Pano kaya kung magkaron na ko ng boyfriend?May magbago kaya?Malabo naman kasi ung mangyari at hindi rin papayag si papa pag nagka ganun.Sabi nga nya "Anak,wag kang magboboyfriend muna ha.Study first bago boyfriend,makakapaghintay naman yan eh."Hayyy,yan ang laging sinasabi ni papa.Kailan kaya dadating si Mr. Right?
"Uy,ang lalim ng iniisip natin ah"nawala ako sa iniisip ko ng dumating sya,,and best friend kong si Katie,baliw rin yan tulad KO,haha.
"Ha?Ahh wala yun.Nga pala,kamusta na kayo ng boyfriend mo?"biglang lumungkot yung mukha nya.
"Uy,sabihin mo nga,may ginawa ba syang masama sayo?"
"Haaa,wala.Ang saya ko nga eh kita mo oh:D.Nakipagbreak lang naman sya saken;("baliw nga talaga,may problema na nga nagagawa pang magbiro.
"Bakit daw?Anong sabi?"
"Ayun,,sabi nya,hindi na nya ko mahal.Pampalipas oras lang daw nya ko.Tapos sabi nya,may nililigawan na syang babae"at humagushos na nga sya sa kakaiyak.
" Mabuti naman at nagbreak na kayo"napabalikwas sya at napatingin ng masama sakin...
"I mean,ansama nung g*agong yun!San yun,bubugbugin natin?!"nanlumo nalang sya at di na ko sinagot...
Mag'aadvice pa sana ako ng pagkahabahaba sa kanya pero narinig ko na nagbell na para sa 3rd period ng klase.
" Katie"pagtawag ko sa kanya"balik na tayo sa classroom,3rd period na ng klase"nandito kac kami ngayon sa isa sa mga tambayan dto sa school namin...
Tumingin naman sya sakin galing sa pagkakayuko nya"Di ako papasok,ikaw nalang bumalik dun,makikita ko lang yung ex-boyfriend ko dun eh"Napatawa ako sa sinabi nya...
"Ahh,you mean di ka na papasok for the rest of the school year?Hahah"Napakunot naman noo nya sa sinabi ko...
" Kasi naman po,di naman magbabago na classmate natin c Clyde(yung boyfriend nya,ex-boyfriend)...pero ikaw,kung di ka papasok,mauuna na ko sayo"
Tumayo naman sya at nakayukong naglakad sa tabi ko...
YOU ARE READING
Always Afraid to Try
Random"You're just a commoner and not someone you think you are"
