Mika's POV
Nasa school ako ngayon at ang inniiittt, sobra. Parang matutunaw ako eh!
Next class na namin at kaming mga estudyante ang naglalakad papunta sa classrooms... ang tatamad ng teachers namin eh. Hayy.
Eh wala naman kaming magawa. Kahit mainit basta makapunta sa next class on time. Kung hindi, mapapagalitan kami. Hmp. Kami na nga ang naglalakad sa mga classrooms kami pa ang mapapagalitan kung late. Nasaan ang hustisya?? >.<
"Mikaaaaa!"
O ayan naman siya, hayysstt. Tumatakbo papunta sa akin itong classmate kong madaldal, si Neo. Ah hindi lang pala madaldal... Nakakainis. Parang nabuhay lang siya para istorbohin ang iba.
I glared at him, dapat lang. Ang init kaya at nagmamadali ako.
"Ay hala, bakit ka naman galit? Wala pa nga akong ginagawa eh."
Hindi ko siya pinansin at mas minadali ko ang paglakad ko.
"Hahaha si Mika naman oh. Naiinis ka?"
Tiningnan ko siya, "Naiinis ako sa existence mo."
Nag act siya na parang nasaktan, ugh. Tumatawa pa yung iba naming classmates.
He smirked at lumapit sa akin, "O baka naiinis ka lang dahil hindi mo na makaya ang kagwapuhan ko."
Gwapo daw siya, ew. Feeler to. Kaya natawa ako sarcastically, "Saan banda?"
"Bulag ka Mi?"
Halos masuka ako, "Wag mo akong tawaging Mi dyan. As if close tayo. Ew, bahala ka nga diyan."
"Close naman talaga tayo eh..." Sabi niya nang nag-touch ang shoulders namin. I blushed a bit kaya nagtago ako sa mahaba kong bangs.
Wait, I blushed? Ew.
Then, I rolled my eyes at him habang kumukuha ako ng alcohol at pinunas sa kawawa kong shoulder.
"Haha, arte."
"Anong arte? For your info-"
Nang may nag-cut sa akin.
"OMG ang daming langgam o!"
Eto pang isang baliw na babae na ito. ARGH.
Tumawa pa tong si Valerie, ang baliw na babae. At tumingin sa amin, "Ay hala. Affected kayo? Haha."
"Che." Sabi ko at lumayo sa kanila, I saw Neo smirking kaya I rolled my eyes again.
At hayy... Sa wakas! Nandito na kami sa classroom at umupo na kaming lahat... Well, half lang sa amin.
And why you ask?
... Tulog si Sir.
Hay jusme! May klase pa tayo sir! Wag kang matulog diyan at naglakad pa kami ha!
Yes, gusto ko sana yan sabihin kaso baka magalit pa sa akin si Sir. Ayoko ma affect grades ko noh.
Kaya umupo na lang ako at nagbasa ng Harry Potter. Hmm... At least medyo naka-relax na ako.
...
Okay na sana pero ang ingay ng mga classmates ko!!! Naiinis na ako. SOBRA.
Leader pa to sa ingay itong si Neo. Sinamaan ko siya ng tingin at naramdaman naman niya at tumingin sa akin.
"Hahaha nerd ka din pala." Sabi niya at tumawa din yung mga kasama niya.
Ay wow. ... Kalma lang Mika... kalma.
Yes, nasa mood na ako.
So, tumingin ako sa kanya ng ilang seconds at ngumiti. Tumaas yung isa niyang kilay, na confuse siya at bakit hindi ako nagalit.
Lumapit ako sa kanya at mas ngumiti pa. Pa innocent kumbaga. Na confuse siya lalo when I said sweetly, "Thank you."
Inside, I was smirking. At gusto ko na talaga na tumawa. Hahaha nabigla kasi siya eh. Medyo nag blush pa nga eh. Pfft, so lame.
Hindi ko na makaya at tumawa ako, "Hahaha, as if I'll say that. I'm not a nerd. Selos ka lang at marunong akong magbasa."
Tumawa ng patago yung mga kasama niya. Actually, marunong naman siyang magbasa, medyo slow lang. Oh and... Neo looks mad. Hahaha naka ganti ako. Yes!
Hindi na niya ako pinansin at nakipagkwentuhan na lang sa iba.
I grinned. At before na bumalik ako sa upuan ko, sabi ko, "Haha pikon."
Tiningnan niya ako ng masama at nag bleh pa ako. O ikaw naman ang mainis!
HA. Pikon nga.
