Etong tulang ito ay isang Soneto na aking ginawa noong nsa Highschool pa ako :) At sa tulang ito ay mga pangalan ng isa sa mga paborito kong OPM song :) Hope you like it ^_^
=====
Musikang Pag-ibig
Dahil sa musika biglang nagkabuhay;
Kwento ng pag-ibig ating sinimulan,
Mga awitin noon na pinagsaluhan;
Na ako'y sa'yo, ika'y akin lamang.
Sa huling el bimbo ay nagkahulugan.
Ngunit sa haplos ay parang nangulila,
Mga samahan ba tila nawaglit na?
Doon lang nalaman, tayo ay tapos na.
Dahil meron ka nang nahanap na iba.
Sa t'wing umuulan aking nagunita,
Na minsa'y nagsama at aking minahal.
Sa ating nobela ay panghabangbuhay;
Mananatili kang ganap na musika,
Dito sa puso ko, sa tuwi't-tuwina...
=====
<//3 <//3 ahaha. heartbroken ung tula. <//3 <//3
kaya most unforgettable sa estudyante ang kanyang buhay highschool :)
#throwback :) :)
YOU ARE READING
Musikang Pag-ibig
PoetryTunay ngang maihahambing ang pag-ibig sa musika, ito'y lalagyan ng buhay, kulay, kahulugan at kahit masakit pati katapusan....
