tuluyan na ngang napatawad ni Gretch si Bea . naging matalik na mag kaibigan pa sila ni Amy . si A naman talagang mas pinag igihan ang pag gawa ng mga kakaibang bomba . si Dzi laging nasa Dean at pinagpatuloy ang pagiging kapit nya. si Fille naman naging maluwag na sa pag hinga dahil sa katahimikan . si Ella pilit na tinatalo si Amy sa pangangalikot sa program . minsan kasi silang nag pagalingan at duon lang nya napagtanto na mas mahusay si Amy kahit pa tatahimik lang ang huli.

si Maddie naman nag sasanay ng maige sa pagiging Medic para sa grupo nya . hindi din kasi sya mag papatalo kay Dennise . Gusto nyang may magawa sya sa BEC at yun ay kung ano at sino talaga sya . isang Medic pero isa ding mandirigma.

tutal walang spy ang BEC kaya mas minabuti na lang na bumalik si Jia sa dati nyang tungkulin . Tama , ginagawa na ulit nito ang mag Spy . ito sya at yun ang kakayahan nya talaga . natutuwa naman si alyssa dahil tinangap na ulit ni Jia ang sarili nya . alam nyang unti unting bumabangon si Jia mula sa malagim nitong nakaraan .

si alyssa at Dennise naman naging mas matibay ang relasyon ., tinutupad naman ni Alyssa ang pangako nya sa Ama ng mahal nya . yun ay ang ituri itong prinsesa . kahit pa nasa iisa silang club . may mga bagay pa din silang ginagawa . tulad ni Dennise , nag sasanay na sya na maging mahusay na medic para sa BEC , ngayun pang nalaman nya na ayaw mag patalo ni maddie kaya mas hinuhusayan nya ang pag sasanay . sumusunod na din sya sa yapak ng kanyang Ama .

si Alyssa hindi na masyadong sinusuot ang medalyon . tinago nya ito at sya lang ang nakakaalam . lagi nitong kasama si skimper pag nag sasanay na si Dennise . namamasyal at nililibot lang nya lagi ang buong academy . pinag mamasdan ang kagandahan at inaamoy ang simoy ng hangin .

kasalukuyan syang nandito sa park kung saan tanaw nya nuon kung papano sila unang nag harap ng Phoenix. dito nya din naramdaman ang tunay na pag katao ni Bea . dito nag umpisa ang katapangan ni Amy . dito unang nabuo ang BEC , at higit sa lahat . dito nag tipon tipon ang estudyante ng Academy para lang tumulong na buhayin sya .

umupo sya sa damuhan at hinimas ang balahibo ni skimper. napahiga na lang si skimper sa hita ni alyssa . napangiti sya ng maalalang dito nga pala sya unang nakatikim ng delata nung binato sya ni Dennise at tinamaan sya sa ilong .

aly - " hayyy ... matagal tagal na din pala " ngiting saad nya at tinignan ang liwanag sa kalangitan " sayang hindi na mabubuo ang plawta heheh "

sandali syang napapikit at sa hindi inaasahan bigla na lang may tumakip sa bibig nya . lalaban sana sya ng biglang may tumakip sa mukha nya at marahas syang binuhat .

----------------------

Ella - " ano ba yan !? wala atang balak sila Amy na ligawan tayo !! "

napasalpak na lang sya sa keyboard ng loptop nya dahil sa tinagal tagal ng katahimikan ng Academy hindi pa din nanliligaw si Amy sa kanya .

nandito sila sa Club nila at wala ang mga dudes. tanging sila lang nila Dennise ,Jia , Maddie , Dzi at Fille . natatawa na lang si Dennise dahil parang sya lang ata ang tinuturing prinsesa ni alyssa . samantalang yung ibang girls " nga nga ... " sa isip na lang ni Dennise

Ella - " tingin mo talaga may nakakatuwa eh no !? hayyy buti ka pa besh talagang pinaparamdam sa'yo ni alyssa ... "

Den - " easy lang heheh .. baka naman kasi kayo ang may problema ? "

napakunot naman ng nuo ang mga iba nyang kasama sa club . binigyan sya ng ANO IBIG MONG SABIHIN LOOK . nasapok naman ni Dennise yung nuo nya at muling hinarap ang mga kaibigan nya .

Den - " alam nyu bang kinorner ko pa si Alyssa para lang mag tapat sya sa akin ... "

Dzi - " paano ? "

SUGO(alyden)Where stories live. Discover now