Chapter 7.2 "For the Sake of my Best Friend." (Revised)

Start from the beginning
                                    

"Ah oo bakit?" Medyong pagtatakang sagot ni Gail.

"Ah wala naman, kakausapin ko lang siya. Pwede kaya?" Tanong sa kanya ni Yohan.

"Ah pasensya ka na, nandyan kasi sa loob ngayon ang boyfriend niya." Sagot naman ni Gail.

 "Boyfriend?" Gulat na tanong ni Yohan kaya nagulat din sa kanya si Gail.

"Oo, meron siyang boyfriend." Kunot-noong sagot ni Gail sa kanya.

"Kung ganun hindi ko siya pwedeng pagpanggapin na girlfriend ko sa party ni mama? Pano na to?" Napakagat sa ibabang labi si Yohan at parang ang lalim na ng iniisip niya. Si Gail naman ay puno na ng pagtataka sa expression ngayon ni Yohan na para bang problemado.

"May gusto ba siya kay Milee kaya ganyan siya maka-react?" Biglang sabi ni Gail sa isipan niya sapagkat sa nakikita niya ngayon sa expression ni Yohan ay hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na isipin yun. "Kung gusto mo siyang makausap ay mamaya na lang siguro." Walang ganang sagot sa kanya ni Gail.

Aakama na sanang lalakad paalis si Gail pero bigla siyang hinawakan ni Yohan sa braso niya at pinigilan siya. Inis naman na lumingon siya dito.

"Ano ba? Bakit ka ba-" Naputol ang sasabihin ni Gail dahil inunahan siya ni Yohan.

"Gail sandali lang. Mukhang hindi ko na pwedeng kausapin pa si Milee tungkol dito." Seryosong sabi sa kanya ni Yohan kaya ang kaninang nakakunot-noong si Gail ngayon ay puno na ng pagtataka.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nito.

"Gail, hindi lang ito para sa pagpapa-opera ng papa ni Milee." Again, ay mas lalong napuno ng katanungan si Gail.

Always is Enough [Editing & Revising]Where stories live. Discover now