"Crush mo?" pagbibiro pa niya.

"Hindi, crush ko siya para sayo. At saka, pareho na kayong nasa tamang edad. Marunong na kayong mag-desisyon sa mga bagay na gusto ninyo. Hindi na kayo mga bata na mahilig maglaro."

Kumunot ang noo niya. "Maglaro?"

"Ang maglaro sa sariling mga damdamin. Sinabi saken ni Font na bibigyan mo na si Text ng pagkakataon na patunayan ang sarili niya sayo. Maging tapat ka sa sarili mo anak. Huwag mong pigilan kung malapit na. Don't hesitate. Kasi nanggaling na ako doon at nag-taxi ako pabalik para sosyal."

"Alam ko ho Dad. Kaya lang naman ako medyo kinakabahan dahil dadating bukas ang lola at nanay ni Text. Ayaw ko naman hong mag-assume agad pero hindi ko ho kasi mapigilan na mag-alala. Medyo, hindi kasi maganda ang tingin ng mga tao dito saken. Alam mo na? Para kasing ako ang demonyo na pumigil kay Text sa pagiging pari."

"May TV ba silang lahat diyan?"

"Po?"

"Magbabanta ako in national television."

"Dad!"

"Jowk! Haha! Ikaw naman, 'di na mabiro. Anak, para ka namang hindi nasanay. Araw-araw tayong tsinitsimis dahil sa pagiging awesome."

"Pero iba parin 'yon Dad –"

"Danah, anak, hayaan mo na sila. Hindi umiikot ang mundo mo dahil sa kanila. Opinion nila 'yon. Kahit mag-volunteer ka pa sa SAF may masasabi at masasabi ang mga 'yon sayo. Kahit na tubuan ka pa ng pakpak iisipin parin nilang na demonyo ka o anak ka ng engkanto. Kung ayaw nila sayo, huwag mong pilitin. Hindi tayo nanlilimos ng pagmamahal. Tayo mismo ang nagbibigay. 'Yon ang gawin mo."

Napabuntong-hininga siya. "Kaya ko kaya, Dad? Paano kung ganoon din ang nanay at lola ni Text? Paano kung hindi din nila ako gusto?"

"Anak, hindi ka si Marimar. Huwag kang feeling."

"Dad naman eh! Seryoso ako."

"Kapag ayaw nila sayo, tawagan mo ako, pupuntahan kita diyan at ako mismo ang mag-uuwi sayo dito sa atin. Hindi ako papayag na apihin at saktan nila ang prinsesa ko. Ako ang makakalaban nila. I'm the queen father ng Pilipinas! At seryoso ako doon."

Bigla na lang tumulo ang mga luha niya. Ano ba 'yan! Nababaliw na talaga siya. Ang dali niya ng paiyakin. Kahit ano talaga lalabas at lalabas ang pagiging mahina niya.

"Salamat Dad."

"I love you, baby. I missed you so much."

"I love you too, Dad and Mom."

"Magpahinga ka na, anak. Anong oras na ba diyan?"

Natawa naman siya habang pinupunasan ang mga luha. "Dad, wala ako sa states, nasa Pilipinas lang ako. Malamang gabi din dito."

Tumawa ito. "Pinapatawa lang kita. Cheer up my princess. Nandito lang ang Daddy mo sa tabi mo. Tandaan mo 'yan."

"Thanks Dad,"



BUMABA si Danah sa kusina pagkatapos niyang makausap ang ama sa cell phone. Ala sais pa naman pero tahimik na ang buong kabahayan. Dapat kakain na sila ng haponan nang mga ganitong oras kaso tulog pa si Text at tinatamad pa rin siyang gisingin ito.

Naabutan niya si Nanay Dolores sa dining area na inihanda ang mga pagkain. Ngumiti ito nang makita siya.

"Naku! Buti at bumaba ka na. Tamang-tama't handa na ang mga pagkain. Upo ka na."

SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Where stories live. Discover now