"Wag mo nga akong dinadaan sa ganyan, di na nakakatawa, kita mo naman yung nangyari samin kanina ni Ae tapos ganyan ka pa" sumimangot ako

"Teh di ako nagbibiro, bakit natawa ka ba?"

pinalo ko siya sa balikat

"Uy teh sorry kung shungabels ka pero totoo sinabi ko, hindi bakla si Rose at may gusto siya sayo"

"Ibig sabihin hindi niya ako ineechos kagabi?"

"Anong kagabi? Nagkita kayo? Pano?"

"Pumunta siya sa bahay kagabi tapos sabi niya na wag ko na daw siya kakausapin dahil blah blah hanggang sa sinabi niya na hindi daw siya bakla, akala ko nagsisinungaling lang siya dahil nandun yung mga kuya ko"

"OH MY GOD!" napaatras ako sa gulat sa sigaw ni Zoe

"NAKITA NIYA MGA KUYA MO? AS IN SI KUYA ALY, ASA, ASE, ASI at ASO? so totoo sila?"

"tse" bumusangot ako

"Char lang, oh ngayon anong nangyari sainyo ni Fafa Ciel?"

"Mamaya na, baka nandyan na si Sir, lika na" nagsimula na akong maglakad ng hawakan niya ang kamay ko

"wait lang"

"Kwento ko nga sayo mamaya"

"Ipromise mo muna sakin na hindi mo papatulan si Aerith"

"Mukha ba akong pumapatol? kita mo ng walkout Queen ako kanina"

"ay sarreh sarreh, basta nandito lang ako sa tabi mo"

bumuntong hininga ako dahilan para mapatigil ulit kami sa paglalakad

"Anong drama yan teh? kala ko okay ka na?"

"Ganun ba talaga tingin sakin ni Ae? mukha ba talagang akong malandi?"

"Ano ka ba, like I said, nagseselos lang yun si Ae kaya niya nasabi yun, let's give her time to think of her mistakes then let's wait for her to say sorry"

"English 'yon teh"

"I know right? nirehearse ko pa 'yon kanina sa isip ko habang naglaloving loving kayo ni Fafa Ace"

"Oy grabe ka! hindi no! mali yang iniisip mo, grabe to, kala ko pa naman"

"edi ikwento mo na kasi"

"mamaya na nga"

Pagpasok namin ng room, iniwasan ko nalang na mapatingin kay Ae, pero itong si Zoe na paulit ulit nagpaalala sakin na wag papatulan si Ae ay siya namang irap ng irap.

Napabuntong hininga nalang ako. Ni hindi sumagi sa isip ko na magkakaganito kaming apat.

***

<lunch time>

Kung dati sabay sabay kaming apat maglunch, ngayon kaming dalawa nalang ni Zoe.

Pinagtitinginan parin ako ng mga estudyante, sa bilis ba naman ng tsismis sa social media, di na ako magugulat kung tinorture na nila ang picture ko o di kaya ginawan na ako ng Hate page ng mga nagkakagusto kay Ace

"oh dali, kwento na" masiglang sabi ni Zoe pagkaupo sa silya

Nandito kami sa canteen at tulad ng nakasanayan ay umupo kami sa mesa na apatan.

"Ano, uhmn. mamaya na, pagkadaan ni Ace" mabilis kong sabi ng makita na papalapit sa direksyon namin si Ace

Akala ko dadaan lang siya pero laking gulat ko ng umupo siya sa harap ko. Magkatabi kasi kami ni Zoe kaya may dalawa pang bakanteng upuan sa harap namin

IM READING HIS DIARY (ON HOLD)Where stories live. Discover now