Nahulog sa Bitag mo

22 2 1
                                        

Sa lugar ng Tuguegarao, may dalawang taong nagkakilala si Trisha at  si Rickey. Sila ay nag-aaral pareho sa kolehiyo ng  CSU CARIG .  Si  Trisha ay isang simpleng babae medyo maputi at medyo matangkad at si Rickey ay isang makisig,napakaputi at napakagwapong binata. Unang tingin pa lamang ni Trisha sa kanya ay humanga na ito sa kanya lalo na kung ito ay tumindig at ngumiti. Sila ay naging matalik na magkaibigan at nauwi sa pag-iibigin.

Sa unang araw ng pasukan nila ay sobrang saya ni Trisha,habang naglalakad siya papunta sa kanilang departamento may nakabanggaan siyang isang lalake  at sa una di niya mawari kung sino. Kaya hindi napigilin ni Trisha  ang sariling  magalit at mainis kaya nakapagsalita siya ng di maganda. Pero nang itaas niya ang kanyang noo habang inaabot ng isang lalake ang kamay niya para tulungan siyang makatayo napanganga siya at natahimik dahil ang taong  nakabangga sa kanya ay si Rickey." Sorry,sa susunod dinadaan mo na ang tignan mo huwag ang cellphone mo" sambit ni Rickey sabay ngiti na parang may pang-iinis. Hinayaan na lamang ni Trisha iyon kahit gusto na niyang umusok sa galit. Binitbit na lamang niya ang kanyang mga gamit at nakasimangot niyang pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa kanilang departamento.
Natapos na ang unang klase ni Trisha at bumaba muna  siya at magtambay sa punuhan. Habang siya'y nagsusulat may biglang tumabi sa kanyang isang lalake ng napakabango paglingon niya biglang umusok sa galit si Trisha sa kanyang nakita ngunit biglang  ngumiti ito kaya napalitan ng  ngiti ang mukha ni Trisha at ang  lalakeng  tumabi sa knya  ay si Rickey. Sa una sobrang nahihiya pa lang mkisama siya Kay Rickey dahil una palang may lihim na itong pagtingin dito.
Simula ng araw na iyon Simula ng pagiging magkaibigan nila. Palagi na silang magkasama saan man sila magpunta at paminsan-minsan naghihintayan sila para magkasabay na umuwi. Sobrang say a nilang dalawa parang wala silang problem a at parang kilalang-kilala na nila ang isa't isa.
Mahigit mag-iisang taong na silang magkaibigan hindi na napigilan ni Rickey ang kanyang nararamdaman  kay Trisha kaya nagtapat na siya Kay Trisha .
Bago ang lahat matagal ding pinag-isipan ni Rickey ang bagay na ito  na parang may pag-aalinlangan na hindi mo maintindihan at Hindi na rin nagpatumpik-tumpik pa si  Trisha at sinagot niya ito agad. Lihim na natuwa si Trisha gusto niyang lumundag sa tuwa ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Sobrang saya ni Rickey at nayakap niya si Trisha ng napakahigpit at hinalikan niya ito sa labi. Habang tumatagal ma's lalong lumalalim ang pagsasama nila ma's malalim pa sa pagiging magkaibigan nila. Sobrang mahal na mahal ni Trisha si  Rickey kaya ang kaisa-isang hiling ni Rickey na Kay tagal na niyang inaasam ay naibigay ni Trisha dahil Hindi na nila napigilan ang kanilang lukso ng damdamin. Naibigay ni Trisha ang kanyang pagkababae at sobrang saya ni Rickey at paulit-ulit nila itong ginawa. Dahil sa nangyaring iyon naramdaman ni Trish na mas  nagging malambing pa si Rickey parang linta kung makakapit. Ni minsan Hindi pinagsisihan ni Trisha na ibinigay ang kanyang pagkababae.
Ngunit isang araw ,dumating ang isang malaking problema na nagpagimbal sa kanilang natatakimik at punong-punong kasiyahan nilang relasyon. Sa Hindi inaasahan nabuntis  ni Rickey si Trisha  at dito na nalaman ni Trisha ang totoong ugali niya. Isa siyang lalaking walang kwenta,manloloko at higit sa lahat manggagamit walang paninindigan Hindi niya kayang ayusin ang  gusot na kanyang ginawa at ang pinakamasaklap may iba pa lang  ka relasyon si Rickey na mas nauna pa kay Trisha at sobrang mahal na mahal nila ang isa't isa.
Parang nabagsakan ng langit at lupa si Trisha sa nalaman." Kung hindi pa sana ako nabuntis di ko pa malalaman ito" sungbat ni Trisha. Pero hindi umiimik si Rickey,at pagkalipas ng ilang minuto tumayo so Rickey at nilapitan so Trisha at nagmamakaawang ipalaglag nila ang bata dahil hindi pa siya handang maging Ama at mahal na mahal  niya si Jenny ang unang nobya na at ayaw niyang maghiwalay sila at kahit among mangyari hindi niya ito iiwan. Sobrang humahagulgol na sa pag-iyak si Trisha sa narinig at hindi  na niya napigilan ang sarili at nasampal-sampal niya si Rickey hanggang mapagod at magsawa siya." Ano tapos kana? Kung gusto mo pang manatili ako sa tabi mo at ipagpatuloy natin ang ating relasyon tanggalin mo niyang batang iyan dahil kung hindi,kailanman di ko iyan tatanggapin kahit anong mangyari" taas noo niyang sinabi kay Trisha na may pagkagalit.

