𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 8

Comenzar desde el principio
                                    

Napakunot ako ng noo sa sinabi niyang 'yon.

"The one I reported to you because she works unprofessionally." Dagdag niya.

Nawala ang kalasingan ko nung maalala ko na ang binabanggit niyang 'yon, saka nagsalita. "Oh, I remember now. Yung babaeng crush na crush ka?"

Natawa si Howard na siyang inirapan ni Kevin.

Hindi lang ito pinansin ni Kevin bagkus nagsalin ng inumin niya.

Pinagmasdan ko si Howard dahil naalala ko yung about kay Kiera pero nagpaligoy ligoy muna ako.

"You, how do you met Ms. Jacinto? It looks like you have a past." Tanong ko.

“We’re schoolmate before I transferred to Clifford and we met again in HGC last month.” Diretso namang sagot nito.

Napangiti ako.

Then it was 15 years ago? He was a transfer student when we we're 15.

It's that even possible? Or was it fate?

Small world.

Nakikinig lang si Kevin habang napatango naman ako.

"Anyway, do you know Kiera?" Tanong ko.

Naningkit ang mata ni Howard, nakita ko namang naging curios si Kevin.

"Kiera, who?"

"Kiera Abrenica, I just saw that you we're her mutual friends in facebook." I said while drinking my shot.

Nag isip ito bago sumagot. "Ah, yes. Kiera, from Clifford Academy?"

Tumango ako at hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong uli. "Do you know her personally, or are you close with her. Do you follow her?"

Sunod sunod ang naging tanong ko. Nagulat na lang ako nung tumawa si Howard. "Chill bro, she's just my student for 6 semester. And as far as I remember, she's the one who sent a friend request to me."

Hindi ko pinahalata na nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niyang 'yon. Bakit ba minsan nakakalimutan ko, nag papart time nga rin pala si Howard as college professor sa Clifford Academy at least now, I know.

"'Di ba bata pa 'yon?"Sabi ni Howard saka nakakapanglokong ngumiti sa akin. "24 years old, I think?"

He's teasing me kaya agad akong nagrason. "'Wag mong bigyan ng meaning 'yon, she's just my little sister's best friend. I'm just curios if she's a good person."

"Of course she is." Agad na sagot niya at napangiti ito, "She's a very honest and innocent student I know. Okay lang bumagsak siya sa exam ang mahalaga hindi siya nangopya, she's not a cheater. Saka madalas kong makita sa library 'yon noon, para mag aral."

I smiled at the back of my head. Lahat ng tao sa paligid niya ganoon ang sinasabi tungkol sa kaniya.

Nagkibit balikat na lang ako saka nagsalin ng alak sa baso ko. Sinalinan ko rin sila at nagtoast kami.

Nainom ko na ang akin. Habang hindi naituloy ni Kevin na inumin ang kaniya dahil bigla siyang tumayo at umalis sa kinauupuan niya saka dumiretso sa DJ kung saan nakita namin na yung kasamang babae ni Haely ay naroon at sinasayawan na ang DJ na malagkit rin ang titig sa kaniya at sinasamantala ang kalasingan niya.

Handa na niyang hubarin ang sexy black tube top niya-siguro naiinitan siya dahil na rin sa epekto ng alak-mabuti na lang at napigilan agad siya ni Kevin sa balak niyang gawin.

Hinila siya ni Kevin palayo sa DJ, saka pinagsabihan. "That's enough, Angeli! You're drunk!"

Natawa ako sa nakita kong 'yon, parang siyang tatay, na pinapagalitan yung dalaga niyang anak dahil gumimik.

𝐃𝐋𝐒 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora