Sino ba ako?
Ako nga pala si Chinitang Panget, laki akong taga maynila, bibo, aktibo, magaling kumanta at sumayaw. Lahat na ata ng pacontest (mapa-programa, fiesta atbp.) ay nasalihan ko na. Gusto ko palagi akong number one.
Simula kasi grade school hanggang sa magkolehiyo ako, palagi akong napipiling leader kasi confident ako at madaldal. Lahat alam ko kaya naman madalas akong kinaiinisan at kina-iinggitan. Insecures tsk. Hay nako.
Mahirap man ang responsibilidad pero oo na lang ng oo. Lumaki akong isang napakamasayahing tao, matulungin, mapagbigay at mapagmahal pero lingid sa kaalaman niyo lumaki akong kulang sa pansin at pagmamahal, gusto ko palagi ng atensiyon simula ng umalis si Pappy. Nagbago ang buhay ko at doon nagsimula ang aking buhay bilang isang blacksheep ng pamilya.
Isa lang ang aking tanong kelan ba ako makakahanap ng tunay na pagmamahal at atensyon?
YOU ARE READING
My 바보 Soulmate
RomanceSaksihan ang kwento ni Ms. Chinitang Panget. Sabay sabay nating tuklasan ang bawat pahina ng kanyang buhay at damayan sa mga panahon na nakakaramdam siya ng saya, lungkot, galit, at kung ano ano pang emosyon. ========================================...
