Sapakan na lang oh.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wag na pong Manong ang itawag niyo sakin Vince na lang po" Sagot ko naman kilala ko na rin kasi masyado si Mang Pebs at may respeto rin ako sa kanya. =)))

"Sige po" Sagot niya sakin bago ako bumaba sa sasakyan. 

Pagkababa ko pa lang nakita ko na dun sina Mrs. Taylor at Mr. Taylor. Nagbabantay. Excited naman sila.

"Hijo, maraming salamat at nakapunta ka"  Bati sakin ni Mr. Taylor.

"Naku, Walang anuman po , Eto nga po pala pinabibigay nina mama at papa sa inyo" Sabi ko naman lumong lumo ako dahil hindi ako nakapag-agahan nakakatakot na kasi sa bahay. 

"Oh. Hijo salamat halika at makapag-agahan man lamang tayo" Sabi naman ni Mrs. Taylor sa akin buti pa siya mabait at mala-anghel ang dating. Pero mas maganda pa rin nanay ko. :P

"Ay, naku hindi na po baka nakakaabala na po ako sige po mauna na po ako" Sagot ko naman agad nakakahiya kasi talaga. At hindi rin ako kumakain sa ibang bahay unless sa mga katropa ko. 

"Ah. Sige hijo at ingat kayo pauwi" Sabi nila sakin parehas. 

"Salamat po" Sabi ko ulit sa kanila.

"Mang Pebs tara na po" Sabay sabi ko naman kay Mang Pebs dahil dadaan pa ko sa 7 eleven. 

"Sige po Sir Vince" Sagot naman niya sakin.

"Vince po. Wag niyo na po kasi akong tawaging Sir." Sabi ko naman sa kanya ayaw ko talaga kasing tinatawag na Sir. XD

"Sir saan niyo po gustong pumunta bago ko kayo ihatid sa school niyo?" Tanong ulit sa akin ni Mang Pebs siguro may masabe lang tong si Manong. XD

"Tara po muna dumaan sa 7/11 hindi na po kasi ako nakapag-agahan dahil ni mama" Sabi ko ulit.

"Sige po sir" sagot ni Mang Pebs sa akin.

On the way kami papuntang 7/11 nakita kong naglalakad yung anak nina Mrs at Mr Taylor papuntang school nagtaka lang ako bakit hindi siya gumagamit ng sasakyan nila. Pero imbis na problemahin ko ang problema nila mas gusto kong unahin ang aking sariling problema, ang aking kumukulong tiyan. Sayang naman yung kagwapuhan ko kung mamamatay lang ako sa gutom diba? 

Ang Boyrfriend kong Manloloko [[COMPLETE]] REVISINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon