Fiera's POV
Nandito ako ngayon sa likuran ng aking bahay ng may marinig akong mahinang kaluskos na nanggagaling sa may malaking puno sa di kalayuan.
Out of curiosity tinungo ko ito.
Isang injured na ibon lang pala. Tss. Akala ko ano na.
Tsk! Masyado na yata akong nagiging paranoid. Tsk.
This is because of my goddamn dream. Ugh!
Mabuti pang maligo na ako. I still have a fight to watch mamayang gabi.
--
I wore my famous attire whenever I am inside the battle area, or the gangster dome, my long silk black leggings paired with my knee boots and my black tank top under a black leather jacket. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng kung ano pang maskara. I don't even care if everyone from the gangster dome knows my real identity. I don't give a damn! Simple thick black eye liner would be enough.
Nagtungo na ako sa aking specialized garage. Specialized because hindi ito basta-bastang napapasukan ng kung sinu-sino lang dahil ang nakalagay sa lock nito ay mismong dugo ko at kapag bubuksan ko na, may capability din ito na isense kung ako ba ang papasok or hindi. So, in short, exclusive ang garage na ito for me. Well included na diyan na ako ang gumawa nito *smirk*
I don't even bother to lock my gate. Like duh!? My house appears as it is just a fucking very old haunted house. Sino namang magbabalak na pumasok doon? Tsk.
Pero ang totoo kung tinitirhan ay nasa ilalim ng makikitang bahay. Basically, I'm living in an underground. Kung gusto mo pang mabuhay ng mga 2 more years, atleast, wag mo ng balaking pumasok. Baka buhok na lang ang matira sayo o ang masaklap ay baka wala nang matira sayo. I have a human eater machine at the front door and also inside the underground. So, think well.
--
Usok, sigawan, landian, suntukan, tawanan, yan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko palang sa dome.
"Oh! Hi there Queen! Parang walang nakapansin sayo ah?" A guy in a black hood greeted me. A unique greetings, indeed! Oh please note the sarcasm.
Hindi ko siya pinansin at umupo na sa aking trono.
Tanaw mula dito ang mga naglalaban sa gitna ng ring at ang mga tao na kung tingnan ay parang mga demonyo kung gunalaw sa paligid.
What a living hell!
"Sino ang maglalaban ngayon?" I asked the man standing beside me with a deep boredom in my voice. He is my slave here. Why slave? Well, it's confidential. He owe me his life.
"May limang lalake na naghamon queen, we don't know what gang they are. But they are strong enough to defeat some of our leads."
Napataas naman ang kilay ko sa narinig. Nobody dares to defeat those idiots (referring to the leads). And, strong enough huh?!. Let's see.
"Where are they?" Walang gana kong tanong saka tumayo at maingat na iniangat ang paningin sa paligid.
"Nasa grand ring po queen" he then gave me a way.
Pababa na sana ako sa hagdanan when someone grabbed my arm recklessly.
"Aw! Era! What the fuck! Let go!"
I just twist his hand and then put it at his back with some twisted joints in his wrist.
Did he just call me Era? Isa lang ang tumatawag sa akin niyan.
No way! Is this --
"It's Axel for God's sake Fiera!" Sigaw niya sabay bitaw ko sa kanya saka siya malakas na lumapag sa sahig.
How dare he show his self to me after so 5 freaking years ?!
"My office. Now!" I firmly said as I lead the way.
This guy is really getting into my nerves! How could he?!
All this time akala ko.. Akala ko nawala narin siya sakin! I even made his death certificate and burial! Ahh! Bullshit! Fucking bullshit!
"Sit!"
"Easy. Ganyan mo ba ako itreat after 5 years nating hindi pagkikita?"
Hindi ko na talaga makontrol ang sarili ko kaya natamaan ko siya ng kanina ko pa bitbit na dagger.
"Era naman! Sabi ko nga uupo at tatahimik na." Parang bata niyang usal saka umupo sa harapan ng aking mesa habang hawak-hawak ang dumudugong balikat. Pasalamat itong gagong to at hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya bago siya nawala.
Batid niya sigurong hinihintay ko siyang unang magsalita kaya naman naisipan niya na ring magsalita. At last! Marunong na rin pa lang mag-isip ang gagong 'to.
Itinaas niya ang dalawang kamay as if he's surrendering. Tss. Dami pang pakulo. "Eto na nga oh!" Angil niya nang matamaan na naman siya ng ligaw na dagger. This time, hindi na yun galing sa kamay ko. It was from somewhere inside this room. I was just controlling it.
"I know, mahirap itong intindihin but please, subukan mong intindihin, okay?" How dare he? Anong tingin niya sakin, bobo?
Tinanguhan ko na lang siya as if ordering him to continue.
"Noong gabing 'yun..." Pagsisimula niya, hindi ko naman maiwasang maisip ang nangyari nang gabing yun. Damn! Sumasakit na naman ang ulo ko.
Ang dami kong nakikitang mga importanteng tao sa buhay ko noon na ngayon ay wala na, iniwan na ako.
Si nanang, ang tanging naging gabay ko. Hindi ko man siya kadugo pero higit pa sa pagiging kadugo ang turing ko sa kanya. Si Abel, ang kanyang apo na tinuring ko ng kapatid. Si Dana, ang mayaman kong kaibigan na nawala ng dahil sa kawalangyaang nangyari noon... Lahat sila... Lahat sila.. Bumabalik na naman sa aking isipan... Mga dugo... Mga sigaw...
"Aaaaaaaahhhhrrrrgggg!" Tila binibiyak ang ulo ko sa sakit. Ano na naman ba ito? Kailan ba 'to mawawala? Sa twing naiisip ko ang gabing yun, parang unti-unti rin akong pinapatay sa sakit.
"Oy, Era? Anong nangyayari sayo? Sagutin mo ako?!" Lumapit narin pala si Axel sa mesa ko habang ipinahiga niya ako sa kandungan niya.
Patuloy parin ang pagpapakita ng lahat ng mga nangyari hanggang sa nakarinig kami ng malakas na pagbukas ng pinto at mga hingal.
"Queen!" Ang aking slave..
"Fuck?! Fiera! Umayos ka!" Singhal ng lalakeng katabi ko kanina na nka-hoodie.
"Let's bring her to the hospital" mahinang usal ni Axel.
No! Ayoko sa ospital!
Papalag pa sana ako pero hindi ko na maibuka ang bibig ko. Patuloy parin ang pagsakit ng ulo ko at hindi nagatagal ay unti-unti nang bumibigat ang talukap ng aking mga mata at sa isang iglap ay nawalan na ako ng malay.
YOU ARE READING
Devil's Angel
FantasyRead and please do appreciate :] Thanks! P.S. TAG-LISH (tagalog-english) PO ITO!
