Beginning

14 0 0
                                    

"Hey bro! Tara na, shoot na tayo!" sabay tapik sakin ng kaibigan kong si Timothy.

Inayos ko muna ang lens ng DSLR ko saka tumungo sa sa harap ng mga babaeng modelo.

"Position." sabi ko sa mga babae na agad namang sumunod at nag-ayos. "Okay..1..2..3.." umingay ang click ng camera at paglipat ng ilaw sa iba't ibang anggulo.

"Okay, change clothes na girls! Double time tayo, dali!" sigaw ng direktor namin habang pumapalakpak.

Lumipas ang ilang minuto, lumabas na ang babaeng modelo na tanging suot ay dalawang kapirasong tela na nagtatakip sa maseselang bahagi ng kanilang katawan. Tumambad sa harap namin ang malalaki at malulusog na mga dibdib ng mga modelo. Kumpara sa suot nilang racerback at cycling kanina, mas kita ang kabuaan ng kanilang katawan sa suot nilang two piece ngayon.

Tumalikod ako saglit saka huminga ng malalim. Here we go again!

"What's the matter man?! Don't tell us, naiilang ka pa rin? Damn! Almost 4 years na tayong photographer at ilang beses ka ng nakaka encounter ng mga ganyan kaya wag kang mag inaso jan, hindi ka yummy!" halakhak ni Timothy bago ako humarap at kunan ng mga litrato ang mga babaeng nasa harap ko. So much tease!

"Shut the fuck up dude!" sagot ko. Narinig kong tumawa siya pero hindi ko na pinansin. I need to finish this shit because I can feel the heat flowing on my body and also my pants are going tighter. Holy shit!

"Okay girls..Give me your seductive pose--I mean your best shot. Yung natural lang, yung makikita talaga sa mga mata niyo yung honesty and purity." pinilit kong wag mautal dahil alam kong maraming mata at tenga ang nasaakin ngayon.

"Is there any problem, Jude?" malambing na tanong ni Bianca, isa sa mga modelo. "Bakit ganyan mukha mo?" dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon. Namumula ba o namumutla, hindi ko alam! Fuck it!

"H-ha? W-wala. P-position na para matapos na 'to." sagot ko saka hinawakan ang camera ko habang nanginginig. Calm the fuck down, Jude!

Natapos ang napakaraming shots saka naming napagdesisyunang pumunta ng bar ni Timothy. It's just 7 pm in the evening so we had so much time to entertain ourselves.

"Should I call the squad?" tanong sakin ni Timothy bago kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa.

"Tinatanong pa ba yan?" wala sa sarili kong sagot saka tinungga ulit ang beer na nasa harap ko.

"Nakita ko kung pano ka nagpigil kanina!" biro ni Timothy habang may cellphone sa kanyang tenga.

"What the hell are you talking about?!" gigil kong tanong.

"Oh come on, Jude! Bakit di mo inaya si Bianca? Hindi naman hard to get yun." sagot niya.

"I'm not on the mood." simple kong sagot pagtapos uminom.

"If you say so--hello? Tangina, ang tagal mong sumagot! Gago ka!" natapos ang usapan ng sinagot ni John ang tawag ni Timothy. Nakita kong binaba na ni Timothy ang tawag saka lumingon sakin.

"Papunta na daw si John. Siya na daw bahala sumundo kila Sam. Tara hanap muna tayo chix?" pagaaya ni Timothy.

"Ikaw na lang." sagot ko habang umiinom.

"Bakit? Because you're not on the mood? Ang kj mo naman, Jude!"

"Mamaya ka na mang chix pagdating nila." sabi ko.

"Ts. Okay then." pagsuko niya sabay upo. May mga babaeng tumitingin sa pwesto namin ni Timothy pero walang naglakas ng loob ang lumapit.

Nakakailang shot na kami ni Timothy ng iba't ibang klase ng liquor ng dumating ang iba naming kaibigang si Samuel, Luke, John at Jerimiah.

"You two should wait for us to come bago kayo uminom. Unfair huh?!" medyo pasigaw na sabi ni Samuel dahil  malakas ang music na bumabalot sa buong bar.

"We waited for so long, motherfuckers!" bulyaw ni Timothy.

"Si misis kasi eh, kailangan ko pang suyuin at paliwanagan bago ako payagang pumunta. Balak pa ngang sumama!" iritadong sinabi ni Luke.

