true sad love stories tagalog -1

Start from the beginning
                                    

Naaalala ko pa ang mga sandaling nahulog ako sa puno nang subukan kong sagipin ang isang kuting dahil umiiyak si Sam nang makita itong nakasabit sa isang sanga. Nakipag suntukan na rin ako sa mga malalaking bata nang lokohin nila si Sam at paiyakin nila ito at nagkaroon ako ng malaking black eye at pasang pisngi. Naalala ko pa noong umiiyak si Sam habang nilalagyan niya ng Yelo ang pasa ko sa mukha at mata pagkatapos ay binigyan niya ako ng GET-WELL KISS. Ginawa ko ang lahat para mapasaya siya at ibinigay ko sa kanya ang lahat ng kanyang maibigan at gustuhin.

Ang lawa ang aming paboritong tambayan. Madalas kaming maligo tuwing sabado at iyon ang aming nakagawian na. Nagbabalot kami ng pagkain at kinakain namin iyon sa ilalim ng puno ng akasya. Merong nakatumbang puno roon na ginawa naming upuan. Doon ay madalas kaming nagkukwentuhan ng aming mga pangarap. Gusto niyang maging ballerina at alam niyang pangarap kong maging Doktor. Hindi niya ako pinagtatawanan sa pangarap ko bagkus ay sinasabi nya pang abutin ko ito. Iyon ang dahilan kong bakit higit ko pa siyang nagustuhan.

Sa pagdaan ng mga taon, napapansin kong ang pagtingin ko sa kanya ay unti unting nagbabago. Akala ko noon iyon ay isang simpleng paghanga lang. Subalit nang mag-umpisa nang maisip ko siya tuwing gabi at mapanaginipan tuwing pagtulog at gusto kong lagi siyang makasama, inisip kong iyong ay kakaiba. isang pakiramdam na hindi maipaliwanag subalit nagbibigay sa akin ng isang masayang pakiramdam. Nagagawa nitong akoy sumigla sa bawat pagkakataong nagdidikit ang aming mga kamay, nararamdaman ko ang kakaibang sensasyon sa aking gulugod. Minsan pag kami'y naliligo sa Lawa at pasan ko siya sa aking likod patungo sa pampang ay tila ayaw ko na siyang bitawan. Nais kong magpatuloy ang ganung sandali at hinahangad kong huwag nang matapos.

Hanggang sa ma-realize kong unti unti na akong umiibig sa aking Bestfriend.

Maraming beses na pilit kong ikinakaila ang nararamdaman ko sa kanya, natatakot ako sa tuwing maiisip ko ang kahihinatanan kung aaminin ko ang nararamdaman ko sa kanya. Natatakot ako dahil baka isipin niyang pinagsasamantalahan ko ang aming pagkakaibigan. Natatakot akong mawala siya kaya itinago ko ang aking nararamdaman.

Tumuntong kami sa edad na labing anim at napansin kong araw araw ay lalo siyang gumaganda. Nasasaktan ang puso ko sa tuwing napapansin ko ang mga lalaking nakatitig sa kanya. Gusto ko silang suntukin sa ilong habang pinagmamasadan silang nakikipag-usap sa kanya at nireregaluhan siya ng bulaklak at chokolate. May pagkakataong pinagmamasadan ko siya sa malayo habang magkahalo ang galit at sakit. Masakit sa akin na marami akong gustong sabihin subalit hindi ko pwedeng gawin. Maraming regalo ang gusto kong ibigay sa kanya subalit hindi ko magawa dahil maaring kaibigan lang ako para sa kanya.

Isang araw nalaman ko na lang sa isang kaibigan na meron na siyang kasintahan. Nong una'y pinilit kong paniwalain ang aking sarili na iyon ay isang bali-balita lang. Ang kanyang kasintahan, si Mark, isang sikat na senior at isang heartthrob sa aming campus. Siya bilang isang Cheerleader ay malapit sa Basketball team na kung saan Kapitan si Mark. Nang makita ko sila isang hapon habang naglalakad sa parking lot ay naramdaman ko ang unti unting pagdurog ng puso ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak. Ang bigat sa pakiramdam na tila pasan ko ang lahat ng problema ng daigdig. Nakita ko siyang kumaway sa akin subalit nagkunwari akong hindi ko sila napansin sapagkat natatakot akong makita niya sa aking mga mata ang sakit at pagseselos na nararamdaman ko sa loob.

Ang mga sumunod na araw ang ang pinakamalungkot na araw sa aking buhay. Nagdurugo ang puso ko sa tuwing sasabay siya sa akin sa paglalakad pauwi na nasa tabi niya si Mark. May pagkakataong gustong kong hablutin siya palayo dito sa tuwing makikita ko silang magkasama sa hallway. Masakit na makita ang babaeng gustong gusto mong makamit na ngayon ay pag-aari na ng iba. Ang natatanging ngiti na kinasasabikan kong ipukol sa akin, ngayon ay para na sa kanya.

Subalit isang araw bigla silang naghiwalay. Pinuntahan niya ako isang gabi at umiyak siya sa aking balikat. Nag-away sila at humantong sa kanilang paghihiwalay. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko sa loob. Masaya ako dahil malaya na siya at maaring magkaroon na ako ng pagkakataon na sabihin sa kanya ang aking tunay na nararamdaman. Subalit naiinis rin akong isiping maaring nagdadalmhati ito dahil sa pagmamahal niya kay mark. Sa mga oras na iyon ay hindi ako sigurado kung ano ang gusto kong gawin. Hinayaan ko na lamang siyang umiyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

true sad love stories tagalog -1Where stories live. Discover now