Nakakatakot na Paghaharap

730 22 16
                                    

Totoo talagang nangyari to pero may halong kathang isip ko lang . Gawan ko daw ng story. Ang ewan kasi nung nangyari sa akin e. hahaha. Wala lang talaga to XD

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sem break na noon, tapos na ang second quarter exams. Ang saya saya namin. E di umuwi ako sa dorm, hindi pa ako uuwi sa totoo naming bahay kasi kailangan ko pang umatend para sa practice ng intrams though wala naman akong sports, ipapasa ko lang talaga yung waiver ko para sa field trip at saka gagawa kami ng project. 

Gabi na at nagla-laptop kami ni Viel.

"Nood tayong movie!" Sabi niya sa akin.

"Eeeee wala naman akong movie e. Napanood ko na lahat!" Sagot ko sa kanya medyo tinatamad ako e. Wala ako sa mood kasi hindi kami pinauwi nung mga magulang namin. Hindi na naman regular klase namin bukas e. Aatend lang ako para sa project namin kaso ayaw nila kaming pauwiin kasi sayang sa pamasahe at saka maaga daw papasok. OKAAAAAY.

"Flipped na lang!"

"Ayoko nun! Ilang beses nang napanood e. . .  AY si Geneva daw may movies bili tara sa kanila!"

"Sige tara!"

"Wait lang download muna tayo, anong magandang movie?" Sabi ko kay Viel, wait ako nga pala si Ivy.

"Ewan ko."

"Search na lang tayo."

E di yun nga nagsearch kami hanggang sa madilim na e di hindi na kami nakapunta kila Geneva. Mga 9:00 pm na yata nun nang bigla kong naalala na hindi pa nga pala ako nakain since uamaga pa nakalimutan kong maglunch e pero medyo nagsnack naman ako so pumasok ako sa loob. (Medyo sa terrace nga pala kami nagla-latop para makasagap ng wifi. Hindi kasi abot sa loob yung wifi e.)

Pumasok na nga ako sa loob tapos sumandok ako ng kanin tapos kinuha ko yung baso ko at magtitimpla ako ng gatas.

"Wag kang titingin!" Biglang sumigaw si Viel andun na pala siya sa loob. Malamang natakot ako! Sobrang panic mode tapos umikot ako, hinanap ko ang gagamba. Syempre inassume ko na spider yun kasi bigla na lang siyang nagsalita ng ganon.

Pagtingin ko sa taas ng pinto, ayun na nga! Grabe super huge talaga as in define huge! E di yun nawalan na ako ng ganang kumain. Parang naugatan ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw as in feeling ko pag gumalaw ako gagalaw din yung spider at lalapit sa akin. 

"Lumabas ka na bilis!" Sabi ni Viel

"Ayoko! Andun siya e! Paano ako lalabas? Dapat kasi pinalabas mo muna ko bago mo sinabi e!" Sobrang naiiyak na ako, nagcrack  na yung boses ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

Sinubukan kong gumalaw at lumapit sa pinto pero bumabalik at bumabalik pa rin ako sa kinatatayuan ko. Parang may humihigit sa akin papalayo sa spider. 

"HUHUHUHU VIIIEEEEEL, hindi ko talaga kayaaaa! anong gagawin kooooo?! HAHAHAHUHUHAHA" Hindi maintindihan kung iiyak ba ako o tatawa. Sobrang takot na takot talaga ako kaya naiiyak ako pero natatwa ako sa sarili ko kasi nagiiyak ako dahil lang sa gagamba.

Okay, this is really is it! Tumakbo ako papalapit sa pinto pero bumalik pa rin ako. Grabe hindi talaga. I'm going to suffer there forever! Magtitigan na lang siguro kami nung spider. E di syempre nakatitig lang ako s spider na motionless tapos! OH MY GOSH! Bigla siyang gumalaw! At kasabay ng paggalaw niyang iyon ang pagbuhos ng luha ko. Sobrang takot na talaga ang nararamdaman ko!

Eto na talaga kung hindi ako lalabas dun maghihirap talaga ako ng bonggang bongga! Bakit naman kasi kailangang nasa may pinto pa siya nakapwesto e. Pwede namang sa may CR or somewhere far far away! Eto naaaaa!

Yes! success! Nakalabas ako! Wohoo! Tinawagan ko agad yung nanay ko.

"Ma, ayoko na dito, uuwi na ako." Sabi ko habang naiyak

"HA?! BAKIT?! Bakit ka naiyak?" E di syempre tarantang taranta naman yung nanay ko.

"E kasi may spider dun sa loob. MAAAAAA, ayoko na dito! Aa naman e!"

"Ano pupunta na dyan ang papa? Susunduin ka na?"

"...." Gusto kong sunduin ako pero syempre sayang naman sa pera kung pupuntahan ako dahil lang sa spider.

"E kung susunduin ka daw ngayon, hindi ka na daw papasok bukas."

"HA?! E kailangan kong pumasok bukas." Gagawa nga kami ng project e.

"O e pano? Tawagin mo nga si Nene" Si Tita Ne yung kasama namin sa dorm

Ayun pinapapatay ni Mother yung spider kay tita. Ayokong patayin niya dahil feeling ko hindi naman yung mamatay makaktakas lang yun e di andun lang siya sa bahay forever.

"WAG NIYO PONG PAPATAYIN! IT'S IMMORTAL!" Sabi kp, syempre naiyak pa din ako.

"E anong gagawin ko?" Sabi ni Tita.

Umalis na lang ako dala yung cellphone, nagpunta ako sa bahay nila Mark, kapitbahay namin. Wala si Mark sa bahay nila pero bukas yung bahay nila kasi nakikinood si Tita. Habang nandoon ako sa bahay naririnig ko ang pagpatay nila dun sa spider. Yung tunog ng walis, ang mga boses nila. Sa pakikinig kong iyon naiyak na naman ako. Feeling ko fail yung pagpatay nila, feeling ko  hindi nila napatay.

"O ayan ha, kitang kita mo naman Viel patay yan ha." Narinig kong sabi ni Tita.

Haaaay, yes it's dead! akala ko mamatay na ako sa takot! okay I'm safe. 

Ayun na e di kumain na ako at nanood kami ng Perfume: A Story of a Murderer. Nakuwi na rin si Mark at sumali siya sa panonood.

THE END

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayun lang po ang mga kahihiyan ko sa buhay :))

may arachnophobia po kasi ako e. Sorry kung gusto kong ipapapatay yung sipder. I was just so terrified, thought I was going to die. 

Nakakatakot na PaghaharapWhere stories live. Discover now