Fiesta noon sa baryo noong una ko siyang makita. I was forced back then to be with my cousins to go carnival. It was not actually a carnival, I guess? Parang perya lang kung baga.
Yung tipong simple lang hindi yung sosyalin. Yung pili lang ang rides at hindi ganoong kaganda. At karamihan ay pasugalan pa.
Nababaguhan ako dito dahil di naman kami gumagala sa mga ganito. Hindi ko alam kung ano nanamang trip ng mga tropa kong ito.
Medyo maputik ngunit hinayaan ko na minsan lang naman kami napapadpad sa mga ganito. Tsaka walang ganito sa Manila. If Im not mistaken.
"Oh ano guys? San tayo?" ani Zac.
Nagkibit lang ako ng balikat. Pinasadahan ng tingin ang bawat rides.
Yung mga tao ay kitang nasa middle class lamang ang estado sa buhay kaya medyo nangingibabaw ang balat at tangkad namin dito.
"Ayun viking! Try natin yun mukhang masaya!" bulyaw ni Zac habang tinuro yung ride.
"Mukhang di naman safe yun, wag na" ani Kurt
"Tara na, tara!" Si Koddy habang kinaladkad si Kurt.
Di kalaunam ay napadpad kami sa pamilihan ng ticket nito. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala unli rides dito. Kaya naman palay twenty pesos lang ang entrance. Nag aalinlangan pa kami kanina dahil masyadong mura.
Maraming tao sa pamilihan kaya medyo may stampede na. Si Ryo na ang nag presentang bumili at sumutsot habang kami naman ay naiwan dito sa gitna ng maraming tao. Actually, I can see almost just girls. Pinagkibit ko nalang iyun ng balikat.
"Ano ba yan, sana pala hindi ako sumama ang sikip tas ang putik!"
"Stop being so gay Kurt, just deal with it" saad ni Zac.
Umiling iling na lamang ako at ngumisi. Napabaling ang atensyon sa mga taong ngayoy bumababa na sa mga ride.
Then I saw this girl. Hindi siya yung tipong head turner ngunit na estatwa ako sa aking kinatatayuan ng nakita siya. Shes so beautiful. Not the model type tho but with all her face smiling, shes just so stunning. Parang may kung ano sa sistema kong nagwawala.
Hindi napawi ang ngiti niya hanggang sa nakalabas siya sa maliit na gate ng ride. I cant just get off my eyes on her. Masyadong nakaka addict ang kanyang mga ngisi at munting halakhak.
Laking pasalamat ko naman na akoy matangkad dahil kahit na sa bumabahang tao ay nagagawa ko parin siyang matitigan. Gusto gusto ko itong lapitan but Im hopeless stranded.
"Im like a statue, cant stop staring right at you..."
Natauhan lamang ako sa tunog na iyon. Galing ito sa ringtone ng babaeng nasa gilid ko. I glanced at her. Hindi din naman nagtagal dahil nasasabik akong tingnan ulit yung babae kanina. Shes gone. Im caught off guard, shit.
Natapus ang gabing iyun na hindi ko parin siya matanggal sa aking sistema. Hanggang sa ngayon ay siya lang ang laman ng utak ko.
"Dude! kahapon kapa naka airplane mode, anong nangyayari sayo?" ani Kurt
Ngumuso ako. Nandito kami sa isang bar ngayon dahil nagkayayaan sila Koddy. Gusto daw nilang ma try ang bars ng Cebu. Im not really interested pero sumama na para madivert yung atensyon.
But Im wrong, it was still all in my mind. Her smiles, giggles and watery eyes out of joy. I think Im obsessed. Kung kayat noong naiwala ko siya kahapon ay hinanap ko ito sa buong perya ngunit hindi ko na siya makita.
"Wala, nga pala paano kaya kung bumalik tayo doon sa perya?" Tanong ko kay Kurt matapus lagukin ang inumin.
"What? You like it there? No way!" aniya.
