May mga laruan, pagkain magagandang ilaw at iba pa. Habang nag ikot ikot kami sa malaking istrakturang ito hindi ko maiwasan na magmasid sa mga batang nakangiti kasama ang mga magulang nila.


Sana ako din maging ganyan kasaya kasama sila. Ngunit alam kong malabo. Ang Lola lang kasama ko simula bata pa ako.

Oo, kaarawan ko ngayon at wala na naman sila dito. Gusto ko sanang makakuha ng munting regalo galing sa mga magulang at kaibigan ko kaya lang hindi na ako aasa pa dahil nasa malayo sila. Si Lola at ako lang ang nandito. Sanay na naman ako na hindi kami naghahanda  tuwing sasapit ang kaarawan ko.

Pagala gala lang kami sa mall pero wala naman kaming bibilhin. Kumbaga window shopping lang ang ginagawa namin.


Okay lang naman sakin hindi naman ako namimili. Basta kasama ko si Lola okay na pero mas masaya sana kung nandito ang mga magulang ko. Mas masaya kung kaming lahat ay magkakasama. Ilang taon narin simula ng umalis sila Nanay at Tatay papuntang Taiwan upang magtrabaho. Bata pa ako nung huli ko sila makita. Minsan ko lang sila narinig na tumawag at kailan man ay hindi na naulit iyon.


Mahirap talaga pag nasa malayo ang ating mga magulang. Hindi nila makikita at  masusubaybayan 'yung paglaki natin. Mahirap dahil wala rin sila sa tabi natin sa tuwing kailangan natin sila. Iba kasi talaga kung ang totoong magulang natin ang ating kasama. May masasandalan tayo sa mga problema at sa panahon kung kailan tayo nahihirapan na at sa oras din kung saan tayo sobrang masaya.

"Apo halika kumain muna tayo." Nabalik ako sa kasalukuyan sa sinabi ni Lola.

"Dito po tayo kakain Lola?" Tanong ko. Pag pumupunta kasi kami dito 'di naman kami kumakain sa loob doon kami sa labas ng mall kakain, sa carenderia.


"Oo naman. Kakain tayo doon sa Jollibee. Ano bang gusto mo chicken, burger, fries? Ano kakain ba tayo dito o sa labas ang gusto mo?" Tanong ni Lola

"Syempre po dito. Halika na Lola excited na ako." Wala ng paligoy ligoy pa ay dahan dahan kong hinila si Lola papasok sa Jollibee. Matagal na akong 'di nakakain dito.

Pumila kami at nag order ni Lola. Ang lapad ng ngiti ko dahil ito ang first time na sa loob kami ng mall kumain ngayong birthday ko. Nang makuha na namin yung order ay sarap na sarap kami ni Lola sa pagkain.


Pagkatapos ay bumalik kami sa paggala hindi nga ako makapaniwala na binili ako ni Lola ng teddy bear at tablet. Sobra akong natuwa talaga. Nang sumapit ang hapon ay nagtungo kami sa simbahan. Pinagdasal ko na sana sa susunod na kaarawan ko nandito na sila Nanay at Tatay
na makakasama ko na sila at hindi na muling aalis pa.


Pagkalabas namin ni Lola sa simbahan ay binili niya ako ng pulang lobo at sorbetes.


"Salamat po Lola. Mahal na mahal po kita." nakangiting pahayag ko at niyakap siya.

"Walang anuman Apo. Mahal na mahal din kita."


Namasyal rin kami sa parke sinulit na namin ang pagpunta dito sa lungsod.

Napahinto kami sa aming paglalakad nang biglang tumunog yung celphone ni Lola. Sinagot  niya ito. Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya pero maya maya lang ay napilitan ito ng ibang emosyon. Biglang nagliwanag ang aura ni Lola. Nagtaka naman ako kung bakit.


"Sige sige pupuntahan namin kayo d'yan." Sabi ni Lola bago binaba ang telepono niya.


"Halika apo may pupuntahan tayo. Sigurado akong matutuwa ka dito." Wika ni Lola


Nagtatakang sumama ako kay Lola kung saan man kami papunta. Sumakay ulit kami, pero sa jeep na sa ngayon. Ilang sandali ay tanaw tanaw ko ang NAIA airport. Ano ang ginagawa namin dito. Aalis ba kami?


Pagkababa namin ay pumasok kami sa loob. Ito ang unang pagkakataon na makatungtong ako dito. Nakikita ko lang kasi sa mga balita ang paliparang ito.

Hindi na ako nagtanong pa kay Lola kung ano ang ginagawa namin dito basta ang akin lang ay nakahawak at nakasunod ako sakanya. Umupo kami sa isang bangko na metal. Pinagmamasdan ko ang mga tao sa loob ng paliparang ito. May mga magkatropa na magkasama na mukhang nagkakatuwan. May pamilya rin na nag iiyakan at meron ding iba na masaya. Nakikita ko rin ang mga taong tinatawag nila na fight stewardess at Pilot na suot suot ang kanilang uniporme.

