⊱༻ 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 13 ༺⊰

Start from the beginning
                                    

Natahimik ito saka sumagot, maliit ang boses nito kaya alam kong inilayo niya ang cellphone niya sa bibig niya pero narinig ko pa rin ang sinabi niya. "Sweet naman ng boyfriend ko."

Hindi ko alam kung namali lang ako ng dinig. "Ano 'yon?"

Muling lumakas ang boses nito, hudyat na inilapit nito ang cellphone niya sa bibig niya. "Wala, sabi ko matulog na tayo."

"Paano tayo matutulog, 'di tayo magkatabi?" Biro ko.

"Huh?" Sagot niya.

Natawa ako saka napailing. "Wala sabi ko, matulog ka na."

Huminga ito ng malalim. "Okay, goodnight, na."

"Thank you for the time. Goodnight, beh." Narinig kong tumawa ito saka muling nagsalita. "Bye."

"Bye." sagot ko.

"I love you!" It was Von na sumali sa usapan namin ni Kiera, mukhang narinig ito ni Kiera, pero hindi na lang niya iyon pinansin at pinatay na ang tawag.

"Tangina mo, wala man lang pa-ilove you sa jowa mo," tawa nito saka ibinigay ang shot ko na siyang tinanggap ko. "Ano 'yon, 'bye'. Kung ako 'yan 'di ko siya gaganunin."

"Gago." sabi ko at hindi lang 'yon pinansin saka ininom ang shot ko at bumangon sa couch.

Nilingon ko ang bar counter nung mapansin kong wala na doon si Kevin. "Umalis na si Kevin?"

"Oo, nagpaalam nga sa'yo, 'di mo lang narinig kasi busy ka sa bebe mo." Saad nito at umupo sa couch saka binuksan ang smart TV ko. Hinanap niya ang YouTube saka nag search doon. "Iba talaga kapag may jowa na, kinakalimutan na mga kaibigan. Yawa kayo!"

Natawa ako nung marinig ko ang huling sinabi niya at naalala ko si Kiera.

"Bakit nagtatampo at malungkot ang bhie ko?" Biro ko sa kaniya habang ginagaya yung sikat sa internet ngayon.

"Kasi ikakasal na ako. Yawa!

Napatigil ako sa pag-inom ng shot ko nung sagutin niya ako ng seryoso.

"What?"

"Yeah, what," tila hindi siya nagpapaapekto sa sinabi niya. "Whatever."

"Hindi nga, bro?" Nag aalalang tanong ko sa kaniya

Tahimik lang ito saka nagpatuloy naghanap ng song sa YouTube.

"Oo nga, gago." I just looked at him. He looks tipsy since kanina pa siya umiinom.

"Kanino daw?"

"Hindi ko alam, hindi ko na tinanong." Now he looks frustrated. "Tangina niya talaga! Pakielamero, ampota!" Tukoy nito kay Tito Geron, he's Dad.

I sighed. Kaya pala siya nandito.

"What if, hindi ka pumayag?" Tanong ko.

"Hindi ko daw makukuha ang mana ko."

"'Yon lang."

Big deal sa kaniya ang mana niya dahil only child lang siya at 'yon na lang ang bagay na naiwan sa kaniya ni Tita Alma bago ito mamatay at gusto niyang pag ingatan 'yon.

Huminga ako ng malalim saka siya sinabihan. "Von, we're friends, you know that. And we're not getting any younger anymore. I think It's time for you to get married, na rin."

Tumawa lang ito saka pinlay na ang song ng Repablikan band.

I know him. Hindi niya mamasamain ang sinabi kong 'yon. Dahil gano'n siyang tao, marunong siyang makinig lalo na kung may point naman ang sinasabi ng nasa paligid niya.

𝐃𝐋𝐒 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDWhere stories live. Discover now