Ako ang taga-record ng mga scenes at sila ang mga gaganap na aktor. Project kasi namin ito sa english subject at kahit na ayaw kong makisalamuha sa kanila ay napilitan na lang din ako dahil pinakiusapan ako ng ng english teacher namin na kung di ko to gagawin ay babagsak ako sa subject niya.

"Ano ba!" biglang napatigil sa paghatak sa akin si Ruby, isa sa mga ka-grupo ko ng sigawan ko siya. Marahas kong itinabing ang kamay niyang nakapulupot sa palapulsuhan ko at tinapunan siya ng masamang tingin.

"Bakit mo ba ako pinipilit na sumama sayo?!" naiinis kong tanong. Hindi naman kami close at kung maka-kilos siya, parang magkaibigan kami eh pinakikisamahan ko lang naman sila para sa grades.

"S-sorry. Male-late na kasi tayo sa program" nauutal niyang sabi. Marahil ay nabigla siya sa inaasal ko. Hindi pa sila nasanay...

"Edi mauna ka na. Ayokong sumabay sayo" 

"S-sige... pasensya na kung naabala k-kita.." atsaka siya tumabo palayo. Ngunit bago siya tumalikod sa akin ay napansin ko ang pagtulo ng mga luha niya.

Ang weak. Psh!

Tumalikod na ako upang bumalik sa likod ng school dahil nakalimutan ko pa ang video camera ko. Kung hindi sana ako hinatak ni Ruby edi sana hindi ko iyon naiwanan.

"Saan ka pa pupunta Elisha? Dumiretso ka na sa gymnnasium. Nagsisimula na ang program at bawal ang pakalat kalat na estudyante" sa kasamaang palad ay nakasalubong ko ang class adviser namin. Inirapan ko nalang siya saka pumunta ng gymnasium. Mamaya ko na lamang babalikan ang video camera ko, wala naman sigurong magnanakaw nun dahil bihira lang ang estudyanteng pumunta doon.

-

Pagkatapos ng program ay dali dali akong dumiretso sa likod ng school at napabuntong hininga ng maabutan ko pa ang video camera ko. Agad ko iyong kinuha.

"Tsk!" napailing ako ng makitang nagrerecord parin ang camera. Buti na lang at hindi pa ito nalo-lowbat.

Inilagay ko na sa loob ng bag ang camera at umuwi na.

Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto at humarap sa computer. Inilabas ko ang camera at sinimulang ilagay ang mga narecord na video sa computer. Pinanood ko lahat iyon at ganun na lamang ang gulat ko ng may kakaibang narecord ang camera ko.

Nakita ko kung paano nagtalo sila Hara at Keilah.

N-nakita ko din kung paano namatay si Keilah....

**

"Demonyo ka talaga" sambit ko ng muling maalala kung paano ko nalaman ang ikinamatay ni Keilah.

Muling tumawa si Sean sa sinabi ko...

Pinagsisisihan ko na nagustuhan ko ang isang demonyong katulad niya.

10270171127Dजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें