Chapter 1

20.5K 310 1
                                    

Excited na dahan dahan na lumabas ako ng unit ko pagkakita ko kay Santiago na nakatayo patalikod sa akin at may kinakausap sa Cellphone nya.

"Papunta na kami d'yan Keith wag ka nang makulit okay" lihim na kinilig ako nang madinig ko ang masculine voice ni Santiago.


Dahan dahan na inangat ko ang dalawang kamay ko papunta sa balikat nya nang muling magsalita ito.



"Really? Ba't di mo sinabi na dadating si Bernadette?" Nabitin sa Ere ang mga kamay ko nang magbago ang tono nang boses ni Santiago.



May sinabi ang kaibigan nya na si Keith na kinaigting ng mga panga nito.

Kinabahan tuloy ako ewan ko kung bakit.


"Stop it Keith wala na akong nararamdaman kay Bernadette okay! Matagal na kaming tapos nun iniwan nya ako at ipagpalit kay Jess pinili nya si Jess kasi mayaman ito that time at ako...." natigilan ako kasi di ko alam na may minahal pala ito at pinagpalit ito.


Di ko tuloy mapigilan tuloy na di maawa dito at mainis dun sa binabanggit nito na Bernadette.

Oppss dapat pala wag akong mainis sa kanya kasi kundi nya iniwan si Santiago my honey eh di walang Audrey and Santiago Loveteam.



"I gave her everything pero di iyun sapat para sa kanya she wants more at di ako ang makakabigay lahat nang yun kasi wala pa akong maipagmamalaki that time nag aaral pa lamang ako" muli natigilan ako sa sinabi nito.

Student pa lamang sya nung time na yun?

Eh Thirty three na sya ngayon ah!

Meaning mga thirteen or fourteen years ago pa yun?

Tagal naman maka move on nitong si Santiago my Honey ko hmmp!

Kaasar hah! Ako halos gumulong na sa nagbabagang uling para mapasagot sya pumunta pa ako nang bundok at pinagsigawan ang pangalan nya na mahal na mahal ko sya tapos ayaw nya pa din kasi eighteen lang ako that time and that was two years ago!

Imagine that!

Two freaking years nang pagpapakahirap ko mapansin at mahalin lang ako nang isang Santiago De Vera!

At kasasagot lang nya sa akin two months ago!

Tapos bigla papasok si Ex Girlfriend sa Eksena?

Tapos ano magkikita sila at mare realised nilang dalawa na mahal na mahal pa din nila ang isa't isa at iiwanan nila ang mga patner nila para magsama na sila?

Isang malaking No Way!


"Keith papatayin ko na ang cellphone ko kanina pa ako nasa tapat nang unit ni Audrey baka naiinip na si Brat" Brat ang tawag nya sa akin.

Ewan ko kung bakit yun ang pet name nya sa akin di naman ako brat.

Mabait naman ako, masunurin,
Mapagmahal na anak sa magulang ko,
Sa Boyfriend ko na si Santiago my honey.
Madami din akong kaibigan kasi charming ako at tapat akong kaibigan.

Totoo yun ah! Di ako nagbubuhat nang sarili kong bangko.

Nang pinatay na nito ang Cellphone nya ay mabilis na kumilos ako.

Agad na tumakbo ako pabalik sa may pinto para kunyari ngayon lang ako magbubukas nang pinto.


Tamang tama pagharap ni Santiago sa akin ay naka ready na ang Charming Smile para kay Santiago my Honey.


"Santi my Love" tili ko saka niyakap agad ito.

Lihim na kinilig ako nang masamyo ko ang pabangong gamit nya.

Lalaking ubod nang bango...

Ang sarap manyakin nang mahal ko hehe...

"Audrey I said stop calling me Santi I don't like that nickname" natigilan ako sa pagsamyo sa pabango nito.

Isa pa yan sa kinatataka ko kasi di ba pag Santiago ang pangalan natural mente ang palayaw ay Santi di ba?

Tapos ayaw na ayaw nya na tawagin ko sya nang Santi kakatampo lang...

Ngumiti ulit ako nang matamis dito at saka nag peace sign.


"Sorry Santiago my Honey nakalimutan ko" malambing na hingi ko dito nang paumanhin.

Huminga ito nang malalim at pormal ang mukha na tinanguan ako.

Hay kailan ko kaya makikita ang ngiti ni Santiago my Honey para sa akin?

Di man lang sya nangiti ni minsan lang sa akin tanging sa mga picture nya dati nun nasa College yata sya nangiti gwapong gwapo sya dun kasi boyish smile yun ngiti nya kaka inlove.

Dun ako unang na inlove...

Nung makita ko ang mga old pictures nya na nakangiti sya at masayang masaya yun puso ko pinana na nya kaya lang tagal na nun eh...

"Okay tara na at mala late na tayo sa party nina Keith" pormal ang mukha na Yaya nito sa akin.

Nakangiting tumango ako dito at masayang kumapit sa matipunong braso nito.

Ang Gwapo na ang Yummy pa!

TRAPWhere stories live. Discover now