°°°°°°°°°°°°°°°°
"There you are." ani Alex nang matagpuan ang huling librong hinahanap. Tatlo iyon at madali niyang nahanap ang dalawa. At ngayong natagpuan niya na lahat ay makakauwi na rin siya.
Pagliko niya ay bumangga siya sa kung sino dahilan upang mabitiwan niya ang dalang mga libro.
"Shit..." nahimas niya ang noo na sa palagay niya ay tumama sa baba ng nakabungguan niya.
"I'm sorry, Miss. Are you okay?"
Pagtingin niya ay isang lalaki ang nakita niya. Nakatingin ito sa kanya... no, nakatitig ito sa kanya.
Na ikinailang niya. "I'm fine." sagot niya.
°°°°°°°°°°°°°°°
"Ang sabi ko, i'm fine. Huy!"
Napapikit si Ren nang hipan ng babae ang mukha niya. Tila din nagising siya mula sa pagtulog sa ginawa nito.
What's with you?
Hindi rin alam ni Ren ang nangyari sa kanya. Ang alam lang niya ay nablangko ang paligid niya nang makita ang mukha ng babae na nakabungguan niya.
Muli siyang tumingin sa babae na ngayon ay pinagdadampot na ang mga librong nabitiwan nito kanina nang mabunggo sila sa isa't-isa.
The woman was beautiful. Kulay abo at itim ang buhok nito. Pero mas nagmukhang highlights ang itim na buhok nito dahil mas lamang ang kulay ng abo niyon. But what really caught him was the color of her eyes. It was a combination of blue and gray which made him curious.
Tumayo na ito nang makuha ang mga libro. Tumingin ito sa kanya, yumukod, at umalis. The woman left him speechless.
Maya maya ay napakurap siya. Wala sa loob na nagmadali siyang lumabas ng bookstore. Luminga-linga. Hinahanap niya ang babae ngunit hindi na niya ito makita. Isang itim na motorbike ang mabilis na dumaan sa harap niya. Muli siyang nagpalinga-linga pero wala na talaga ito.
Nakaramdam siya ng panlulumo sa hindi malamang dahilan...
°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Nang mabayaran ni Alex ang halaga ng mga
libro ay lumabas na siya ng bookstore. Napansin niya pa ang lalaki kanina na nakabungguan niya. Tila may hinahanap ito. Ipinagkibit balikat niya na lamang iyon. Sinuot niya ang itim na jacket at helmet niya. At sumampa sa pinakamamahal niyang motorbike at pinaandar iyon.
"Lezgo, Bruce!" pangalan iyon ng motorbike niya. Wala lang. Para cool. Dumaan siya sa harap ng lalaki, mukhang may hinahanap pa rin ito. Napakunot noo siya, pakiramdam niya ay siya ang hinahanap nito.
Napailing na lang siya sa naisip. Imposible. Baka feeling-era lang siya kaya kung anu-ano ang napi-feel niya. Nag-focus na lang siya sa sa pagmamaneho at pag-iwas sa mga sasakyan na nakakasabay niya.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
YOU ARE READING
Always...
RandomWho is she? I want to see her again get to know her, and be with her... Please, allow me... Just this once.
