ER, is the most crucial and most toxic area sa hospital. Nurses, doctors and even assistants are very flexible doing their job to save lives.
Pero paano mo magagawa ang dapat mong gawin kung isa sa pinaka mahalagang persona sa loob nito ay wala.
Meet Anton, isa siya sa senior Nurse sa Hospital na pinapasukan niya. Isa siya sa magagaling at kung gustuhin niya lang ay maaaring maging Head or Supervisor na ito. Pero mas nanaisin nitong maging Nurse than doing the Supervisory status.
Tahimik, mabait, suplado pero if kilala mo talaga masasabi mong siya yung supladong makwento. Yap, totoo yun. By the way her girl also working here as a OR Nurse. People always say na bagay na bagay sila kasi halos magkasundong magkasundo ito at magkaugali.
But the truth is, mayroon siyang dark past na matagal na niyang tinatago at kinikimkim.
At alam niyang pag nalaman ng lahat ay hindi ito matatanggap ng taong nakapaligid, nakakakilala sa kanya at lalong lalo na sa pagtatago kay Ella (gf).
Minsan na din siya nagmahal nang kapwa lalaki. College siya ng nangyari yun subalit tulad ng halos lahat ng pumapasok sa ganoong sitwasyon ay madalas ay naiiwan at nasasaktan ang isa. Kaya simula noon ay pinangako na niyang hindi na siya papasok sa ganoong relasyon mula sa napakabait at maalahaning lalaki ay naging tahimik at suplado na ito.
-------
Araw ng sabado, masyadong toxic ang araw na iyon sa tulad niyang Nurse lalo na at assigned ka sa ER.
Badtrip na badtrip si Anton noong araw na iyon dahil wala silang available na Internist sa linggong iyon. Kaya sa tuwing kailangan ng referral ay need pa niyang pumunta sa office ng head of all IM doctors. Akyat baba siya sa araw na iyon.
Bago pa naging toxic ang araw ni Anton ay biglang pumasok ang Chief Nurse ng Hospital kasama nito ang pito (7) na bagong mga doctors na magiging bagong residente at doktor ng Hospital.
Nagulat siya sa sumunod na pangyayari lalo na ng ipakilala ng ginang ang isa sa mga nakatayo.
"Mr. Rivera, ok lang ba na itigil ninyo mjna saglit ang ginagawa nyo. I just want to inform to all of you, our new Internist assigned dito sa ER, meet Doctor Tan."
Nagulat siya sa narinig at sa lalaking kaharap nito. Hindi niya alam kung siya ba ang lalaking kanyang kakilala.
Natapos ang araw na tanging ang doctor lang ang nasa isip niya. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Kaya naman ng tawagin siya ng kanyang kasintahan ay parang wala siyang narinig.
"Hon, hello...."
Nagulat siya ng makitamg katabi na pala niya ang babae at pinakinggan ang sumunod nitong sabihin.
"Hon, ang gwapo ng new inernist sa ER ahhh, Dr. Tan ba name nya? Alam mo ba lahat ng kasama kong babae kinikilig kapag pinag uusapan siya"
"Bakit mas gwapo ba siya sa akin?"
"Hala! at nagselos naman ang boyfriend ko!"
Habang naglalakad ay muling nagsalita si Ella
"Hon, bakit ang tahimik mo?"
"Wala ito, masyado lang akong napagod ngsyong araw na ito".
Nang gabing iyon ay umuwing wala sa sarili si Anton. Paghiga niya sa kama ay humiga siya ng malalim at pumikit. Doon niya binalikan ang unang araw nang makilala niya ang isang 4th year medicine student at siya naman ay 3rd year Nursing student at isa sa sikat na varsity player ng Basketball team.
Itutuloy....
YOU ARE READING
"The Basketball Love Story"
RomanceBakit ba ang buhay pag ibig ng dalawang taong nagmamahal ay napaka komplikado. Lalo na kung dalawang lalaki ang involve dito. Paano susuungin ang bawat pagsubok kung sa umpisa pa lang sumuko na ang isa sa mga ito. Ating subaybayan ang kwento ng buh...
