Chapter 12 - "Challenge Accepted"

Start from the beginning
                                    

"Bakit?", tanong ni Go nang makalapit na siya saken.

"Ahhh, ehh... Kase... Hindi.... Ligaw... Sabay.... Ah!", SHEEEETTTTEEE!!!

"Uy! Okay ka lang?"- Go

"Okay, ah, hindi... Ah basta! Uwi na tayo!", takte! Mukha akong timang dun ah! Hinatak ko nalang siya sa braso, pero hindi madiin ha. Buti nalang hindi na siya nagsalita.

Pagdating sa parking lot, hinahanap ko yung kotse ni Chester, pero hindi ko makita. Patay, nakaalis na yata, saan naman pupunta yun? Kinuha ko yung phone ko para tawagan siya, ituturo ko nalang yung daan. Kaso ring lang ng ring, wala namang sumasagot.

Pinaandar ko na yung kotse, shete! Eto nanaman tong awkward silence na to. Ano ba sasabihin ko? Woooo! Makapagpatugtog na nga lang ng music! Kinuha ko yung cd na nasa mini compartment. Ano kayang laman nito? Walang cover eh. Bahala na, basta sinaksak ko nalang sa player ko.

Loading..................

Pagmulat ng mata,
Langit nakatawa
Sa batibot,
Sa batibot
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa batibot
Ang tuwa, ang s-------------------

WTF!!!! BATIBOT AMPUTEK! Si manang talaga! Iniwan nanaman yung CD ni Mally dito! Si Mally nga pala yung kapatid kong 3 years old lang. Si manang Cecil yung yaya niya na siguradong nag iwan ng karumaldumal na cd ng batibot dito! Ang awkward na nga ng sitwasyon tapos biglang batibot ang tutugtog! Seryoso kaya ako.... Pahiya tuloy. Napatingin na lang ako kay Go, tapos napatingin din siya saken.

Dug... Dug.... Dug... Dug.... Dug... Dug....

"Hahahahaha!", sabay nalang kaming natawa. Nakakatawa lang yung nangyaring kahihiyan. Anubayan! Pesteng batibot.

Teka.... Tama ba tong nakikita ko? Kotse ni Chester yun ah! Tama si Chester nga! Naihatid niya si Yuri? Kitang kita namin ni Go na binuksan niya yung pinto sa passenger seat tapos binuhat niya ulit si Yuri pababa, tulog na tulog pa rin kasi to.

"Talaga naman tong gagang to! Kung gising lang yan ngayon, malamang naihi na yan sa sobrang kilig.", bigla nalang nagsalita si Go sa tabi ko. Hininto ko kasi yung kotse kung saan hindi makikita ni Chester, pero kita namin sila.

Dahan dahan niyang binuksan yung maliit na gate, halatang mejo hirap siya kasi nga buhat niya si Yuri, alam niyo yung buhat ng newly weds? Ganun itsura nila ngayon. Tapos, to namang damit ni Yuri, lalong nagpahirap, bawat kilos kasi ni Chester halos tumataas yung damet niya, kaya paulit-ulit na inaayos ni Chester, ang tipid kasi sa tela eh!

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDWhere stories live. Discover now