𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 32

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakit kasi nasa taas.

Dahil baka kung ano pang mangyari sa akin kapag pinilit kong abutin iyon nagpalinga linga na lang ako para humingi ng tulong. Pero dahil walang gaanong istudyante dito nagpunta na ako kay Ms. Alfonso, ang librarian.

Pero hindi ko siya nakita roon kundi ang isang gwapong lalake na nakasuot ng varsity jacket at nakaupo sa visitor's chair nagpupunas ito ng salamin niya sa mata.

Nasisiguro kong hindi siya varsity ng Clifford kahit pa naka Clifford varsity jacket siya at maganda ang pangangatawan niya dahil ngayon ko lang siya nakita.

Maybe an alumni?

Nasabi kong napakagwapo niya kahit nakaside view siya. Mukhang matalino rin naka salamin e. 'Di ba gano'n daw 'yon?

Bumaling siya sa akin dahil naramdaman niya siguro ang tingin ko sa kaniya at doon bahagyang umawang ang labi ko dahil nakita ko ang buong mukha niya.

Makapal ang kilay nito, maganda ang mata, matangos ang ilong, kissable lips na gugustuhin mo talagang halikan, makinis ang kutis, at malakas ang sex appeal dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko lalo na yung ngumiti siya sa direksyon ko.

Napakurap-kurap ako. Tama talaga yung desisyon ko na hindi sumama kila Arriane kasi alam ko maghahanap lang sila ng pogi sa mall e mayroon naman pala dito.

Nakakamotivate talaga mag-aral kapag may pogi. Sayang hindi ko kasama si Aulhexa edi sana nakikita niya yung nakikita ko ngayon.

Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko kaya nginitian ko na rin siya not knowing na hindi pala ako yung nginitian niya kundi si Ms. Alfonso na lumabas galing sa bookshelves na nasa likuran ko.

"Doc here it is," Saad ni Ms. Alfonso saka ibinigay ang libro na hawak nito sa lalaking tinawag niyang Doc matapos no'n ay bumalik na si Ms. Alfonso sa upuan nito at nakita kong may kislap sa mga mata nito habang nakatingin kay Sir pogi.

Doctorate siya? Ibig sabihin nasa kabilang building lang siya?

Nagpasalamat lang ito kay Ms. Alfonso saka tumayo at sinuot ang salamin niya sa mata. Muli rin siyang nagbaling sa akin ng tingin at muling ngumiti bago naglakad palabas.

Nag iwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan. Nakakahiya!

Sinundan ko pa ng tingin ang likod niya sa paglabas niya dahil hindi naman na ito nakatingin sa akin.

Ang bilis naman niyang umalis. Hayaan ko na, dito rin naman siya nag aaral kaya alam ko makikita ko pa rin siya.

Lumapit na ako kay Ms. Alfonso para magpatulong na.

"Yes, Ms. Abrenica?" tanong nito sa akin nung makalapit ako. Kilala niya na ako dahil madalas ako dito sa library.

"Ma'am magpapatulong po sana ako, hindi ko po kasi maabot yung libro na kailangan ko e."

"Okay," tumayo ito at pupunta na sana kami na kami sa aisle kung nasaan ang book na kailangan ko nung mapansin ko na naiwan ng lalaking iyon yung wallet niya sa inupuan niya.

Hindi ko ito kinuha dahil takot akong masabihan na pakialamera kaya sinabihan ko na lang si Ms. Alfonso.

"Ma'am naiwan po ata ni Sir," tinignan niya ang tinuturo ko at siya ang kumuha no'n.

"Babalik 'yon." Saad ni Ms. Alfonso saka maglalakad na sana kami nung bumukas ang pinto ng library at iniluwa uli no'n ang lalake.

Muling sumikdo ang puso ko nung makita ko siya.

𝐃𝐋𝐒 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon