Minsan ba sumagi na sa isip mong
hindi ka normal?
Pano nga kung hindi?
>>>
"Awww!! What the hell are you doing!"
Tama lang yan sayo
Ang arte arte mo
Nagtitinginan na lahat ng mga tao dito sa restaurant dahil sa pag sisigaw ng babaeng sinasampal sampal ng boyfriend nya
Yeah I did that! So what?
Naiirita ako at naiinis sa boses ng babae na nag iinarte sa harap ng boyfriend nya
At sobra namang martyr ng boyfriend nya
Natigil naman ako sa pagcocontrol sa lalake ng may lumapit sa kanilang gwapo este gwapo nga ehe! Lalaki na hindi lalayo sa edad ko at inawat na yung boyfriend ng babae na halatang walang alam at nagtaka sa ginagawa nya
Napatindig naman ako nang tumingin sakin yung gwapo esti yung lalaki
Parang tumaas balahibo ko
Kunyari inayos ko ung glasses ko at Binalik ko kaagad ang tingin ko sa binabasa kong libro
Ba't parang feeling ko alam nyang ako may gawa nun.
Pero imposible !! walang nakakaalam
Ako at ako lang
Dahil kahit ako hindi ko alam kung pano ako nagkaganito
I am Hayley Cruz, isang studyanteng walang alam ehe! I mean nag iisa sa buhay
Walang kamag anak, bakit? Dahil kinalimutan ko na sila simula ng mamatay ang mga magulang ko
Pera lang ang habol nila sa amin mga wala silang kwenta!
Naririndi lang ako sa tuwing maaalala ko sila..
I am Hayley and I possessed this ability? Ability nga ba ito?
I can control someone
Hindi ko alam kung paanong nagkaroon ako nito
Dahil isang araw pag gising ko na lang ito na ako
I've discovered it nung minsan ay sobrang nainis ako sa nambubully sa akin sa school
**flashBack
Dinala nya ako c.r ng babae at doon sinabunot sabunutan
Ewan ko dun may sapak ata sa utak yun porke reyna reyna ang turing sa kanya sa eskwelahan
Pinapanalangin ko lang nun or should I say mataimtim ko lang na pinapatay sya sa isip ko
Mamatay ka sana!
Mamatay ka sana
Nagulat na lang ako ng bigla nyang ipokpok ang ulo nya sa pader
Di ko alam kung nagbibiro ba sya o trip nya
Pero ng makita ko ng nagdudugo na ang noo nya dun na ako nataranta
Inaawat ko na sya pero patuloy pa din sya sa ginagawa nya
Kaya napasigaw na ako
"Itigil mo yan!!" Sa sobrang kaba
Tumigil naman sya agad at lumingon sa akin
Shiiit tumutulo yung dugo
Di ko alam ang gagawin ko ng may mga yapak na akong naririnig papalapit sa kinaroroonan namin
Dali dali akong kumuha ng tissue ipinunas sa noo nya
Para syang isang statwa na diretso lang ang tingin sa akin
"This is not good, what am I gonna do? Knowing na baka mapagkamalang kagagawan ko to sa kanya"
Mukha akong tangang nagsasalita mag isa
"Lianne! Anu bang nangyayare sayo?"
Hindi kasi sya gumagalaw sa pwesto nya
Ang mga mata nya parang walang buhay
"Lianne! Gumising ka!"
Habang niyuyogyog ko sya
Tila bumalik sya sa katauhan at hinawi agad ang kamay ko
"What are you doing bitch? Don't touch me!, ahh bat ang sakit ng ulo ko? Imumodmod pa kita sa toilet nexttime pag nakita kita" saka nya ako inirapan at tumalikod na nagsimulang maglakad
Para syang sinaniban na ewan
Teka may multo ba dito?
"You did great hayley!"
Napantig ang tenga ko ng parang isang bulong ngunit maliwanag namaliwanag kong narinig
"Who are you?!"
"I am you,hayley. Look at yourself"
Diretso akong napatingin sa malaking salamin
At para akong hihimatayin sa nakita
My self is looking at me directly with that evil smile
