“Alam ko naman yan, kung pwede nga lang pagkakaroon pa kayo ng kapatid”

Kitang kita niya ang pamumula ng mukha ng mom nila, kinilabutan siya bigla.

“Dad! Too much information!” pareho sila ni Matt na pinangasiman ng mukha. Mahinhin namang tumawa si Grace sa sinabi ng dad nila.

L

 

 Ang sabi niya kay Bridgette sabihin nalang sa pamilya nito na umuwi na siya dahil masakit na ang ulo niya, siguro ay dahil sa pagod, nag text rin siya kay Migz at ang sabi nito ay uuwi itong agad sa kanya.

Pag dating nito ay kakausapin niya ito, ayaw niyang mag assume ng mga bagay bagay, at ayaw niyang mag isip ng kung anu-ano, makakasama iyon sa pagbubuntis niya, ayaw niyang may mangyaring masama sa kanila ng magiging baby niya. Isa pa, talagang ayaw niyang pagdudahan si Migz, magtitiwala siya dito dahil yon ang tama, kahit pa pinanghihinaan siya ng loob, magiging matatag siya dahil mahal niya si Migz at alam naman niyang mahal rin siya nito.

Isa pa, ang sabi ni Bridgette, hindi magagawa ng kuya nitong pagtaksilan siya at naniniwala siya doon, wala sa personalidad ni Migz na gagawa ng ganuong bagay.

Nahiga siya sa kama, dun nalang muna niya ito hihintayin.

“Aya? Honey, I’m home!” Narinig niyang sigaw ni Migz mula sa living room.

“Nandito ako sa kwarto” sagot niya. Hindi siya bumangon mula sa pagkakahiga.

“Are you okay?” yun agad ang tanong nito pagkapasok pasok sa kwarto at agad rin siyang nilapitan nito. Naupo ito sa gilid ng kama.

“I’m fine, kumain ka na ba?” tanong niya dito, saka niya naalala na hindi parin siya kumakain.

“Not yet, ikaw?” iling lang ang isinagot niya sa tanong nito.

“Come on, I’ll fix you something and I have something to tell you”

Kumabog ang dibdib niya. Ano kaya ang sasabihin ni Migz sa kanya?

Sumunod nalang siya dito sa kitchen.

LI

“I saw Kat this afternoon” sabi na agad niya kay Aya.

“and?” tanong nito, di man lang ito tumingin sa kanya.

“We closed our book”

“Talaga? You’re not going to leave me for her?” nagulat siya sa tanong nito pero di niya nalang ipinahalata iyon. Lumapit siya dito at hinila ito paupo sa kandungan niya. Alam niyang halos pigilan na nito ang hininga sa paghihintay sa magiging sagot niya, alam niyang may takot sa tinig nito at papawiin niya ang takot na iyon.

The UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon