To My Dearest Family,
Dearest nga ba?Naging mabuti nga ba kayong pamilya sa akin? Oo ata, kasi kayo yung nagpapakain sa akin three times a day. Kayo rin yung napagkukunan ko ng pangplantsa sa uniform kong gusot,kayo rin yung nagbibigay sa akin ng pambili ng gamit sa eskwelahan. Pero alam nyo, kahit na kayo ang nagbibigay ng lahat ng mga pangangailangan ko, Kulang eh, hindi sapat.
Hindi ko naman kailamgan ng materyal na bagay at lahat ng binibigay nyo eh. Alam nyo kung bakit? Ni minsan ba naipadama nyo na mahal nyo ko at kabilang ako sa inyo? Na ako'y anak,kapatid,at kamag-anak ninyo? Pakiramdam ko kasi isa lang akong aso na dapat sumunod sa inyo eh. Pakiramdam ko isa lang akong palamunin at sabit sa pamilya nyo.
Akala nyo ba,masaya ko sa mga binibigay nyo?Well,oo. Sumasaya ako ng panandalian. A minute, an hour, a day.Pero alam kong may kapalit yun eh. Alam komg kinabukasan balik alila na naman ako.Balik aso na naman ako.
Mabuti pa nga yung slave sa mga nababasa ko eh,mabuti pa yung mga maid na nakikita kong nagtatrabaho,Mabuti pa yung janitor na naglilinis. Lahat sila alam kong pinapahalagahan ng mga amo nila. Ako ba,may halaga?
Mama?Alam mo ba na lagi kong hinihiling na kapag nagkasakit yung isa sa mga kapatid ko hinihiling ko sa mgasanto pati na rin kay papa god na sana,ako na lang?
Gusto ko kasing maramdaman na alagaan mo ko eh, gusto kong maramdaman na nagaalala ka sa akin. Gusto kong malaman kung kagaya ba ng pagmamahal mo sa mga kapatid ko yung pagmamahal mo yung pagmamahal mo sa akin.
Sobrang tuwa ko nga nung magkasakit ako eh, oo masaya pa ako imbis na mainis o malungkot, actually sinadya ko yun eh. Hindi ako kumain,Hindi ako natulog,nagpalipas ako ng gutom.Oo ma, Alam kong mali at alam kong magagalit si papa god sa pinaggagagawa ko. Pero ma,itinanong ko sa sarili ko kung magagalit ka rin ba? Kasi pag nagalit ka matutuwa pa ako. Kasi kahit papaano alam komg kahit galit ka eh nagaalala ka.
Pero ang sakit ma, oo nagalit ka.Ginusto ko yun. In fact pati sina ate at kuya nagalit eh. Kaya lang mama nagalit ka hindi dahil sa nagaalala ka sa kalagayan ko. Pinamuka mo pa sa akin na ang b*bo ko,na t*anga ako, na napakag*go ko.
Akala ko nga aalagaan mo ko eh gaya ng ginagawa mo kina ate. Akala ko ipapacheck-up mo din ako dahil sa kalagayan ko,kasi ma,naalala ko nung may sipon at ubo yung nakababata kong kapatid iainugod mo agad sa ospital, malakas ang buhos ng ulan at sumugod ka para dun. Naisip ko nga that time na sana ako na lang si Flin. Na sana ako na lamg yung isinugodo dun.
Hanggang sa nalaman ni papa yungkalagayan ko. Sorry pala ma ha? Hindi kita natulumgan para hindi kayo maghiwalay ni papa. Alam komg mali 'tomg gagawin kong pagkukumpara sa inyo ni papa pati ng mistress mya pero pagpasensyahan mo na ha?Gusto ko lang limawin sayo,baka kasi marealize mo yung pagkukulang mo eh.
Mabuti pa si papa,nung nalaman nyang may sakit ako pina check-up nya ko,Kasama ng mistress nya na syang nagalaga sa akin,dun ko sa mistress nya nadama yung haplos at yakap ng isang ina.Yung mother's touch? Oo,ikaw ang ina ko pero naramdaman ko yun sa kanya,sya kasi ma ipinadama nya na may malasakit sya sa akin eh. At yung sinasabi mong walanghiya yung kabit ni papa? Gusto kong isampal sa'yo yung katotohanang mali lahat ng sinasabi mo. Hindi naman nya inagaw si papa gaya ng sinasabi mo sa akin eh. Kusa mong binitawan si papa at sinalo nya. At yung lagi mong sinasabi na itatak ko sa kokote ko na wala na kong ama? Ayoko ma. Pasensya na kung nagsisinungaling ako ha?Yung mga pagtango ko kada sasabihin mo yun,sorry ma ah? Pero sa tingin ko kasi hindi ko yun dapat gawin. Kay papa ko kasi nadadama yung hindi ko nararamdaman sa'yo eh. Ang arte ko ba?Pasensya na. Anak mo ko at naghahangad lang ako ng pagmamahal mula sa'yo.
Mga Ate? Nagpapasalamat pala ko sa inyo kasi dahil sa inyo napilitan akong matutong maglaba, magtimpla ng kape, maghugas ng pinggan,mag-alaga ng bata, sa maagang panahon.
YOU ARE READING
A Confession For My Family (One Shot)
RandomOne-shot lang 'to at walang connection sa love kaya kung hanap nyo ay romance genre hindi ito yun T3T pero kung gusto nyo to mabasa edi go continue to the book itself yun lang po,bow. P.s walang tomg kwenta.Puro kagagahan,Naisipan ko lang to eh
