DONNIE'S POV
"Both of you will have to prepare your own talent. There are only 3 days for voting the candidate by your scholmates. So by that days you should always by your partner. And let them know that you deserve to win. Diskarte nyo na kung anong gagawin nyo. Remember pwedeng hindi kayo ng partner nyo ang manalo, pwedeng isa sa inyo at isa din sa ibang section. Individual voting to. That's all. Good luck candidates."
"Whether you like or you like it 3 days tayong laging magkasama." Bulong sa akin ni Keith.
"Malas nga naman." Sabi ko at nauna na maglakad
"Mababawi na din natin yung 3 days na nawala ka." Sabi nito nung nakahabol na sya sa akin.
"Whatever." Sabi ko. Dededmahin ko sya hanggat kaya ko.
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
"Hey bitawan mo nga ko." Sabi ko hanggang winawasiwas ang kamay kong nakahawak sa kanya.
"Ayoko nga." Sabi niyo at diretso nang naglakad. Syempre kasama ako nakahawak sya sa akin.
Arrrgggh. Nakakainit ng dugo tong taong to ha.
"Keith pwede ba. Bitawan mo na ko." Galit na talaga ako.
"Kumalma ka nga dyan baka makita tayo ng mga schoolmates natin na nag aaway papangit image natin nyan eh. Dapat sweet tayo para manalo tayo."
"I don't wanna win. Ikaw lang naman ang may gusto nuto eh."
"Ganun ganun mo na lang ba babaliwalain ang pagtitiwala sayo ng mga classmates natin sayo? Nag eeffort pa sila sa mga campaign natin. Tapos ganyan ka? Ngayon ko lang nalaman na selfish ka pala?" Sabi nito sabay bitaw sa kamay ko at naglakad na.
Anong drama yun? Nangongonsensya ba sya? Bwisit ka talaga Keith !!!
Nagmadali na akong lumapit sa kanya at hinawakan ko na ang kamay nya.
Nagulat siguro sya. Naglakad na agad ako kasama sya.
Nakita kong napangiti sya. Bwisit ka. Enjoy na enjoy ka pa.
"Ayiee ang sweet nila? Kanina LQ tapos okay na ulit sila. Kainggit." Narinig kong sabi nung schoolmate namin.
"Oh diba effective?" Biglang sabi nito sa akin.
Hinampas ko sya. "Bwisit ka."
"Aray naman. Ang sweet mo ha." Sarcastic na sabi nito.
"Whatever." Sabi ko.
Dumiretso na kami sa classroom pero bago makapasok binitawan ko na agad yung kamay nya at nagmadaling pumasok sa loob.
"Kamusta naman bebest? HHWW ang peg mo?" Bungad nito sa akin.
"Acting lang yun pampabango ng image." Sagot ko sabay upo na sa upuan ko.
"Asus kunwari ka pa kinikilig ka naman." Asar nito.
"Ofcourse not." Sagot ko.
"Nakakaloka ka ha. Bigla kang naging maarte. Ano yang change na din ng image? Bad girl na din?" Asar nya ulit.
"Hindi no. Wag ka nga makulit. Vince kausapin mo nga tong gf mo baka masapak ko to eh."
Tama kayo ng basa. Sila na po. Dahil tinatamad ang writer na ikwento pa ang love story nila isasummary ko na lang.
Nung 3 days na nawala ako nanliligaw na pala itong si Vince kay Ash. Pakipot pa ng bongga itong si bebest. Kaya kahapon lang naging sila.
Super summary no? Haha. Pasensya na sobrang tamad kasi talaga ng writer eh. Hayaan na natin. Walang future eh.
Mabalik tayo sa reyalidad.
Dumating na din ang teacher namin. Aral ng konti at ayun natapos na din ang klase.
"Hindi pala ako sasabay ha. Pupunta ako ng mall." Sabi ko.
"Bakit? Sama ako."
"Makikipag kita lang ako sa isang kaibigan."
"Sinong friend?" Tanong ni Ash.
"Papakilala ko sya sa inyo next time." Sabi ko.
"Oh sige. Alis na kami ni Vince. Mag inggat ka na lang." Sabi ni Ash.
Lumabas na din ako ng classroom.
Malapit na ako sa gate ng biglang may epal na sumulpot.
"Hatid na kita." Sabi nito.
"No thanks."
"Sige na may pupuntahin din naman ako malapit sa inyo kaya sabay na tayo."
"Sorry hindi pa ko uuwi eh. May pupuntahan pa ko."
"San naman?"
"Wala ka ng pakialam." Sabi ko sabay harap sa kanya. At dumiretso ng ng lakad.
"Donnie" "Faye" narinig kong sabay na tumawag sa akin.
Si Keith nasa likod ko at si Kenmark naman nasa harap ko.
"Kenmark. Sabi ko sayo sa mall mo na ko hintayin eh." Sabi ko sa kanya ng makalapit na ko.
"Gentleman kaya ako kaya sinundo na kita dito." Sabu nito.
Hinampas ko nga. "Para kang sira. Gentleman mo mukha mo."
"Aray. Ang sweet mo naman." Sarcastic na sabi nito. Parang narinig ko na yun.
Nagulat ako ng may humila sa kamay ko.
"Hey Keith ano ba." Sabi ko.
"Sino sya?" Sabi nito at masamang nakatingin kay Kenmark.
"Bro I'm Kenmark." Sabi nito at nilahad ang kamay sa harap ni Keith.
"Ah Kenmark." Dinedma nito ang kamay ni Ken.
Naalis ko agad ang kamay ko sa kamay ni Keith.
"Saan kayo pupunta?" Tanong nito.
"Wala ka ng pakialam. Halika na Ken alis na tayo."
"Sige bro alis na kami."
"Sino ka ba talaga?" Taning ulit nito.
"Boyfriend ni Faye."
Natulala sya sa sinabi ni Ken. Kaya naglakad na kami paalis.
"Bakit mo sinabi yun?"
"Para tumigil na sya. Oh diba ang galing ko?"
"Hay naku !"
Mukhang mas lalala pa ang sitwasyon nito. Tsk.
YOU ARE READING
KEITH: The well-known HEART BREAKER(activeUD)
RomanceThis just a story of a guy who loves hurting and break a girls heart. Then she meets a girl who can do evrything just to be with him even though she will be hurt in the end..
