"Ms. Tomlinson!"
Napabalikwas ako ng pagkakaupo sa sigaw ni ma'am Alvarez.
"Y-yes ma'am " nauutal utal kong tanong. Nakatulog pala ako.
"Bakit ka natutulog sa klase ko?" Sabay hampas nya sa mesa ng upuan ko. Oh god! im in danger!
"Ah eh.... i k-kasi p-po... "
"Kriiiiiiing" (bell)
Phew! Kamuntikan na! I'm saved! Huraay!
"Ms. Tomlinson, in the principals office! Now! "
"Ha!"
😮😦😧 (⊙o⊙)
"P-pero ma'am "
😨 QoQ
"Wala ng pero-pero! Labas! " turo nya sa pinto.
😭 ~>_<~
T_T
"ma'am di kona po uulitin, patawarin nyo po akoooo! Waaaah " pagmamakaawa ko at hinawakan kopa ang braso nya.
"Bitawan moko!" Tinapik nya ang kamay ko "pangatlong beses mo nang sinabi sakin yan kaya sa tingin mo maniniwala pako sayo? " galit nyang sabi. Huhu wala syang awa.
"Waaaah ma'am, please wag po. Di kona po talaga uulitin Pangako " tapos nag taas ako ng kanang kamay.
"Sa principals office. Now! " sigaw nya ulit at umalis.
Huhuhu anong nang gagawin ko ngayon? Pangatlong beses ko na tong pabalik balik sa principals office. 😞 tyak magagalit ang ate nito huhuhu.
"Haha suki kana ata ng principal anne ha! Haha ano? Nagkaka patawaran din ba kayo? Hahaha " sabi ng kaklase kong si Glenn na sinabayan pa ng iba kong mga kaklase!
Tumayo ako.
Aba akala mo naman-
😠 "ABA! MAKAPAGSALITA KA AKALA MO NAMAN DI KAPA NAKAPASOK SA PRINCIPALS OFFICE!! LE*HE!!" saka ako nag walk out! Ang yabang! Eh sya nga din, ilang beses nga ding mapasok dun.
Naglakad ako sa hallway at habang palapit ako ng palapit sa pupuntahan ko, mas lalong bumibigat ang mga hakbang ko. Hanu bayan! Kinakabahan talaga ako. Iniimagine ko palang ang mukha ng principal namin, naninindig na ang mga balahibo ko. Pssssh! Nakakatakot kasi yun eh.
Masyado akong nag focus sa lecture ni ma'am kaya nakatulog ako hihi
Parang lullaby kasi ang mga boses nila sa twing magtuturo sila. NAKAKA ANTOK.
Di ko namalayan ang nilakad ko dahil nakita ko nalang na nasa harap na pala ako sa pinto ng. "Principal Office" nakalunok ako ng laway ko bigla nanginig ang nga tuhod ko. Di naman siguro ako naiihi ano??
Nang mabuksan ko ang pinto, tumambad sakin ang mga mukhang.... Celine, Anthony, Brad, at ang principal na si ma'am Anderson .
Teka.... anong ginagawa ni ate dito?
"Annie? Anong ginagawa mo dito? " tanong ni ate Celine sakin na nakakunot ang noo.
"Well, pinatawag ko sya dahil pangatlong araw ko na syang nahuhuling natutulog sa klase ko " singit ni ma'am Alvarez na kakapasok lang galing sa pinto ng isa pang kwarto.
"Ms. Tomlinson, maupo ka " sabi ni ma'am Anderson at tinuro nya ang upuan sa harapan ng mesa nya.
Nakayuko akong umupo sa upuan para maiwasan ko ang tingin sakin ni ate! Im dead. Nakaupo sya sa katapat na upuan na katapat ko kaya nakikita ko parin sya sa peripheral view ko. May halong galit at pagtataka ang expression nya. Huhu.
Nawala tuloy ang takot ko kay ma'am Anderson at nalipat yun kay ate.
Nakaupo sa sofa sa right side malapit sa pinto sina Anthony at Brad at may binabasa lang na mga papers.
"You're sister's right? " tanong ni ma'am Anderson samin na tinuro nya pa ako tapos si ate.
Napabuntong hininga lang si ate bago sumagot "yes ma'am" at tumingin sakin na parang na dismaya. Napayuko nalang ako.
Eh ano na naman ba? Ikukumpara na naman ba nila kami!
"I see..." tapos tumango sya "Ibang iba sya sayo" 😔 sabi na ehhhhh.
*****
"Haha ang cute ng basurera natin Oh" sabay turo sakin ni Glenn saka tumawa ng malakas.
Tiningnan ko lang sya ng masama. At di na pinansin at nagpatuloy nalang sa ginagawa.
Oh kay saklap ng buhay ko ngayon! Para akong batang walang magulang at tinapon sa lansangan na walang gustong umampon kaya eto nalang ngayon at namumulot ng basura ! Oh kay lupit ng tadhana!!
Andito ako sa canteen ngayon at gaya nga ng sinabi ko, namumulot ako ng basura. Tsk! Buti nga eto lang naging punishment ko dahil nakiusap si ate sa principal na bibigyan nalang ako ng task para matutu nako. At ito nga natututu nako mamulot ng basura at ilalagay ko sa trashbag na dala ko. Huhu wala silang awa sa walang muwang na ako. :(
Nagme meeting daw kasi sina ate doon at tyempong napasok naman ako. Haaay buhay, parang life.
Tiis-tiis din anne, dahil ayaw mo naman ma suspend ng two weeks diba? Huhu hirap nanga akong mag adjust sa grades ko na halos perfect attendance nako para pambawi sa grades ko at syempre, makakuha manlang ng kahit kunti ng KAHIT KUNTIng kaalaman manlang sa isang araw. At least diba? Merong KUNTI kesa wala? Haha
Kakaisip ko ng kung ano-ano, napangiti nalang ako ng kunti dahil yes! Malapit nakong matapos!
Lumakas ang fighting spirit ko pero napatigil ako ng may nakita akong nahulog na balat ng junk food na nilagyan ng crumpled papers sa loob na halatang malinis pa at walang sulat.
Tumingin ako sa pinaggalingan nito, nakita ko kaagad ang mamahalin nyang Gucci bag na napaka kintab ng kulay at kapansin-pansin (gaya ng laging gusto nya, ang laging napansin) na nakasbit sa braso nya at ang damit nyang napakalinis na sadyang mamahalin din. Sapatos na pink na 3inches pero bumagay sa kanya dahil sa tindig nya, naka make-up sya ng light na simple pero elegante. Napaisip ako. Spoiled na sya.
"Ops! Haha nahulog. Paki pulot nalang at paki lagay sa bag mo" sabay turo nya sa hawak kong trash bag.
Di parin sya nagbabago.
Di ako nagsalita, tumalikod ako saka naglakad ng dalawang hakbang para sa distansya saka tumingil.
"Basura mo, pulutin mo. Mag aral ka pano Maging malinis hindi lang sa pananamit, kundi pati narin sa ugali. Kung kaylangan mo ng trashcan, marani jan sa tabi-tabi baka gusto mong ikaw mismo itapon ko?" saka ako nag smirk at kinaladkad ang trash bag na dala ko.
Narinig kong tumawa ang mga nakarinig at nakakita na kumakain sa canteen. Di ko sila pinansin.
Halatang na offend si Suzanne dahil narinig ko din syang nag smirk na tipong inis na inis!
"Ikaw ang mas bagay na itapon sa basurahan dahil mukha kang basura! " sigaw nya sakin kaya napatigil ako at tumingin sa kanya na walang bahid na expression sa mukha.
"Oo Basura nga ako pero may HALAGA. Di tulad ng iba Jan, di nga mukhang basura, galing naman sa trash can" sabi ko at tuluyan nangang umalis.
Ang ganda ng bati namin sa isa't-isa no? Ang sweet namin.
