Nasa mall ako ng mga araw na iyon dahil hindi ako sinipot ng magaling kong kaibigan.Kaya naisipan kong pumuntang Sky Garden.
"Why Trixie?I love you so much bakit ba ang dali mong bumitaw bakit ka kaagad sumuko!"sabi nito habang umiiyak.
Mag-isa lang ito na tila kinakausap ang sarili.
At dahil dakila akong chismosa pasimple akong tumago sa isang malaking halaman malapit sa kanya.
"Bakit hindi ka dumating, ito ba ang sagot mo!"sigaw nito.Napalinga-linga ako sa paligid ko baka kasi may tao at makita ako at isa pa sumigaw ito baka may makarinig.
Napahinga ako ng walang tao sa kinaroroonan namin buti nalang nasa dulo kami nakapwesto.
Kinuha nito ang dalang bulaklak at chocalate na itatapon niya sana kaso napigilan ko siya,sayang din iyon no!
"Who are you?"sabi nito na matalim ang tingin sa akin.
"My name is Hannah Agustin ang concern citizen ng bansang ito."sabi ko.
Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.
"Alam mo bang maraming naghahangad na babaeng mabigyan ng bulaklak at isang sweet na chocolate, maraming maghihinayang kapag itinapon mo iyan kaya akin nalang."sabi ko sabay hablot sa hawak nito."Akin nalang ito."sabi ko na nakangiti pa rin.
Nakatingin lang ito sa akin na parang isa akong baliw sa paningin niya.Nginitian ko lang siya at umupo sa kinaupuan niya kanina ngayon siya naman ang nakatayo ngayon sa akin.Tahimik lang itong nakamasid sa akin habang kinakain ko ang chocolate ng girlfriend niya.Maya-maya ay tumabi na ito sa kinauupuan ko.
"Bakit ba ang hirap niyong unawain."sabi nito kaya napatigil ako sa pagnguya,bago ako sumagot nilunok ko muna ang kinakain ko.
"Yeah I'm second the motion dahil ako mismong babae nararamdaman ko din iyon sa sarili ko.Depende kasi iyon sa sitwasyon lalo na kapag nahihirapan kami at naguguluhan kaya hindi na namin alam ang susunod naming hakbang.Mahirap naman talaga kaming unawain minsan nga nahihirapan din akong unawain ang sarili ko kaya nga meron akong malalapit na kaibigan para sa kanila ako hihingi ng tulong lalo na kapag na nasa mahirap kang sitwasyon kaya kailangan natin ng advice."
Lumingon ito sa akin."What do you mean na kailangan kong humingi ng advice sa iyo?"
"Hmmm.Pwede din, kung gusto mo sabihin mo sa akin ang problema mo baka sakaling may maitulong ako sayo, minsan kasi kailangan din natin ng may pagsasabihan ng sama ng loob para kahit papaano mababawasan ang sakit na nararamdaman natin."
"Pagkakatiwalaan ba kita?"
"Of course!Sa ganda kong ito!"sabi ko sabay pa-cute.
Napangiti ito sa ginawa ko kaya bigla akong napatulala sa angking kagwapohan nito.Halelujah... alam kong gwapo ang lalaking ito pero mas lalo pa palang nadagdagan ang kagwapohan nito ng ngumiti ito sa harapan ko.
"Hey!Are you okay?"
Tilapya naman oh napatulala pa yata ako sa harapan niya!
"Yup I'm okay!So Can you tell me your story?"
Ngumiti na naman ito sa harapan ko at pwede ng lumaglag ang panty ko:)
Nagkwento nga ito ng istorya ng buhay niya.Nag-away pala ang parents nito at parents ng girlfriend niya kaya sila ang naiipit sa problema ng mga magulang nila,hindi ko nalang tinanong kung bakit dahil masyado na itong private.
"I'm here para magkita kami may usapan kaming magtanan. Okay lang sa akin iyon dahil kaya ko naman siyang buhayin pero ang sakit dahil hindi siya dumating.I really love here ipaglalaban ko siya hindi ako papayag na ang dahilan lang ay ang parents namin para maghiwalay kami, after seven years naming pagsasama."Napanganga ako ng marinig ko ang seven years niya.
VOUS LISEZ
The Way You Look At Me
Roman d'amourMahal ko siya pero hindi niya ako mahal.Mahal niya ako pero hindi ko siya mahal.Ganito ang pangyayari sa buhay pag-ibig ko, akala ko nakalimutan na niya ang babaeng nanakit sa kanya, akala ko may puwang na ako sa puso niya pero akala lang pala ang l...