Pinag-isipan ni Trisha ang sinabi ni Rickey .Hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niya ipapalaglag ba niya ang bata o hindi. Mahal na mahal niya si Rickey at ayaw niya itong mawala sa kanya at gusto niya din masilayan ang kanyang anak kaya pinag-isipan niya muna ito ng maigi bago siya magdesisyon.

Kaumagahan pinuntahan niya si Rickey at sasabihin niya ang naging desisyon into at pumapayag na itong ipalaglag ang bata. Sobrang saya ni Rickey at hindi na siya ngsayang ng oras  at pumunta na sila sa isang matandang nagtatanggal ng bata.

Pagkatapos ng araw na iyon gumaan na ang loob ni Rickey at ang pagkakaalam ni Trisha pagkatapos ng problemang iyon ang paraisong inaakala ni Trisha ay impyerno pala. Nahulog si Trisha sa bitag ni Rickey  na kapag natanggal ang bata hindi  sila maghihiwalay at di siya iiwan nito. Ngunit sa mga nagdaang araw kahit anino ni Rickey hindi na niya  nasisilayan at may bali-balita na lamang siyang nasasagap na ang nangyari sa kanya ay nagkalat na sa kanilang paaralan at ang masaklap pinagkakalat ni Rickey na hindi  siya ang nakabuntis sa kanya kundi ibang lalake.

Hindi na nakayanan ni Trisha ang kahihiyang dulot ng ginawa ni Rickey kaya nilapitan na niya ang kanyang mga magukang at inamin na ang nangyari sa knya.
Sa una nagalit ang kanyang mga magulang sa kanya ngunit di naglaon niyakap siya ng kanyang Ina "huwag kang  mag-alala anak and I to kami upang damayan ka,pamilya mo kami at hindi  ka namin papabayaan. Aayusin natin ito" sambit ng kanyang Ina habang ito ay umiiyak.

Sinubukan nilang kausapin si Rickey ngunit nabigo sila dahil mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita at magpahanap.
Hinayaan na lamang nila ito  at pinagpatuloy parin ni Trisha ang kanyang  pag-aaral   at taas noo niyang hinarap ang mga taong nanghuhusga sa kanya at  nanahimik na lamang siya.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 17, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Nahulog Sa Bitag MoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora