Chapter Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

            “Pumayag ka na, mommy, please?” napapitlag naman siya sa kinauupuan. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Jaycee sa kaniya. Nakikibasa na pala ito sa mga text messages ni Chester.

            “At bakit naman ako papayag?” taas-kilay kong tanong.

            “Para may daddy na ako,” tila toddler na nag-puppy eyes pa ito sa kaniya. Feel na feel talagang nanay siya nito.

            “Utang na loob. Huwag ka ng maghangad ng daddy.”

            “Bakit naman? Bagay naman kayo ni kuya CJ.” Tukoy nito sa pinsan, palayaw nito ang CJ. Tanging siya nga lang yata ang tumatawag dito ng Chester.

            “Matanda ako sa kuya CJ mo,” tabinge ang ngiting dahilan niya kahit na napag-isipan na niya ang tungkol sa bagay na iyon at nakipagkasundo na siya sa sariling hindi na niya papansinin ang edad ng taong matututuhan niyang mahalin.

            “Manuman, hindi naman halata. Mukha nga lang kayong magkasing age noon, eh.” Pumikit pa ito, tila nag-iimagine, saka napahagikgik sa kung anuman ang iniimagine nito. Napailing siya. Masyado pa nga itong bata.

            “Playboy ‘yun,” muli’y dahilan niya. Iyon talaga ang hindi niya matanggap kahit na sa pagkatao ng lalaki.

            Hindi niya maimagine ang sariling nakikipag-agawan ng oras nito kalaban ang ibang babae. Giyera Patani ang aabutin nila palagi.

            “Naman mommy, ang dami mong angal. Sige nga po, tatanungin kita, gwapo ba si kuya Cj?”

            “Oo, bakit?”

            “Kaya siya naging playboy kasi gwapo siya. Buti nga gwapo yun eh, kaya kayo naging bagay tapos matalino pa, bagay talaga kayo.”

            “Eh, kung papangitin ko kaya siya hindi na siya magiging playboy?”

            Sa pagkabigla niya’y dinagukan siya ng dalagita. “Sira ka, mommy. Eh, di nawalan naman ako ng daddy na gwafu?” of course, nagbibiro lamang siya. Nagpapakipot nga siya, eh. Paano kung bigla na lang itong magkwento sa pinsan nito? Eh, di mabubuko siyang kinukonsidera niya ang ideyang maging sila ng lalaki.

            Masyado kasing seryoso ang bata sa pag-uurirat. Siguro kaya ganoon ito ka-insistent ay dahil pareho na itong ulila sa ina at ama. Kahit paano’y nakadama siya ng habag para rito. Sukat doon ay naalala niyang wala na rin palang ina si Cj.

            Hindi kaya naghahanap lang ito ng mother figure sa katauhan niya?

            Naku, imposible naman. Hindi pa po ako mukhang nanay, noh!

            Napaigtad siya ng muling mag-vibrate ang aparatong hawak. ‘Ano na honey?’ napailing siya. Napakamainipin ng lalaki.

            ‘Sa isng kundisyon…’ sa wakas ay nagpahinuhod siya.

            ‘Ano yun?’

            ‘Pumnta ka r2 sa bhay at ipagpaalm mo aq kila tita at tito.’ Nang i-send niya ang mensahe’y ngiting-ngiti ang tiningala niyang si Jaycee.

            ‘Iyon lang ba?’ Aba at naghanap pa ng pahirap sa sarili niya.

            ‘Dalhan mo aq ng siopao, ah! Kpg wla kng dala, ikw ang kakainin q,’ nang-aasar na reply niya.

            Lumipas ang ilang sandali subalit hindi na ito nagreply pang muli. Kibit-balikat na ibinalik niya ang atensyon sa pagbabasa. Maging si Jaycee ay bumalik na rin sa pwesto nito upang magbasa ng ebook sa nook na hiniram nito sa kaniya.

NAGLALAKBAY ang diwa niya sa isang lugar ng mula sa kung saan nang may naramdaman siyang mainit na bagay na nakadapo sa kaniyang mga labi. Napadilat ang kaniyang mga mata.

            Ang nakangiseng siChester ang nabungaran niya. “Good evening, sleeping beauty!”

            “You Kissnatcher!” she hissed. Lumingon-lingon siya sa paligid. Sa paanan niya’y nakatulog din pala si Jaycee. Wala ng ibang tao sa sala kung hindi silang tatlo. Bumalik ang tingin niya sa lalaki.

            “Kakainis ka,” malakas niyang hinampas ang dibdib nito.

            “Aw!” hinimas nito ang nasaktang dibdib. “Ang sadista mo talaga, ate.”

            “Ano bang ginagawa mo rito?” bumangon siya mula sa pagkakahiga sa sofa.

            Mula sa likod nito ay inilabas nito ang isang supot. “Dinalhan ka ng siopao,” nakalabi ito, himig nagtatampo.

            “E bakit kasi nanghahalik ka?” mariing anas niya. Baka magising ng wala sa oras si Jaycee.

            “Ang cute kasi ng lips mo, eh. Saka wala namang tao pagdating ko rito.”

            “So, kasalanan ko pa?”

            “Wala naman akong sinabing ganoon, ah. Hindi mo ba ito kukunin?” nakaumang pa rin pala ang supot ng siopao sa pagitan nila.

            Inabot niya iyon saka nag-iwas ng tingin. “Thank you. Ano pang ginagawa mo rito?”

            “Hindi ba nga, ipapagpaalam kita? Natulog ka lang naging ulyanin ka na,” nakangiti na ulit ito. Siya naman ang napakunot ang noo. Bakit hindi niya kaagad naalala iyon? Napailing na lamang siya.

            “Mabuti naman at mayroon ka rin palang back bone,” pasaring niya.

            “Oo na, sorry na nga, eh. So, bati na tayo?”

            “Heh! Ewan ko sa iyo,” tinalikuran niya ito’t tumuloy sa kusina.

            “Ate naman, eh! Patawarin mo na ako, please?”

            Hinarap niya ito matapos ang mahaba-habang pag-iisip. “Hindi naman ako galit, eh.”

            “Talaga?” bumakas ang tuwa sa mga mata nito, napahawak pa ito sa kaniyang mga braso.

            “Oo nga. Kulit mo rin, ano?”

            “Masaya ako. Bakit ba?” sa pagkamangha niya’y niyakap pa siya nito. Nasa ganoon silang tagpo ng pumasok sa pinto si Tito Arcel at Tita Elsie. Pasimpleng kumalas siya mula rito.

            “Bakit?” sumulyap siya sa likod nito.

            Paglingon nito’y sinalubong ito ng nagtatakang dalawang pares ng mga mata. “Cj?” si Tita Elsie. Boomer!

It doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon