Galing sa prominenteng angkan ng Tsinoy conglomerate si Lance. Ngunit natuto itong maging independent simula ng mag aral siya ng Political Science sa King's College sa London. Pinapadalan siya ng monthly allowance $20,500 pero minsan nya lang ito gastusin, at mas pinili nya ang mag part time job bilang grocery packer tuwing weekdays, fruit picker pag weekends at student assistant naman kapag may pasok sa university.
Bumalik s'ya sa Pilipinas para magbakasyon, habang hinihintay ang kanyang acceptance letter sa Cambridge University para sa kanyang graduate studies.
Kung tutuusin ay pwede nyang gamitin ang impluwensya ng kanyang pamilya, para iwas hassle sa mahabang pila sa NAIA at ma expedite ang proseso sa Immigration. Kaso mas pinili nya ang magpaka normal.
"Wooh! Hindi ko inaasahan na ganito na pala kalala ang Maynila! Grabe! Sobra na sa init, pinalala pa ng mga buwaya na naka nganga sa loob! Tsk." Sabi nya.
Habang palabas ng Centennial Terminal ay may naaksidente syang nabunggo.
"Goddamit! You, asshole! Are you blind?!" Singhal ng lalaki.
"My apologies, sire. T'was a momentary lapse of judgment on my part, and I regret doing so.." Paumanhing sagot ni Lance.
Sinamaan lang ng tingin nung lalaki si Lance tska tumalikod at umalis.
Lumingon pababa si Lance at napansin nya ang Yellow Gold na bracelet na may kakaibang crest. Naisip niyang baka sa lalaki ito na nabunggo nya kaso, parang kabute naman ito at biglang nawala.
Sinuot na lang nya ito sa kanyang kanang wrist at wari'y sinukat dahil saktong sakto ito sa kanya. Sa gulat ay tinanggal nya ito ngunit siya'y bigo. May nakita s'yang parang susian sa gilid kaso, wala naman sa kanya ito.
"eh di wow" natatawang sabi ni lance sa kanyang sarili
Pagdating ni Lance sa Arrival Hall agad siyang sinalubong ni Mang Berting-isa sa mga family driver nila.
Agad kinuha ni Mang berting ang trolley na may lamang tatlong malalaking maleta at isang carry on luggage.
Dumerecho sila sa van at umalis papuntang Forbes Park.
"welcome back sir lance! How do you do?" Baluktot na ingles tanong ni Mang Berting kay lance.
Batid naman ito ni lance kaya sumagot ito ng maayos.
"ok naman po ako mang berting"
"Siguro sir lance, naninibago kayo rito noh? Mahigit apat na taon na rin yata nung umalis kayo rito sa Pilipinas.." tanong ni Mang Berting
"opo, mang berting, grabe. Ang laki ng pinag bago ng Pilipinas. Sobra sa init" sabi ni lance.
"naku sir, hindi ba kayo nasabihan na andito sa Maynila ang gates of Hell?!" sabi ni Mang Berting
"Hay, mang berting, ang korni ng joke nyo!" hindi pa naman kayo kalbo pero bakit nagkakaganyan na kayo?" bored na sagot ni Lance
Makalipas ang mahigit 30 minutes ay narating na nila ang Molave Street.
"Ganun pa rin rito. Walang Pinagnago." Ang sambit ni lance sa kanyang sarili.
"Maligayang Pagdating sir Lance!" Pambungad na bati ni Aling Belen. Sya ang mayordoma sa mansion. Sa kanya pinagkatiwala ang pamamahala sa bahay dahil busy sa negosyo ang mga magulang ni Lance.
Agad niyakap ni Aling Belen si Lance dala ng pagkasabik sa binate.
"ang laki mo na, anak!" nakangiting sabi ni aling Belen
"Oo nga po Nay Belen. Namiss ko po kayo, pati ang mga luto nyo. Heto po, pasalubong ko sa inyo" sabi ni Lance
"Ay nako naman anak, Makita lang kitang malusog, ligtas at masaya ay ayos na sa akin yon. Hindi mo na kailangang mag abala pa." sagot ni Aling Belen
"Nako nay, minsan lang po ako manglibre kaya tanggapin nyo na po. Padala nyo rin po sa apo nyo sa Bulacan. Nga pala po, asan ang Mum at Dad pati sina Ahia, Dihia at Achie?" Ani ni lance.
(*Ahia= kuya
Dihia= Diko
Achie=Ate
Amah= Lola
Angkong=Lolo)
"Sina Sir Henry at Ma'am Robina nasa Russia, yung mga kuya at ate mo, nasa office nyo. Teka anak, anong gusto mong pananghalian? Ipagluluto kita." Sabi ni Aling Belen.
"Kung ano po ang nakahain ayos lang po sakin nay. Hindi naman po ako pihikan kagaya nina Ahia at Achie. Tska balak ko pong pumunta kina Amah mamayang hapon sa Bulacan. Doon na lang po ako muna mag stay." Malungkot na sagot ni Lance
"O sige anak, mamahinga ka muna sa taas at tatawagin kita kapag naayos ko na ang hapag" sabi ni aling belen
Papunta sa kwarto ay napadaan siya sa grand staircase ng bahay at muli nyang nasilayan ang kanilang family portaits, suot suot ang traditional costumes ng lugar na pinupuntahan nila mula batanes hanggang zamboanga hanggang sa buong mundo.
Maluha luha nyang pinasok ang kanyang kwarto, humiga sa kama hanggang sa nakatulog na ito.
Ramdam ni aling Belen ang kalungkutan ng binata kaya agad nyang tinawagan ang Bestfriend nito na si Indigo Lopez Gozon. Anak ito ng may ari ng ABS-CBN at GMA Network.
Magkaklase ang dalawa simula Kinder hanggaang Senior High sa Xavier School.
"Hoy emoterang palaka! Ano to? Walang sabi sabi, bigla kang uuwi tapos ilang sandali, magmumukmok ka jan?! Join me and let's parteee! WOOOH" sabi ni Indigo
Bigla kasing pumasok sa kwrto si Indigo na siyang kinagulat ni Lance.
"Salamat sa warm welcome frend" sabi ni lance
"warm? Eh ang lamig kaya ng pagkakasabi mo?! Napipilitan frend?" Tara mag Valkryie tayo? OR sa Prive, Royal or sa Revel?" tanong ni Indigo
"Ayan ka na naman e, alam mo naming hindi ako mahilig sa night clubs." Naiinis na sagot ni Lance
"Wow frend, grabe ka! Ikaw na ikaw na! 4 years ka sa London tapos hindi ka nahawahan ng mga Briton sa pagkahilig sa clubbing? Pak na pak!" namamanghang sagot ni Indigo.
Openly gay si Indigo kaya bakas na bakas ang pagkamasayahin nito samantalang si lance naman tahimik.
"Anong balak mo at napauwi ka ng Pilipinas? Wag mong sabihing, may sakit ka? OMFG! Frend? Bakit ka naglihim? Natiis mo ako?!" Biglang sambit ni Indigo.
"Frend, halika rito, may sasabihin ako.." Malamyang sabi ni Lance
Lumapit si Indigo kay Lance sa may kama, nang biglang..
"Arrraaay!! Ok, Frend. I did not see that one coming! What was that for again?! Pero infairness, na miss ko ang pagbatok mo sa akin. Hahahaha! The last one you did that was like nung senior high pa tayo!" sabi ni indigo
"Ikaw, lukaret ka rin eh noh? Umuwi lang, may sakit na agad at mamamatay na?! di ba pwedeng nagbakasyon lang at na miss ko kayo?! Grabe sya oh!" nakangiting sambit ni Lance
"Aymishyu friend. Pramis" sabi ni Indigo at niyakap nya si Lance.
"Namiss rin kita." Sabi ni lance.
" Oi lance, what are your plans? Don't you dare tell me, na maghihintay ka ng forever rito sa kwarto mo para ma meet ang ever busy parents at siblings mo?" tanong ni Indigo
"Masyadong malungkot rito, balak kong pumunta kina Amah. Tutal, sa kanya naman ako lumaki. Hehe.." ani ni Lance.
"Well, my plans ka pala eh, o sha, mauna na ako.." text mo na lang ako anytime. At lilipad ako. Toodles!" pamamaalam ni Indigo
Pagkakain ng tanghalian ay nagpahatid na si lance kay Mang Berting sa Bulacan para magstay pansamantala sa kanyang Lola.
DU LIEST GERADE
Fate 命運
Fan-FictionMay mga bagay talagang kaya mo namang gawin. Takot ka lang subukan. -Anjo Zobel I'm stuck between, "ayoko na" and "kaya ko pa."- Lance Sy
