Bespren?

1.4K 39 10
                                        

Play the song :
Do i wanna know : hozier cover





Hingang malalim *whooooooo*




"Alam kong hindi kapanipaniwala tong sasabihin ko, at alam kong nakakagulat to pero gusto ko lang sabihin sayo na.. Mahal kita. Mahal kita! Hindi bilang bespren, hindi bilang kapatid. Mahal kita lauren Mahal na mahal kita!"





"Hey!" Lumingon ako sa bespren kong papalapit palang sakin.




Wooooh, eto na naman ako. Nagpapraktis kung pano ko sasabihin sa bespren ko ng mahigit apat na taon tong matagal ko nang tinatago sa kanya




Nakakagago diba?




"Tara na?" Nakangiting sabi nya.



Ngumiti din ako sa kanya.




"Tara" kinawit nya ang braso nya sa braso ko na palagi nyang ginagawa




Eto naman akong si gaga eh kinikilig ang puta.


Alam kong isa tong malaking pagkakamali, like sobrang laking pagkakamali.



Nagkagusto ako sa isang taong alam kong.... Uhm. Pano ba sasabihin 'to?



Alam kong Negative? Oo negative kasi wala talagang pag-asa. Straight sya samantalang ako eh hindi ko malaman sa sarili ko kung ano ba talaga ako.




Alam kong hindi talaga kami pupwede.




Alam ko.





"Naalala mo?" Tinuro nya yung isang bench, isang makasaysayang bench kung saan kami unang nagkakilala.





"Oo naman yes! Bakit ko naman di maaalala" sabay kaming nagtawanan





Pero kahit na alam kong mali 'to, pano kaya kung gusto nya din ako? Pano kaya kung gusto din nya ako simula palang nung una kaming magkakilala at natatakot lang syang umamin?






Pano kaya kung ginawa nya lang talagang panakip butas si Aki na syang boyfriend nya ngayon para itago yung nararamdaman nya sakin?





Pano kung parehas kami ng nararamdaman?




Sumulyap ulit ako sa bench at inimagine ko na nakaupo kaming dalawa don, nakaakbay ako sa kanya habang nakasandal ang ulo nya sa balikat ko at sabay kaming nakikinig sa mga kanta ng Silent Sanctuary





"You okay?" Naputol ang pananaginip ko ng gising nang magsalita sya.






Tumango ako saka ko sya tinitigan.




Damn, Hindi ako magsasawang titigan yung makakapal nyang kilay at mapupungay nyang mga mata.




"Nagugutom na ko" angal nya.





"Tara, maglunch muna tayo bago mo pa ako makain"




Napangisi ako nang marealize ko yung binanggit ko.





Okay, manyak thoughts mamaya ka na umiksena






"May nakakatawa ba?" Parang naiinis na sabi nya



Umiling ako.





"Bespren naman eh! Ano???? May kulangot ba ako? O, muta o ano mang nakakahiya sa mukha?" Nagpapanic na sabi nya.




BESPRENWhere stories live. Discover now