Dear All

24 2 2
                                        

Ang mga lalaki pag nagmahal ay tunay,

Ano mang gusto mo ay siyang ibibigay.

Ano mang sabihin mo, siya'y di susuway,

Basta para sayo, upang di ka malumbay.


Lahat lahat ay kukunin o gagawin,

Matatanggap mong hindi mo napapansin.

Ika'y iintindihin at topak mo'y titiisin,

Sa tuwing ikaw ay talagang napapraning.


Kung sa kanila man ay may pagkukulang,

Talaga naman iyon ay kanilang pinagsisisihan.

Sa kabila ng lahat na natanggap na mga paratang,

Ay isang lalaki na natuto na iyon ay pagtiisan.


Kaya sa tuwing ikaw ay magsasabi na hindi ka niya mahal,

Ang mapaligaya at mahalin kapa lalo ang kanyang dinarasal.

At sa tuwing magsasabi ka na sayo ay wala syang pakialam,

Ginagawa nya ang lahat para ikaw ay mapuntahan.


Sa mga panahon na hinahanapan mo sya ng butas at kahinaan,

S'ya naman ay walang inatupag kundi para lang ikaw ay maiangat.

Sa mga oras na bigla bigla kana lang nagagalit sa kanya ng walang dahilan,

S'ya ay oras oras na nag iisip para dumami ang pagtawa mo sa apat.


At sa mga oras na binubungangaan mo sya,

S'ya nama'y nagiisip ng iyong ikakasaya.

Tuwing sya ay napanghihinaan at nawawalan ng saya,

Kapakanan mo ang kanyang iniisip at kung paano ka mapapatawa.


Sa kabila ng katahimikan ng mga lalaki,

Ay isang durog na puso na kanilang tinitiis.

Sa kabila ng isang mapagmahal na lalaki,

Ay isang taong tila ba laging nililitis.


Kaya sa tuwing nagagalit ka ng walang dahilan sa kanya,

Isipin mo ang pagmamahal nya sayong walang palya.

Sa tuwing sasabihan mo sya ng di magaganda at tingin mong pagkukulang nya,

Isipin mo lahat ng ginawa nya at isinakripisyo nya para ika'y mapaligaya.


At kung darating man ang panahon na wala na talaga,

Sana maisip mo lahat ng kanyang sinuko at pakikibaka.

Kung dadapo man sa iyong isipan na sya'y walang kwenta,

Tandaan mo, pinasaya ka nya kahit sya ay mag mukhang tanga.

An Open LetterWhere stories live. Discover now