Pagpasok nilang dalawa ay may nakita sila sa kusina kaya naman napatigil sila sa paglalakad. Sabay silang nagulat ng makita si Yohan na naghahanda ng pagkain.

Mukha namang nakuha na agad ni Milee ang ginagawa ni Yohan kaya umupo lang siya sa table. Napalingon siya kay Gail na nakatayo pa din at gulat sa mga nakikita niya. 

"Oh Gail? Bakit nakatayo ka pa diyan? Kain na tayo." Yaya naman ni Milee. Natawa naman si Yohan ng makita si Gail na nasa state of shocked pa din

"Ahm, s-sir? Niluto niyong lahat ng ito?" Tanong ni Gail na medyo naiilang pa.

"Yup! Ako ang nagluto niyan tsaka wag ka ng mahiyang kumain ha? Gusto ko lang ipatikim sa inyo ang luto ko at sana magustuhan niyo." Nakangiting sagot naman ni Yohan saka na ito umupo sa harapan nila. 

"Wow! Ang sarap niyo palang magluto. Gail dali tikman mo na." Excited na utos ni Milee kay Gail.

Nahihiya pa din si Gail pero ginawa na lang niya. Para din ma-practice na din niya ang wag mailang at masanay na siya sa prisensiya ni Yohan.

"Masarap nga." Sagot ni Gail saka siya ngumiti kay Yohan, Si Yohan naman ay parang nakaramadam ng pagkailang kay Gail.

"Salamat. Papa ko ang nagturo sakin kung paano magluto." Biglang sagot ni Yohan.

"Talaga po? Eh, nasa'n na po ang papa niyo?" Biglang tanong ni Milee.

"Wala na siya." Plain na sagot ni Yohan.

Bigla na lang natigilan sa pagsubo sina Milee at Gail.

"Ah ganun po ba? Pasensya na po di ko na sana tinanong." Sabi ni Milee.

"Hindi, ayos lang sakin yun. Para naman kahit konti eh may alam na din kayo sakin." Sagot naman ni Yiohan ng nakangiti.

"Ayos lang ba sayo kahit malaman namin? Talaga?" Tanong naman ni Gail.

Always is Enough [Editing & Revising]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें