Chapter 1

9.7K 340 11
                                    


(Rhian)

Hindi na ako sumabay kay Bianca pauwi. Baka sa kanya ko ibaling ang lahat ng galit ko. Kaya mag tataxi na lang ako. At sa taxi driver ko ibabaling lahat ng galit, inis at lahat lahat na! Argh!! Nabubwiset talaga ako!

Pumara na ako ng taxi. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok. Akala ko tapos na ang dooms day ko noong high school, hindi pa rin pala. Para maintindihan nyo, k-kwento ko.

(Flashback)

7:25 palang ng umaga nasa lobby na ako. Gusto kong maaga para hindi ako mapagalitan ng boss ko. Kasabay ko nga pala si Bianca pag pasok ko dito sa GLRA. Nag k-kwentuhan kami hanggang sa sinabi nya na pumunta na daw ako sa taas, at papasok na daw sya sa office nya. Nakapag in na rin naman kami pareho.

"See you. Good luck" nakangiti nyang paalam bago tuluyang pumasok sa loob. Pumasok na ako sa elevator at pumunta na sa E.D.

May nadatnan akong babae na nakaupo sa may couch at busy sa pag babasa. Sobrang familiar ng mukha nya. Singkit ng mata nya, ang short haired nya.

"Hi good morning" bati ko. Nakangiti ako. Tumunghay sya at nakita ako. Ngumiti naman sya then balik ulit sa ginagawa nya. Pansin ko naman na natigilan sya sa pag babasa nya at tumingin ulit sa akin.

"I think I know you"

"Y-You do?" kabado kong tanong. Parang namumukhaan ko na kung sino ang babaeng nasa harapan ko.

"Got it! Rhian ba pangalan mo?" tanong nya. Kahit na confuse ako, tumango pa rin ako. Paano nya ako nakilala.

"Rhian Howell?" sabi nya. Tumango tango ako lalo. Kilalang kilala nya ako. Kilala ko ba sya?

"My god! Ikaw na pala yan! Ang, ang laki ng pinag bago mo! I-I didn't know na ganyan ka na kaganda ngayon"

"Kilala nyo po ako?" Muntanga lang ako dito.

"Oo naman. Di mo ko natatandaan? Hahaha! Katrina. Katrina Halili." nakangiti nyang pakilala. Nanlaki ang mga mata ko after nya mag pakilala.

Sya si Katrina?! Oh my god!

"See! Gulat ka rin ano." Tumatawa nyang sabi. Hindi ako makapaniwala na si Katrina ang nasa harapan ko. Kaya pala familiar ang mukha nya.

Si Katrina isa sa mga bully sa HS noon. At ako ang trip nila. Ako ang lagi nilang biktima. Silang tatlo ang mga hindi nag sasawang insultuhin ako. Kahit hindi ko na sila pinapansin tuloy pa rin sila sa pang bu-bully sa akin. Lalong lalo na yung isa nilang kasama, kumbaga kung sa grupo ay may leader, sa kanilang tatlo ang tawag nila ay Captain.

Tapos ito nga isa mga bullies na yon ay dito nag t-trabaho at ito kasama ko pa. Sana hindi sya dito sa loob ng executive department. Kasi hanggang ngayon may trauma pa rin ako sa kanila. Hindi ko nalang guys i-ku-kwento ang mga past na yon, kasi ayaw ko ng balikan pa.

"Oh, Rhian? Natulala ka na dyan." natatawa nyang pukaw sa akin.

"H-Ha, ah, eh... Na, na surprise lang ako. Hehe" sabi ko. Ngumiti sya sa akin. Umupo ako sa may couch, pinaupo nya ako. Tiningnan ko muna baka may bubble gum na nakadikit. Hehehe, nakakatakot eh. First day ko pa naman tapos may ganong mangyayari, mabuti nang mag ingat.

Hanggang sa dumating na ang magiging boss ko. Diretso lang sya sa loob ng office nya sa loob ng E.D. Si Ms. Kat naman ay nag punta na sa office nya, at doon din sya sa loob ng E.D. Pinapunta na ako ng isang pandakin na babae sa loob ng office ni Ms. President. Pero sinabi nya sa akin kung ano daw ang mga gagawin ko at saan ang uupuan ko. Doon daw ako sa labas ng office ni Ms. President. Don sa may couch. May table na don at may computer na rin, ang kaso,kitang kita ako sa labas. Kitang kita ako ng mga taong dadaan kasi salamin lang naka wall sa akin.

Beautiful Bitch BossWhere stories live. Discover now