Chapter 1

81 5 0
                                        

BESTIE, WHERE ARE YOU NOW?

Inis na binulsa ni Florence ang cellphone matapos mabasa ang text ng kaibigan. May date kasi sila ngayon pero nagkaroon ng emergency sa kanilang kompanya kaya siya muna ang naatasang makipag-meeting sa isa nilang investor. Andito siya ngayon sa loob ng isang fine dining restaurant malapit sa kanilang kompanya. Ang kaibigan niya naman ay naghihintay sa kanya sa isang mall na parati nilang tinatambayan.

ILANG ORAS NA AKO DITO!!!NAMUMUTI NA ANG MGA MATA KO.DARATING KA PA BA???

Naramdaman niyang nag-vibrate ulit ang kanyang cellphone kaya binasa niya ang bagong message. Ang OA talaga ng kaibigan niya kahit kailan.

Papunta na ako, okay.

Reply niya dito. Naiinis siya sa matandang ka-meeting niya kanina dahil parang sinasadya nitong pahabain ang oras ng kanilang meeting. Ito kasi ang kaibigan ng ama niya na pilit na inirereto ang anak sa kanya. Mabuti na lang at nagkaroon ito ng emergency, nanganak na raw ang panganay nitong anak, kaya medyo binilisan na nila ang pagdi-discuss. Iniimbitahan pa siya nitong sumama sa kanya sa ospital para raw makilala niya pa ng maigi ang anak niyang lalaki pero tumanggi siya at sinabing sa susunod nalang.

Nagmamadali na niyang inayos ang kanyang mga gamit ngunit pagkatayong-pagkatayo niya pa lamang ay nagtext muli ang kaibigan.

BILISAN MO NAMAN BESTIE.

Mabilis niya itong nireplyan habang naglalakad dahil alam niyang tatadtarin lang siya nito ng messages kapag hindi siya nagreply dito. Pipindutin niya na sana ang send botton nang mabangga siya ng isang waitress.

"Sorry, Miss." Hingi niya ng paumanhin na hindi manlang ito lumilingon dahil nakatutok lamang sa cellphone ang mga mata at sa dali-daling naglakad patungo sa exit ng restaurant. Ngunit napatigil siya nang marinig ang isang malakas na sigaw.

"What the hell! Look what you've done!. Paano pa ako haharap sa ka-meeting ko ngayon, huh. Sabihin mo nga!"

Napalingon si Florence sa pinanggalingan nito at nakita ang isang lalaking basa ang damit at may nakalagay pang pasta sa ulo at mga balikat nito. Kaharap nito ang isang waitress na mukhang takot na takot dahil sa pagsigaw ng lalaki.

"Ano hindi ka na ba magsasalita? Tutunganga ka nalang ba diyan? Do something." Galit na galit at namumulang na sigaw ng lalaki. Matatawa na sana si Florence sa itsura ng lalaki pero pinigilang niya ito. Baka siya pa ang pagbuntunan nito ng galit. Mahirap na.

"S-sir hindi n-naman po ako ang m-may kasalanan k-kung bakit kayo n-nat-tapunan ng pagkain." Nanginginig at takot na takot na pahayag ng waitress habang nakayuko.

"At ano? Ako ang may kasalanan? I'm eager to kill you now!." Lalong nanggigigil na saad ng lalaki sa waitress.

"Ahh sir may problema ho ba dito?" mahinahong tanong ng mukhang manager ng restaurant.

"Yes. This woman ruined my shirt!" Galit pa rin nitong sagot sa manager.

"H-huwag naman po ninyo akong tanggalin sa trabaho s-sir. M-maawa po kayo." Naiiyak naman ng pahayag ng waitress atsaka ito nagpalinga-linga na tila may hinahanap. Hanggang sa mapako ang tingin nito sa kanya.

"Sir siya po, siya po ang dahilan kung bakit ko kayo natapunan ng pagkain. Ang bilis niya po kasing maglakad at hindi po siya tumitingin sa dunaraanan niya." Mabilis na sumbong nito sa lalaki habang tinuturo pa siya.

"What?" Nagsalubong naman ang kilay ni Florence sa pagtataka dahil lahat na mata ay nasa kanya. Mabilis naman siyang nilapitan ng nalalaki kasama ang waitress at ang restaurant manager.

HeartfeltCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang