Chapter 1

5.2K 108 2
                                    

Chapter 1

NAPAPIKIT na lang si Kean para kahit na paano ay maging maaliwalas pa rin ang pag-iisip niya. Nakaupo siya sa papag habang panay ang paghugot niya nang malalalim na buntong-hininga.

Nasa loob ng bartolina ngayon si Kean. Sa masikip at madilim na lugar kung saan ikinukulong ang mga preso na may ginawang kasalanan sa kapwa preso. Siya lang mag-isa dito kasama ang isang maliit na papag at toilet bowl. Ang ilaw niya ay nanggagaling sa liwanag na pumapasok sa maliit na bintana at kapag gabi, ang liwanag ng buwan at ang malamig na hangin ang yumayakap sa kanya.

Yes, si Kean Marie Medrano. Nakakulong siya sa bilibid dahil sa isang kasalanan. Pinatay daw niya ang kanyang mag-ina. Nakuyom niya ang kamao. Syempre ay hindi niya ginawa iyon! Na-frame up lang siya! Hindi niya magagawa na patayin ang pamilya niya. Nasa matino siyang pag-iisip kaya bakit niya gagawin iyon? Pero baluktot ang batas. Mga nabayaran ng may kapangyarihan ang mga humawak ng kaso niya kaya nadiin siya sa kasalanan na hindi niya ginawa.

Damn! Kung sino man ang totoong may kasalanan sa pagkamatay ng mag-ina ko, sisiguruduhin ko na ihahatid ko siya sa impyerno!

Napadilat siya ng mga mata. Pero kailangan niya muna na makatakas dito. Hindi na siya makakatagal pa dito kung saan pinagtatangkaan ang buhay niya. Kaya nga siya nandito sa loob ng bartolina ay dahil may nasaksak siyang kapwa preso. Paano meron itong improvised na ice pick. Ang gamit nitong panaksak ay isang stainless na kutsara na hindi niya alam kung paano nakapuslit sa loob dahil bawal iyon, pinatulis niyon ang dulo ng kutsara para maging matalim.

Kanina ay nasa basketball court siya at nanunuod sa mga naglalarong kapwa preso nang biglang may tumakbo palapit sa kanya. Puntirya nito ang puso niya. Mabuti na lang at naagapan niya. Naagaw niya ang patalim at ito ang sinaksak niya. Binigyan niya ito ng gripo sa tagiliran at ngayon ay nasa ospital. Ang sabi ay kritikal daw ang lagay dahil may natamaan na vital organ.

Napangisi siya. Wala siyang pakilam kung mamatay ang kakosa niya. Mabuti nga iyon para mapunta na ito sa impyerno nang tuluyan. Pero kailangan niya pa rin na makatakas. Alam niya na may susunod pang magtatangka sa kanya at nakaabang lang ang mga iyon. Kailangan niya na mag-ingat.

Pero paano ako tatakas?
_____

TATLONG ARAW. Ito ang itinagal ni Kean sa loob ng bartolina at ngayon sa wakas ay nakalabas na rin siya. Pero hindi maaari na dito pa rin ang bagsak niya. Kaya naman habang nasa loob siya ng selda niya ay nag-isip siya ng paraan upang maisahan niya ang mga bantay ng kulungan.

Pinalipas niya muna ang ilang araw saka niya ginawa ang plano niya. Nasa bulwagan sila ulit at kumakain nang bigla siyang napahawak sa kanyang puso Anyong masakit ang puso niya. Nahimatay din siya at naging dahilan iyon upang ilabas siya at dalhin sa hospital.

Nang nasa labas na siya ay doon na niya ginawa ang pagtakas...
_____

"THANK YOU." Nakangiting sabi ni Odessa sa cashier kung saan bumili siya ng cake para sa first monthsary ng kanyang boyfriend na si Third.

Napangiti siya nang maalala ang kasintahan. Sigurado na matutuwa ito kapag dinalaw niya ito sa condo unit nito. Ngayon pa lang ay ini-imagine na niya na maaabutan niya itong natutulog sa kama nito at gigisingin niya ito sa pamamagitan ng paghaplos sa pisngi nito at...

Bigla siyang kinilig. Paano ay iba na ang tumatakbo na sunod na eksena na maaari niyang gawin. Well, hindi naman niya masisi ang sarili kung maging pliya man siya pagdating sa kanyang nobyo. Third Zafra is a handsome guy. May pagka-boy next door ang peg nito at iisipin ng iba na isa itong happy go lucky guy pero hindi dahil isa itong tanyag na abogado. Sa prospesyong ito ay mas lalong nai-in-love si Odessa dahil kapag nasa loob na ng korte si Third ay nagiging seryoso ito, 'yon bang parang nag-iiba ang aura nito.

Shower Me With Your Love (Approved under PHR)Where stories live. Discover now