Halos mabali ang leeg ko nang mapapadaan ang sinasakyan kong coaster sa isang karendeya papuntang Zapote. Araw araw sa perhong oras nasisilayan ko sya suot ang manipis na t-shirt at apron habang nag-hahain ng ulam at kanin sa mga costumer nila. Napaisip ako kung napapansin kaya nya na sa araw-araw na pag daan ko ang malaswang titig ko sa katawan nya? Malinaw na malinaw pa sa isip ko ang kintab ng kanyang buhok, ang mala-labanos sa puting mga hita at ang malulusog nyang hinaharap. Nagsimula nanamang maglikot ang imahinasyon ko kahit na sandali ko lang syang nasulyapan kanina. Ngiting aso nang pumara at bumaba. Lutang. Sa daming beses na nakita ko sya bakit kaya di ko sya magawang puntahan, di naman ako torpe. Bakit kaya di ako nagpakilala o inalam manlang yung pangalan nya para i-stalk o i-add sa FB. Baka nakuha ko pa yung number nya kung kumain ako ng madalas sa karideryang pinagtatrabahuan nya. Sa kinis nya malamang sa kanila yung kainan na yon. Dali dali akong nagpasya. Tawid sa kabila. Lakad ng kaunti. Sakay ulit sa papaalis na coaster. Parang may mga elepanteng nag tatalon sa dibdib ko habang nagbibyahe papunta sa kanya. Nag bubutil na rin ang pawis sa noo dala na rin siguro ng maalinsangang panahon at init ng araw. Buo na ang loob ko. Magpapakilala na ko sa kanya. Naniniwala ako na kung kayo ang para sa isa't isa kailangang may isa sa inyo ang gumawa ng unang hakbang o paraan para sa kinabukasan nyo na magkasama. Habang papalapit ang sinasakyan ko sa kainan, papalakas din ng papalakas ang kabog ng dibdib ko. Parang lumalaki ang ulo ko. Sya na nga ba? Sana sya na nga. "Para!". Habang papalapit ako ng papalapit. Iniisip ko kung panong banat ang gagawin ko. Ano kayang diskarte ang pwede. Pukang ama bakit ba ngayon lang ako nag isip. Wala nang atrasan to. Bahala na si bathala. Bago pa man ako makapagsalita. Nanlumo na ko. Ngiting aso nanaman. Bakas sa muka ang pait at pagkagulat. Tuloy tuloy ang paglakad. Mabilis. Papalayo ng papalayo ng makita ko ang munting laman na nakabukol sa pagitan ng kanyang mga hita.
YOU ARE READING
Balingkinitan (Short)
RandomAnother short (ano pa nga ba). Pagtyagaan ang nakayanan.
