"Melissa.." tawag niya sa dalaga.
Kasalukuyan silang nasa kubo ng isang tapat na katiwala ng mga Morado. Ngayong gabi, dito sila magtatago at kinabukasan ay magpapaka layo layo. Nakahiga sa papag ang senyorita habang nakaunan ang ulo sa bisig niya, nakapatong ang kamay sa kanyang dibdib habang hawak niya.
"Hmm?" sagot nito.
Tumagilid siya upang magharap ang mga mukha nila-- at matitigan ito ng mabuti.
"Ano ang nararamdaman mo?" tanong niya.
Tumingin ito ng diretso sa kanya. May kislap ang mga mata at puno ng pagmamahal sa kanya.
"Ang totoo, natatakot ako, Bea." Sagot nito pagtapos ay hinawakan ang mukha niya. "Pero gusto kong sumugal sayo. Satin. Hindi mo naman ako iiwan, hindi ba?" tanong nito at ngumiti.
Naninikip ang dibdib niya sa ngiting iyon.
Paano niya sasabihin sa dalaga ang totoo?
Napatingin siya sa kanyang camera.
"Ayoko nang bumalik sa panahon at oras ko.." sabi niya sa sarili.
Hinapit niya ang dalaga at hinalikan niya ito sa noo.
"Hindi kita iiwan, Mahal ko." Sagot niya.
---
A/n: Para ito sa dalawang taong nagbabasa sa XXII sa isa kong account.
At
A JiBea Story for you, guys! (Pambawi) Thank you! Will update this lagi katulad nong XXII. :)
YOU ARE READING
Without You (JiBea)
FanfictionBea De Leon traveled back in time accidentally. And fell in love.