Iba't ibang eksena ang nakikita ko sa lugar na ito. Tumingala ako at tiningnan si Lola na paligaw ligaw ang tingin. Baling dito baling doon. Ano ba talagang ginagawa namin dito? Ba't sinabi ni Lola na sasaya ako. Gayong parang wala lang namang nangyayari dito.


Nakakalungkot nga tingnan 'yung mga pamilya na paalis ang Tatay o Nanay. Nakikita sa mukha ng mga magulang na parang ayaw nilang iwan ang mga anak o pamilya nila. Hindi lang pala ako na iisa sa pighating ito. Nakakasuya rin tingnan yung pamilyang masaya dahil bumalik na iyong isang myembro ng pamilya nila. At yung mga magbarkada na magkasama.

Dahil sa kuryosidad ay tinanong ko na si Lola.


"Lola ano po ang ginagawa natin dito?" Untag ko.


"May hihintayin tayo Apo." 'Yun lang ang sinagot ni Lola.


Maya maya lang ay tumayo si Lola. Sinundan ko lang siya ng tingin nakita kong nagtungo siya palapit sa dalawang tao.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumayo at lumapit sakanila. Totoo ba itong nakikita ko ngayon?  Kusang tumulo ang luha ko nung yakapin nila akong dalawa.


"Nanay! Tatay!" Naiiyak na tawag ko sakanila.


"Mahigit ilang taon din tayong nagkahiwalay anak. Miss na miss ka namin ng Nanay mo." Naiiyak na sabi ni Tatay.

Hindi ako makapaniwala na nandito na sila.


"Miss na miss ka ni Nanay anak." Niyakap uli ako nilang dalawa.

Pagkatapos ng eksena namin sa airport ay bumalik kami ulit sa mall para kumain. Dahil sa pagkabigla at di makapaniwalang nakita ko kanina ay 'di ko napansin na may maliit na pala akong kapatid na karga karga na ni Lola nang niyakap na ako nila Nanay at Tatay. Sabi pa nga ni Nanay na si baby Liza ang munti nilang regalo para saakin ngayong kaarawan ko.


Sobra akong natutuwa na nandito na sila. Parang kanina lang hiniling ko sa Panginoon na sana sa susunod kong birthday nandito na sila. Pero hindi ako makapaniwala na sinagot Niya agad 'yung mga dasal ko.

Pagkauwi namin ay sabay sabay kaming umuwi sakay ang taxi. Karga karga ko si baby Liza.

"Hello baby Liza. I'm your Ate Trixie."


Sinagot niya ako pero baby talk naman. Masaya ako na makasama ulit sila Nanay at Tatay.


Makalipas ang ilang taon ay lumipat kami ng bahay. Dahil may pinatayo sila Nanay na bago malapit sa lungsod. Hindi narin bumalik pa sila Nanay at Tatay sa ibang bansa dahil stable at may trabaho na si Tatay. Malaki narin si Baby Liza namin. Ako naman ika labing anim na taon ko na ngayon.


Pinaghandaan nila Nanay ang kaarawan kong ito pambawi daw sa ilang taon na wala sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa isang resort kasama ang pamilya ko at iilang kaibigan ko. Meron akong mini program may 16 roses and candles. Ngayon ay nagbibigay silang lahat ng mga messages nila para saakin.


"Happy 16th Birthday Ate Trixie. More birthdays to come Ate. I love you so much po." Sabi ni baby Liza namin.


"Salamat baby Liza ikaw pa rin talaga ang best gift sa lahat para saakin. Ikaw parin ang munting regalo para saakin." Tugon ko.

Nagbigay rin ng mensahe ang mga kaibigan ko.

"Trix stay young and pretty as always. Humble yourself like you used to do we love you so much."


Sunod ay ang mga magulang ko.

"Naalala ko Trixie na maliit ka pa nung iniwan ka namin noon ng Tatay mo. Ayaw kong umalis nun pero kailangan para sa kinabukasan mo anak. Sana mapatawad mo kami ng Tatay mo kung may nagawa kaming hindi mo nagustuhan. Mahal na mahal ka namin anak."

"Mahal ko rin kayo Nay at Tay. Salamat po sa lahat."

Masaya na sana nang biglang atakihin ng hika ang kapatid kong si Liza. Nataranta ang lahat kahit na ako. Pinainom namin siya ng gamot niya buti nalang at naging okay agad siya hindi ko kakayanin pag may mangyari masama sa kapatid kong si Liza na siyang munting regalo na natanggap ko.

Compilation of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now