Chapter 1- Invite
"HEY! Vien." napalingon ako sa tumawag sa akin na si Gian, choirmate ko siya.
Napataas ang kilay ko. "Why?"
Natawa siya ng bahagya. ewan ko kung bakit pero siguro sa pagtaas ko ng kilay sa kanya? Dunno. "Gusto lang sana kita iinvite. samahan mo sana ako sa birthday ng ka-tropa ko."
"Dude, ano 'yang pinag-uusapan niyo ni Vien?" Biglang sabat ni Kuya EJ, choirmate ko din at siya ang pinakamatanda samen. Tinapik niya ang kanang balikat ni Gian.
Kumunot ang noo ko. "Teka Gian, bakit naman kailangan kitang samahan diyan? Bakit hindi na lang si Janna? Bestfriend mo yun diba?"
"Oww..Gian so you're inviting Vien for a what?" Nakangising sabi ni Kuya EJ.
Napayuko ng ilang saglit si Gian at saka bumaling na kay Kuya. "Uhm..alis muna ako kuya, ihi lang." pagkasabi ay nagmamadali siyang umalis.
Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Gian. so ano 'yun? bakit naman biglang napaihi siya pagkalapit ni Kuya EJ? sounds weird or it's just me.
Napakibit-balikat lang saken si Kuya EJ. "I think he's inviting you for a date?" Nanunukso ang tingin niya sa akin. teka lang ha, saan naman nanggaling ang ideya na iyan?
Nanliliit ang mata ko. "Really, what?"
"Kasi 'nung tinanong ko siya di naman niya sinabi kung bakit 'tas biglang umalis, so i think na nahihiya siyang sabihin sa akin na iniinvite ka niyang makipagdate?"
"Kuya naman, napakagrabe mo namang magconclude. hindi kaya 'no. ang sinabi niya saken--"
"Kuya EJ!"
Lumanding ang tingin ko kay Janna. papalapit siya samen. ngumisi siya saken at hinarap na si Kuya EJ. "Yung kopya ko ng mga songs, akin na." sabay lahad ng kamay niya.
"Okay," tapos ay umalis na sila ni Janna.
Si Janna. tingin ko may lihim na gusto si Gian sa kanya. sa tuwing nagprapractice kasi kami ay napapansin ko ang panakaw niyang mga tingin kay Janna. tas may mga times na 'pag may sasabihin sa aming mga announcements si Ate Jenny--instructor at pianist namin, imbes na tumingin si Gian dito ay na kay Janna ang tingin niya,ang pokus niya. hindi ko alam kung napapansin din siya ng ibang mga choirmates ko o ako lang.
Torpe.
Pinagbreak muna kami ni Ate Jenny. sabado ngayon eh. may mga bago na naman kaming mga songs na kailangan naming i-master. nilagay ko muna sa sling bag ko ang mga kopya ng songs.
Renaissance choir. iyan ang pangalan ng choir namin. tuwing sabado ang practice namin para sa mass kinabukasan. Tuwing 5pm mass kami kumakanta. sumali ako dito sa choir ay dahil gusto ko lang. maganda naman ang boses ko. at para siguro lumawak ang social life ko.
Napatalon na lang ako ng tinapik ako ni Hailee. pinanliitan ko siya ng mata. kasama niya sina Mercy, Courtney, Dianne, at Adrian. sila yung mga kabarkada ko dito sa choir.
"Oh ano Vien? Tara na."
Ngumisi ako kay Hailee at sumama na. lumingon ako kila Dianne at Adrian. nakaakbay si Adrian kay Dianne at nakangiti sa isa't-isa habang may pinag-uusapan na kung ano.
"Nakow, nilalanggam na naman sa ka-sweetan ang mag-jowa." tukso ko sa kanila. napatingin sila saken.
"Kasi itong si Adrian eh," pasweet na sabi ni Dianne.
Tumaas ang kilay ni Adrian sa kanya. "Bakit ako aber?"
"Kulit niyo no?" Sabi naman ni Mercy.
Nagtungo na kami sa carinderia ni Aling Lucy sa may tapat lang din ng simbahan. pagdating namin ay agad naman naming binati si Aling Lucy. tapos ay umupo na kami. suki na kami dito eh. si Hailee na ang nag-order.
YOU ARE READING
Agwat
RandomSa mga mata ng mga mapanghusgang tao,mali ito. mali itong nararamdaman ko,mali rin ang nararamdaman niya. pinipilit naming umiwas, pero sadyang pinagtatagpo talaga kami. di na mapigilan pero pinipilit pigilin. mahirap na mahirap. This is forbidden...
