"Bakit Jho?" Tanong rito.

Matagal bago siya nagsalita.

"Ah wala. Ingat kayo" ngumiti siya. Ang weird niya. 

"Sige una na kami. Bye Jho" sabi ko. Tumingin lang ako kay Bea. Pagkatapos nun ay umalis na kami ni Mika. 


Jho's POV


Umalis na sila Maddie. Tumingin ako sa katabi ko. Nakatingin parin siya kila Maddie hanggat malawa ito sa paningin niya. 

Kahit kailan hindi talaga siya marunong magtago ng selos. Yes. Una palang pagkikita namin ni Maddie nung kumain kami sa canteen, nararamdaman ko na na siya yung ex ni Bea. At tama nga ako kasi nakita ko sa lumang wallet ni Bea na picture niya. 

Alam kung napapansin niya na tatahimik lang ako pag kasama namin siya. Minsan tumitingin ako sa kanya. Hindi ko maiwasan magselos o mainggit. Sobrang ganda naman talaga niya sa personal. 

Ako nga girlfriend ni Bea pro siya naman ang laman ng isip at puso nito. 

Hinihintay ko lang na aamin sakin ni Bea about dun sa ex niya which is parang kaibigan ko na ngayon. Hindi ako galit. Nararamdaman ko naman na mahal ako ni Bea pero pag andyan na si Maddie parang iba na. Manhid na kung manhid. Wala eh, mahal ko kasi. 

"So, tara?" Sabi niya. Napangiti nalang ako. 

"Anung tara hindi tayo magkaklase, Babe!" hinampas ko siya then i smiled to her

Way of me to hide the pain. 

"Alam ko. Ihahatid kita sa room mo" ay sabi ko nga. Haha. 


"Selos ka lang eh" mahina kung sabi. 

"Anu sabi mo?" tanong niya. Umiling ako. 

Hanggat hindi ka makipaghiwalay sakin, hindi kita iiwan Bey. Kahit sobrang sakit na. 


Bea's POV


 Humagulhol akong umiiyak dito sa condo. Wala akong pake kung andyan sila Kianna and Deanna. Hindi ko na kasi kaya eh. Habang iniisip ko yung mga sinabi ni Maddie. Hindi ko mapagilang umiyak. 


  "Kung tinanong mo ako na makipag tanan, ay gagawin ko bey."

"Ganun kita ka Mahal, Bey! "

"Ganun kita ka Mahal, Bey!"

"Ganun kita ka Mahal, Bey!" 


Paulit-ulit pumapasok sa isip ko. Nasaktan ko ng sobra si Maddie. 

Bakit pa kasi ako naduwag eh. 

Bakit inuuna ko pang inisip kung ano sasabihan niya pag nakipaghiwalay na siya sakin. Yun pala, handa niya akong ipaglaban sa Mama niya. 

Inuuna ako ng takot. 

Duwag ako. Sobrang duwag ako. 

Kami pa sana hanggang ngayon, kung naging matapang lang ako. 

Hindi sana ako magseselos ng ganito kay Mika. Na sana ako yung yumayakap at tumatawag sa kanya ng Babe. 

"Anung nangyari sayo Bey at nagkakaganyan ka!" nag'alalang tanong ni Deanna sakin.

"Ang pangit mo palang umiyak Bea!" Natatawang sabi ni Kianna. 

I Will Wait (Beaddie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon