MAHAL KITA!
Kaya kong tiisin lahat ng kagagohan at kahayupan mo, kahit alam kong wala akong lugar sa puso mo.
MAHAL KITA!
Kahit paulit ulit mo akong sinasaktan at pinapaiyak araw gabi dahil sa kataksilan mo.
MAHAL KITA!
Kahit may mahal kang iba at hindi ako!.
Masakit na makita kang masaya sa piling niya .
Masakit! sobrang sakit nito sa aking dibdib!
Ramdam ko ang bawat luhang pumapatak sa aking pisnge at bawat tinik na tumutusok sa aking dibdib dahil alam kong mas mahal mo siya!
Sino nga pala ako sa puso mo
" Isang kaibigan na laging nandyan para sayo"
"Kaibigan na laging nasasaktan dahil sayo!"
"Kaibigan na handang magpakatanga para lang sayo!"
"Kaibigan na handang isuko ang lahat para sayo!"
At " Asawa!, na handang magtiis at magpakamartyr sa sakit na dulot mo!"
Mahal ? Hanggang kelan ako magtitiis ......
"Hanggang kelan ako maghihintay na mapansin mo"
"Hanggang kelan ako manglilimos ng pag ibig mo"
"Hanggang kelan ako magdurusa sa piling mo?"
Mahal, napapagod din ako.
"Pagod na akong lumuha dahil sayo "
"Pagod na akong masaktan "
"Pagod na akong ipaglaban ang pagibig ko"
" Pagod na pagod ...
Gusto ko ng magising sa bangungot na dulot mo!
Dahil pagod na akong magpakaTANGA para sayo..
Mahal, Malaya Kana...
YOU ARE READING
The Martyr Wife (ON HOLD)
RomanceKapag mahal mo ang isang tao, Lahat gagawin mo Kahit alam mong mahirap at masakit titiisin mo. Pero paano kung paggising mo, Pagod na rin ang puso mo Kakayanin mo pa bang tanggaping lahat ng sakit at hirap na ibibigay niya sayo ? O sadyang bib...