"Kawawang Luke! Maagang natali dahil sa asawa!" halakhak ni John na sinabayan ni Jeremiah.

"E pano nabuntis niya!" sabat ko dahilan para tumawa ang buong tropa.

"Fuck you, Jude! Palibhasa kasi ikaw, Hindi ka pa rin makawala sa nakaraan mo! Man, It's almost seven years! Seven fucking years! Mga highschool pa tayo non! I'm sure nakalimutan ka na ni Adah. Try to find another girl man, what I mean is seseryosohin mo the way kung pano mo sineryoso yung pagmamahal mo kay Adah noon. Hindi yung seseryosohin mo lang sa kama." biglang seryosong sabi ni Luke. Pagtapos tunggain ulit ang tatlong baso ng alak na nasa harapan namin.

"Si Luke talaga pag nakakainom, nagiging magaling sa paga advice!" sabi ni John na sinangayunan ng lahat. "By the way, tama si Luke, Jude. Kung hindi ka ba naman isa't kalahating bobo dapat hindi mo hinayaang unahan ka ni James! Dapat nung una pa lang, umamin ka na kay Adah kasi ikaw naman talaga ang nauna. Ayan, naunahan ka tuloy manligaw ng tropa mong tinraydor ka naman." dagdag niya.

"Torpe much?" singit ni Timothy. "Tara Sam, hanap tayo chix, kanina inaaya ko si Jude ayaw. Where's your balls man?" sabay lingon niya sakin pero hindi ko siya pinansin.

Si James yung kababata ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagkahumaling noon kay Adah ng bigla siyang nag transfer sa pinapasukan namin. Agad niyang tinanong sakin kung kilala ko daw ba si Adah nung nakita niya ito isang araw habang naglalaro kami sa soccer field. Humingi siya ng pabor sakin kung pwede ko daw ba siyang tulungan kay Adah dahil ang cute daw. Simple lang si Adah noon. May braces, salamin, maikli ang buhok at katamtaman ang kulay. Isa yun sa mga dahilan kung bakit nagkagusto ako sa kanya ng palihim. Simple.

"KINGINA RIN NUNG JAMES NA YUN EH! KAPAG NAKITA KO YUN, BABANGASAN KO YUN SA MUKHA!" sigaw ni Jeremiah na medyo lasing na lasing na talaga.

"Ulol, bading!" pang-aasar ni Timothy at Samuel bago umalis sa pwesto namin.

"Bakit ako ang topic dito?" halakhak ko sabay tunggan naman ng isang whiskey. "Ayoko lang muna magseryoso. We're too young, gusto ko munang i enjoy yung pagiging single ko. Gusto ko munang mag focus sa passion ko kasi alam ko, na darating yung araw na magpapatali na rin ako gaya ni Luke at hindi pa yun ngayon." seryosong sagot ko sabay tungga naman ng isang baso ng vodka. Fuck!

"You overthink too much dude! What we mean is, subukan mong magmahal ulit. Yung pag nagmahal ka, alam mong sayo na. Sayo lang. Walang hadlang at kaagaw. Ibigay mo sa kanya yung pagmamahal na hindi mo naibigay kay Adah noon.Kasal agad nasa isip mo eh!" sagot ni Luke.

"Can you just please stop talking shit about me and Adah?! Na fall out na ko sa kanya! I don't love her anymore! I don't care about her anymore! I don't give a fuck dude!" depensa ko.

"Don't us, Judeizhead! We've been partners in crime for almost ten years! For god sake! We've know you! Alam namin kung nagsisinungaling ka o hindi." sagot ni John.

"Kung ayaw niyong maniwala, edi wag." sabi ko saka umiling pero kasabay ng pagiling ko ang paghagip ng mga mata ko sa isang babaeng pamilyar saking paningin na may kargang isang batang lalaki na lumabas sa convinience store di kalayuan sa bar kung nasaan kami. Mahaba ang straight na mga buhok, maputi at makikinis na balat, matangos na ilong at mapupungaw na mga mata, magagandang labi na ang sarap halikan. Matagal ko siyang tinitigan bago ko nakilala kung sino ang babaeng ito na hindi ko maalisan ng paningin.

"ADAH?!" dammit!

Its Always Been YouWhere stories live. Discover now