Day 139 : The date

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pahiram ng cellphone mo," sabi niya.

Napakurap ako. Sumimangot.

"Bakit?"

"Lend it to me, Helga."

Nagdadabog kong kinuha ang gadget ko at ibinigay sa kanya.

" 'Wag kang tsismoso diyan a. Anong gagawin mo diyan?"

In-off niya 'yung phone ko at inilagay sa bag niya.

"Hala! Bakit mo in-off? Pa'no ako magpi-picture?"

"There's plenty of time later. Baka tawagan ka lang ni Harry. Ang kulit e."

Umirap ako.

"Isa pa, magla-lights off na. We're at the movies. Bawal ang phone," dagdag niya pa.

Hindi na ako kumibo.

Namatay ang ilaw at nag-play ang mga trailers.

"Eyes on the screen, Miss."

Inirapan ko siya. Bumulong ako na siniguro kong maririnig niya. "Pati tumitig sayo, bawal? Gano'n?"

Sa sama ng loob ko, sunod-sunod akong sumubo ng popcorn. Relax na relax talaga siya sumandal e. Kainis.

Ilang sandali lang, naramdaman ko ang kamay niya sa magkabilang balikat ko. "Relax in your seat."

Iginiya niya 'kong sumandal nang maayos sa upuan. Tapos, inalis niya rin 'yung kamay niya sa balikat ko. Ipinatong niya sa armrest.

"Eyes on the screen. Makulit. Bakit lagi kang nakatingin sa kamay ko, ha? May masama kang balak?" tukso niya sa 'kin.

Anytime, uusok na ang ilong ko sa lalaking ito. "Wala no! Ang kapal mo!" I said and focused at the big screen.

He chuckled.

Bahala siya. Manonood na lang talaga ako ng pelikula.

Pero ilang minuto pa lang nagsimula ang palabas, nararamdaman kong nagdidikit 'yung balat namin sa armrest. Sinulyapan ko saglit 'yung kamay niya. Wala namang ginagawa.

Sa peripheral ko, mukhang nanonood din siya nang matino. Nagpatay-malisya ako at iniayos ang kamay ko sa armrest. Dahan-dahan, idinikit ko 'yung hintuturo ko sa hintuturo niya. At -

"Aw!" biglang bawi ako sa kamay ko. Asar akong bumaling sa kanya. "Pinitik mo ba 'ko?"

Ang laki ng ngisi niya! Ah!!! Nakakaasar na talaga!!!

"Masakit? Mahina lang 'yun a," sabi niya sa 'kin.

"So pinitik mo nga ako? Dahil lang... dahil..." hindi ko madugtungan ang sasabihin ko.

Mahina siyang nagtawa sa 'kin. Pinitik naman niya 'ko nang mahina sa ilong.

"You're cute when you're agitated."

Umangil ako. Nagpatuloy naman siya sa sinasabi niya.

"Alam mo bang puyat ako? Nasa Laguna dapat kami ni Honey ngayon pero nagkansel ako. In-ambush n'yo 'kong magkapatid."

"Gano'n?" Tinaasan ko siya ng kilay. "So, inconvenient pa sayo 'tong date na 'to, gano'n ba? Sabi ko naman kanina, ipasundo mo na lang ako a. Pinilit ba kita?"

Natawa lang uli siya. "You're missing the movie."

"E ano naman?" bwelta ko at asar na sumandal sa seat ko.

"I need to nap," sabi ni Ash.

"A, ngayon, tutulugan -"

Natigilan ako sa dapat na pagbaling ko sa kanya. Naramdaman ko kasi 'yung ulo niya sa balikat ko.

Goodbye Girl : Days To Forget (Chat MD Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon