Chapter 10.2 "Kaasar!" (Revised)

Magsimula sa umpisa
                                    

Dahil sa pumasok na si Gail sa kwarto niya at mukha namang seryoso ito na sa kanya ipinadala ang lahat ng mga pinamili niya ay dinala na lang niya ang lahat ng mga pinamili niya sa kwarto niya. Matapos niyang mag-shower ay humiga na siya sa kama niya at napabuntong-hininga.

Bigla na naman niyang naisip si Gail at bahagya siyang naasar sa pinakitang ugali sa kanya ni Gail kanina.

"Tss. Ang daya talaga ng babaeng yun, pero halata mo naman na may gusto sakin. Pakipot pa." Bulong niya sa sarili niya habang naiiling-iling pa.

Mayamaya pa ay naisipan na niya ang matulog para maghanda bukas.

Kinabukasana ay maagang nagising si Gail. Matapos niyang mag-shower ay ang paghahanda ng breakfast ang agad niyang naisip kaya naman pumunta na siya sa kusina. Inakala niyang nandun na si Yohan at gising na pero ng makarating siya sa kusina ay wala naman ito doon.

"Tulog pa ba yun?" Tanong ni Gail sa kanyang sarili saka niya tiningnan ang hagdan pataas kung saan ang daan papuntang kwarto ni Yohan.

Mayamaya pa ay naisipan niya na pumunta sa tabing-dagat dahil baka doon pumunta si Yohan. Pumunta nga siya doon at hindi siya nagkamali. Nakita niya si Yohan na nakatayo lang sa buhanginan habang nakatingin sa agos ng dagat.

"Ano naman kaya ang ginagawa niya doon?" Tanong ulit ni Gail sa sarili niya kaya naman lumapit na siya ng dahan-dahan kay Yohan.

"Himala at wala ka ata sa kusina ngayon?" Bungad ni Gail kay Yohan kaya napalingon si Yohan kay Gail. Sandaling nakaramdam ng pagkailang si Gail dahil sa direktang tiningnan siya ni Yohan sa mga mata niya at seryoso ang mga tingin na iyon.

"Buti naman at nagisng ka na." Plain na tanong sa kanya ni Yohan saka nito binalik ang tingin sa karagatan.

"Ang layo naman ng sagot mo sa tinanong ko. Maaga talaga akong nagising ngayon kasi nga diba may lakad tayo at yun ang napagkasunduan natin?" Sagot naman ni Gail.

Bumuntong-hininga si Yohan saka humarap kay Gail. "Magbihis ka na. Aalis na tayo." Sabi sa kanya ni Yohan saka ito lumakad at nilagpasan siya. Nagulat naman doon si Gail kaya naman nakabusangot siyang kumapit sa braso ni Yohan at pinigilan ito sa pag-alis.

Always is Enough [Editing & Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon