan ko ni Mommy.
"Thinking again, huh?" Tanong ni Cyriel, kapatid ni Cassie.
I smiled. Sino ba namang hindi mapapaisip after nila mapagusapan yung memory thingy ko.

After magdinner they stayed for a while to talk. After an hour or two, umalis na rin sila. The house felt empty again without the kids playing and shouting. Apat na lang kami nila Mommy, Daddy at kuya dito.
I sighed.
Nalungkot na naman ako.
Kahit hindi ako makaalala, nakakaramdam naman ako.
I feel like there is something that I have to remember.
Not something.
Someone.

Forever LoveStories to obsess over. Discover now