1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

1 0 0
                                        

Pagnagmamahal nasasaktan kasi di pagmamahal yun pag hindi ka umiyak.
                       -Anonymous

Hindi ka naman panget, di rin masama ugali mo, makulit ka pero malambing din naman, minsan may toyo pero seryoso ka magmahal pero bakit ka kaya niya iniwan?

Paano ka makakamove-on niyan?

Pag tinanong ka kung para kanino ka bumabangin ano isasagot mo ?

Hay nakooo!! Lppp
Minsan kailangan mo tanggapin, lunukin at itapon ang mga bagay na hindi makakatulong sayo.

Ika Sampung utos iuntog mo ang ulo mo sa pader siguraduhin mong  may bukol at dugo para mas damang dama mo ang sakit baka sakaling magka amnesia ka at makalimutan mo ang ginawa niya.

Ika Siyam na utos puntahan mo ulit ang mga lugar na madalas niyong puntahan, kainan o tambayan makakatulong yan sayo para ipamukha mo sa  iyong sarili na WALA na talaga.

Ika Walong utos i-display mo sa bahay niyo ang mga regalo niya sayo at ipagyabang mong yung Ganda mo ay pinagkakagastusan.

Ika Pitong utos puntahan mo yung mga barkada mong may boyfriend at ipagyabang mong Wala ka nun kaya di ka na masasaktan,  di tulad nila. Ipakita mong sama-sama kayong iiyak sa huli.

Ika Anim na utos isuot mo palagi yung couple shirt niyo tapos magpa gulong gulong ka kung saan hanggang sa maging mukhang basahan yung pinakapaborito mong damit, na sana katulad na lamang ng pag-ibig mo sa kanya pwede mong itapon kung saan kapag diring-diri ka na.

Ika Limang utos ay gawin mong mag-isa ang mga hobbies niyo noon  habang masaya ka, sigyradong malulungkot ka sa umpisa pero malalaman mo na Kakayanin mo pa rin pala kahit na wala na siya.

Ika Apat na utos matulog kang walang bahid ng luha ang iyong mga mata bagkus mga tulo ng laway na magpapakita na mas magaan ang tulog at  buhay mo ngayon kaysa noon.

Ikatlong  utos makipagkaibigan ka sa lalaki at babae sa iyong paligid. Magpapicture ka sa mga gwapong lalaki para maisip niyang Siya yung nawalan at hindi ikaw.

Ikalawa  wala kang susunding utos sa mga nauna dahil ang mahalaga Nakaranas ka ng pagmamahal sa anumang paraan; tama man o mali.

Una  magdasal ka ibuhos mo lahat ng sakit sa Panginoon mauunawaan ka niya, umiyak ka gabi-gabi ngunit kapag kaya mo na ulit wag kang matatakot na sumubok muli dahil ang Diyos ay Pag-ibig karapatan nitong pumasok sa puso nino man

Una  magdasal ka ibuhos mo lahat ng sakit sa Panginoon mauunawaan ka niya, umiyak ka gabi-gabi ngunit kapag kaya mo na ulit wag kang matatakot na sumubok muli dahil ang Diyos ay Pag-ibig karapatan nitong pumasok sa puso nino man

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

10 Utos Para Makalimutan Si EXStories to obsess over. Discover now