"Princess"
Ashley's POV
"Kya! Ashley! Ashley! Ayan na oh! Ihhh!! Simpleng tulad mooo~ Na na na na na.." sinabayan ng aking bestfriend ang vocalist sa pagkanta. Sabayan mo pa ang mala lindol at pagyugyog niya ng braso ko. "Pambihira naman, Krizza. Pwede ba? wag ka ngang mag-ingay." sabay irap ko sa kanya.
"Um, hello? Nasa Mars ka ba? Heler? Nasa concert tayo? Alangan naman tatahimik ako? Ano 'to? Misa? Tss.." sarkastiko niya pang sabi. Nako, kung di lang kita bestfriend.
Kinunot ko ang noo ko, "Heler din sayo. OA mo, di to concert noh. Nagpeperform lang sa school stage, concert agad?" mukhang di niya narinig ang sinabi ko dahil sa ingay. Pano ba naman kasi, dinumog- oh wait, let me rephrase that. DINUDUMOG 'tong gym namin tuwing magpeperform ang pinakasikat na bandang 'bh0SzXc,!'.
Deh biro lang, ang bandang 'Ahead'.
"Kya! Henry ikaw na ang Mr. Right koo!! Pakasal na tayo! Wahh!!"
"Sh*t! Nakangiti si Zane sakin! Nakita mo yun? Ihh!!"
"Binubuntis mo naman ako sa ngiti mo, Ashton! Kya! Panindigan mo!"
Packing tape, ano daw?
Ano ba namang mga fangirls yan. Nililibugan tuwing nginingitian. Abnormal na tawag diyan.
Natigilan ako sa pag-iisip pa ng ibang rhyming words ng bigla akong niyanig ng 10.5 magnitude na lindol sa braso ko. Isabay mo na ang buong katawan ko.
"Oh my freaking glob! Tanggapin mo, Ashley! Kya!" ano bang pinagsasabi nitong lokaret kong bestfriend? Tanggapin ang alin? Ang pagiging buntis ng isang fangirl ni Ashton dahil nginitian lang siya? No way highway!
Napalingon ako sa harapan ng stage. Yep, mala VIP kame ni Krizza dito. Adik yan eh.
Saka ko lang narealize kung ba't mala takas mental ang mga kababaihan sa gym.
Nakangiting nilahad ni Ashton ang kamay niya sa harapan ko. Tinitigan ko lang ito.
Walang namang dumi ah? Oh baka naman gusto niyang makipag-apir?
"Ah... Nangangalay na ang kamay ko dito." natatawa niya pang sabi. Mas lalong niyanig ang buong Araneta. Chos, ang buong gym. Lalo na't nakita nilang tumawa si Ashton.
Nakakunot ang noo ko the whole time. Ano bang pakulo nitong si Ashton?
"Uh... Sorry, Ashton ah. 'Tong bestfriend ko kasi, medyo slow." atsaka lumingon si Krizza sakin, "Babaita, nangangalay na ang kamay ni Ashton oh! Tanggapin mo na dali! Ikaw ang napili niya! Isasabay ka niya sa stage!" saka niya ako tinulak paharap. Hinawakan ko na ang kamay na kanina pang nangalay sa harapan ko.
Niyanig ang buong gym dahil sa pangyayari. Napalingon ako kay Ashton at sa banda niyang nagsimula nang kumanta ng panibagong kanta.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong gym. Lahat ng bleachers at upuan ay occupied. Pati mga faculty and staff nanonood. I can't blame them though, pati mga teachers namin napapahiyaw. 'Di na ako magtataka pag darating ang araw na magbebenta na sila ng platinum records.
"I made this song to all the girls out there... waiting for their prince charming." sabay kindat ni Ashton sa madlang pipol.
Ako lang ata ang nakabusangot the whole time. Ba't ba ako kinaladkad ni Ashton dito? Ano ba ang dapat kong gawin? Magmodel? Kumanta? Umutot? Ano?
"Oh girl.... you lookin' for your prince charming..
Wonderin' how you'll ever find him..
Oh girl, can't you see?
I'm the guy you want to be with happily..."
Pechay! Simula pa lang ng kanta, tumindig agad ang balahibo ko! Grabe ang boses niya. Nakakaiba. Isama mo pa ang kagwapuhang taglay niya, talagang namamanyak to ng mga kababaihan.
Nakatitig si Ashton sakin habang kumakanta. Nakakahypnotize ang mga titig niya. Magkahawak padin ang mga kamay namin. Napaiwas ako ng tingin.
Tinuon ko ang atensyon ko sa mga kabanda niya. Ang gagaling nila. Pang world class! Over na kung over pero yun talaga.
Nalipat ang tingin ko sa drummer nilang si Henry Lee. Pogi, matangkad, katamtaman ang katawan at chinito. Ang galing niya talaga tumugtog lalo na pag sinasabayan niya ang famous headbang niya, woo! Rock n roll mga tsong!
Ang gitarista naman nilang si Ero Santiago. Ero as in, 'Eh-ro' hindi 'Ih-ro'.
Aso yun, tao siya. Kung di mo yun kita, pa doctor ka na.
Ang sa keyboard naman ay si Andrei Zane Bumalik. O mas kilala bilang si Zane. Sa lahat, siya ang pinakadevoted sa banda. Loyal yan at di mang-iiwan. Kaya kung iniisip niyong aalis yan, malabo na yun. Kung aalis man siya, babalik din yan.
And last but not the least, si Ashton Labastida. Ang pinakagwapo sa lahat. I mean, lahat sila gwapo pero ang isang to ang nakakalaglag panty. At ngayong magkahawak kamay pa kami at kitang kita ko ang perpekto niyang mukha, laglag bra na rin.
Di ko na namalayan na kinakabahan na pala ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sh*t! Ang daming nakatingin sakin! Samin! Pano na kung may muta pala ako o kaya may kulangot? Ang haggard ko pa talaga! Nakakahiya! Huhuhu!
May mga tinging kinikilig.....
"Kya! Bagay kayo! Ash at Ash hahaha! Ayie!"
... At syempre may mga tinging akala mo papatay na ng tao.
"Nako, subukan niya lang talagang galawin yang Ashton ko! Hmp!"
Ngayong narealize ko na ang mga pangyayari, tsaka lang ako binisita ng kaba.
Natapos ang kanta at isang nakakabinging hiyawan, sigawan, hampasan, yugyugan, iyakan, kadramahan at ka-oayan ang naganap.
Binitawan ni Ashton ang kamay ko na naging dahilan para lumingon ako sakanya.
"If I can't be your prince charming....." napalunok siya.
"..... will you be my princess instead?"
Hindi ko alam kung parte pa ba yun ng kanta o performance nila. Basta wala na akong narinig kundi ang nakakabinging hiyawan ng audience at ang napakalakas na tibok ng puso ko.
