Chapter 11 - "Victory Party"

Magsimula sa umpisa
                                    

BEEP! BEEP!

"Where to miss?", wow lang ha. Alam ko tong line na to ah. Titanic lang ang peg? Line to ni Jack nung nagtatago sila ni Rose sa sasakyan. Tapos.... Tapos.... Hinatak siya ni Rose dun sa likod ng sasakyan, tapos..... Waaaah! Ayoko na ituloy. haha!

"Waaaaahhh! Eyd naman ginulat mo ko eh!"

"Hahahaha! Bat kase naglalakad ka jan, nasan na si Jacob mo? Sakay na bilis!", at ayun nga sumakay na ko sa kotse niya. As if naman ang layo pa ng pupuntahan namin. Pagkasakay ko nagpark na rin naman siya. Hahaha! Pero at least may kasama na ko. Di ko talaga alam kung saan pupunta eh.

Nang makarating kami ni Eyd dito sa venue, ang dame nang tao. Nirent pala talaga to ng Fairmont para sa lahat ng college students. Todo party na ang schoolmates ko ngayon. Ang dame rin palang wild dito. Tsssss. Mga pahinhin effect pa sa school, mag bitch din naman pala to. Pero syempre, wala silang karapatang kabugin ang beauty ko noh!

"HOY GAGA KA! BAKET MO KO INIWAN DON!", =___________________= malamang si Jazz to di ba?

"MAS GAGA KA! Sinama mo ko don e wala naman ako napala! Walang kwentang relasyon! Nasan na ba yang boyfriend mo?"

"Nandon, kasama yong mga kaibigan niy-----"

"TALAGA????? NASAN SI CHAD?? :)))))))", nabuhayan ako ng loob dun ah.

"Wala! Wag ka nang maghintay. Narinig ko, may inaasikaso daw sa business nila. Di na dadating yun bestfriend."

Alam niyo ba yung excitement ko na hanggang langit, biglang lagapak sa inner core ng earth?

"Hoo! Si Chester nanaman, e nandito naman ako.", at sinumpong nanaman po ng kaartehan tong si Eyd the great ex of mine.

"Hoy Adrian Tancinco! Wag ka nga mag inarte jan. Wala ka nang pag asa sa bestfriend ko noh!", tignan mo naman tong si gaga, nag asar pa.

"Magtigil nga kayong dalawa jan! Tara! Let's party na!", awat ko sa dalawang kulang kulang na to.

Umorder na kami ng kanya kanyang drinks. Parang gusto kong magpakalasing ngayon ah. Pano naman kase, wala si Chad. Tapos, next week na yung flight papunta sa Singapore na tinanggihan niya. Huhuhu! Tapos bitter pa ko dito sa gagang bestfriend ko na inunahan pa kong magkaboyfriend! Although happy naman ako para sa kanya. Subukan lang tong saktan ng Maki na yon! Magkakasubukan kame.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon